Hataw D’yaryo ng Bayan

Hataw D’yaryo ng Bayan HATAW! D'yaryo ng Bayan (hatawtabloid.com) brings you the latest news from around Hataw! D’yaryo ng Bayan. The news content of Hataw! is their main responsibility.

D’yaryo ng Bayan started in 2004 as a weekly newspaper in tabloid size under the name of “Bulakan Star”. In 2005, it started its daily general nationwide circulation and changed the name to Hataw! The tabloid runs through various departments of JSY Publishing: the Editorial, the Advertising, and the Production and Circulation. The Editorial Department comprises of the editors, layout artists, repo

rters and photographers. The Advertising Department takes care of the print advertisements being published in the tabloid. These print ads came from commercial and legal notices. The Production and Circulation takes care of the copies printed and distribution all over the Philippines. D’yaryo ng Bayan is currently printing and publishing on a daily basis # # #, # # # copies. D’yaryo ng Bayan is also available online via https://hatawtabloid.com/
• Circulation: XX, # # # copies per day
• Readership: Almost XX, # # # readers per day.
• Language: Filipino
• Places of Circulation: Luzon, Visayas, Mindanao

SA DABAW,  MGA MOST WANTED TIKLO -- WALANG TAKAS KAHIT UNDAS!Habang karamihan ay nag-aalay ng kandila at panalangin ngay...
04/11/2025

SA DABAW, MGA MOST WANTED TIKLO -- WALANG TAKAS KAHIT UNDAS!

Habang karamihan ay nag-aalay ng kandila at panalangin ngayong Undas 2025, iba ang naging galaw ng hanay ni Police Regional Office 11 (PRO 11) Director PBGEN JOSEPH ARGUELLES sa Davao Region.

Alinsunod na rin sa direktiba ni ACPNP PLTGEN JOSE MELENCIO CORPUZ MARTATEZ JR, Hindi nagpahinga ang pulisya — tuloy-tuloy ang operasyon at todo-bantay seguridad sa Davao Region sa ilalim ng Oplan Ligtas Undas 2025.

Naging mapayapa man ang mga sementeryo, sa kalsada ay maingay at buhay ang aksyon — patunay na sa Davao, walang holiday ang pulisya para makapagbigay hustisya.

RSOG — ANG TUNAY NA HINDI NAG-UUNDAS!

Sa Bansalan, Davao del Sur, hindi nakaligtas si alyas Romeo, Top 6 Regional Most Wanted, sa kasong Statutory R**e. Nasakote sa operasyon na pinangunahan ng RSOG-RPDEU 11 team ni PMAJ ALBERT ALLAN ALMARIO JR, sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL MAYNARD PASCUAL.

Sa Panabo City, Davao del Norte, nadakip si alyas Caloy, Top 2 Regional Most Wanted, sa kasong Murder. Pinamunuan ang operasyon ni PCAPT MARC JAESON KRISTOFER CULASTE ng RSOG-RPDEU Davao del Norte, katuwang ang Panabo City Police Station, RID 11, CIDG DN PFU, at 1102nd MC RMFB11. Diretso Panabo CPS — walang takas kahit may Undas.

Sa striktong pagtimon ni Regional Intelligence Division(RID) Chief PCOL MELVIN R MONTANTE sa mga Intelligence and Operations Unit ng PRO11 ay mas napaghuhusay ang kampanya kontra krimin@lidad at Pagtugis sa mga pinaghahanap ng batas.

Kaugnay nito, Dalawang kelot na tinaguriang Top 5 at Top 10 Regional Level MWP ang nasakote ng RID 11 operatives sa kasong Statut0ry R@p€ ( 3 counts) sa Davao City at RA 9165 sa Davao Del Sur.

Kasagsagan ng paghahanda sa bantay seguridad sa undas ay naaresto rin ng CSOG-DCPO at RSOG XI sa pangunguna nina PLTCOL RANDY P SAMBALOD at PLTCOL MAYNARD PASCUAL si alyas Cerrone, Top 1 Station Level Most Wanted, sa kasong Syndicated Estafa na may higit 10 kaso sa Cebu City. Walang piyansa, walang pinalagpas — hustisya, swak na selda.

IBA PANG MGA HULI SA PANAHON NG UNDAS

Sa Toril, Davao City, bandang alas-9:45 ng umaga, inaresto ng PS8 (Toril Police Station) sa pamumuno ni PMAJ SHERYL Y BAUTISTA si alyas Dodong, Top 8 City Level Most Wanted, dahil sa tatlong counts ng Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610. Kahit Undas, walang lusot — diretso sa kustodiya ng Toril PS.

Kasabay ng katanghaliang, nagpositibo naman ang operasyon sa Monkayo, Davao de Oro. Pinamunuan ni PLTCOL MICHAEL JAN M PERIA, katuwang ang PIU-DDOPPO, PDEU-DDO, PIT-DDO RIU 11, 1st PMFC-DDO, at CIDG DDO PFU 11, ang pagkakaaresto kay alyas Tony, Top 3 Regional Most Wanted, sa kasong Murder at Frustrated Murder.
Walang piglas — diretso booking at kulungan.

Hindi rin nagpahuli ang Davao City Ma- PS16 Ma-a na pinamumunuan ni PMAJ PHILIP DAVE A UDDIN, kasama ang City Special Operations Group (CSOG) ni PLTCOL RANDY P SAMBALOD, naaresto si alyas Jerald, Top 3 Station Level Most Wanted, sa kasong Illegal Possession of Dangerous Drugs(Sec. 11, R.A. 9165).
Nadale sa loob ng People’s Village, Brgy. Ma-a — Kalaboso.

Sa Tibungco, Bunawan District, hindi nakalusot si Alex, 64-anyos, Top 10 City Level Most Wanted, sa kasong Child Abuse R.A. 7610.
Pinangunahan ni PMAJ JANUS LUMBAYA B MACLI-ING, Acting Station Commander ng Bunawan Police Station, ang operasyon — nahuli sa sariling bakuran.

Sa Padada, Davao del Sur, bandang 8:50 ng umaga, nasakote si Reyboy, Top 7 Provincial Level Most Wanted, sa kasong Robbery, sa matagumpay na operasyon na pinangunahan ni PMAJ ALBERT ALLAN P ALMARIO JR, katuwang ang Padada MPS, CIDG Davao Sur PFU, at iba pang units.

Sa New Bataan, Davao de Oro, hindi rin nakaligtas si alyas “Toto”, Top 2 Provincial Most Wanted, sa kasong R**e . Pinatunayan ng New Bataan MPS ni PMAJ DARWIN M AGUILAR, kasama ang CIDG DDO at iba pang units, na kahit pagkatapos ng Undas — hindi nagpapahinga ang pulisya.

PBGEN ARGUELLES: “HINDI KAMI NAG-UUNDAS PAG SERBISYO ANG USAPAN”

Matapos ang magkakasunod na operasyon, binigyang-diin ni PBGEN JOSEPH R ARGUELLES, Ama ng PRO 11:

“Hindi kami nag-uundas pag serbisyo ang usapan. Sa PRO 11, tuloy ang trabaho, tuloy ang paghuli — dahil ang krimen, walang holiday.”

Habang ang ilan ay nag-aalay ng dasal, ang PRO 11 ay nag-aalay ng serbisyo at aksyon.
Siyam na Most Wanted, sunud-sunod na nahuli.
Ligtas Undas, Ligtas Rehiyon — dahil sa Davao, walang takas ang kriminal!

At para sa mga marites na nag-aabang ng susunod na kaganapan, sabi nga sa kanto:

“Kung dati puno ng kandila at dasal ang sementeryo, ngayon puno ng aksyon at operasyon ang kalsada!”

Sa Davao Region, tahimik ang komunidad dahil siguradong may pulis na gising at nagbabantay sa lansangan. ( Ulat ni Brian B. )

Police Regional Office 11




𝐒𝐞𝐤𝐲𝐮 𝐭𝐨𝐝𝐚𝐬 𝐬𝐚  𝐫𝐢𝐝𝐞𝐫https://hatawtabloid.com/2025/11/04/sekyu-todas-sa-rider/DEAD ON THE SPOT ang 32-anyos na security ...
04/11/2025

𝐒𝐞𝐤𝐲𝐮 𝐭𝐨𝐝𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐫𝐢𝐝𝐞𝐫
https://hatawtabloid.com/2025/11/04/sekyu-todas-sa-rider/

DEAD ON THE SPOT ang 32-anyos na security guard matapos pagbabarilin ng isang ‘di kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Quezon City nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si alyas Malang, 32, may-asawa, security guard, residente sa Examiner St., Brgy. West Triangle, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 5:25 ng hapon nitong Linggo, 2 Nobyembre, nang mangyari ang pamamaril sa harap ng Blade Auto Center na matatagpuan sa kanto ng Mindanao Ave., at Arty 2 St., sa Brgy. Talipapa, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Jordan A. Barbado, sakay ang biktima ng itim na Yamaha Aerox at habang binabaybay ang northbound ng Mindanao Ave., nang biglang nagmaniobra ang suspek na sakay din ng motorsiklo at agad itong pinagbabaril.

Nang matiyak na wala nang buhay ang biktima ay saka lamang tumakas ang suspek.

Dumating ang SOCO Team mula sa QCPD sa pangunguna ni P/CMS Federico Manzano at sa pagsusuri, maraming tama ng bala ng baril sa kaliwang bahagi katawan ang biktima.

Nasamsam sa crime scene ang mga basyo ng ‘di pa batid na bala ng baril at itim na Yamaha Aerox na pag-aari ng biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril at sinusuri na rin ang mga CCTV sa lugar para sa posibleng pagkakakilanlan ng salarin. (𝘼𝙇𝙈𝘼𝙍 𝘿𝘼𝙉𝙂𝙐𝙄𝙇𝘼𝙉)

DEAD ON THE SPOT ang 32-anyos na security guard matapos pagbabarilin ng isang ‘di kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Quezon City nitong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktima na si alyas Malang, 32, may-asawa, security guard, residente sa Examiner St., Brgy. West Triangle, Quezon City. Sa re...

𝘋𝘳𝘪𝘷𝘦𝘳 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘴𝘦𝘯𝘴𝘪𝘺𝘢𝐅𝐞𝐫𝐫𝐚𝐫𝐢 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐨𝐦𝐩𝐢𝐬𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐋𝐓𝐎https://hatawtabloid.com/2025/11/04/driver-walang-lisensiy...
04/11/2025

𝘋𝘳𝘪𝘷𝘦𝘳 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘴𝘦𝘯𝘴𝘪𝘺𝘢
𝐅𝐞𝐫𝐫𝐚𝐫𝐢 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐨𝐦𝐩𝐢𝐬𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐋𝐓𝐎
https://hatawtabloid.com/2025/11/04/driver-walang-lisensiya-ferrari-walang-palaka-kinompiska-ng-lto/

BUNGA nang patuloy na pagpapatupad ng Land Transportation Office (LTO) sa pinaigting na kampanyang laban sa mga hindi nagkakabit ng plaka at pagmamaneho nang walang lisensiya, isang Ferrari ang hinarang, hinuli, at inilagay sa impound sa SCTEX- Tarlac City nitong 2 Nobyembre 2025.

Sa ulat ng LTO, bagaman may kaukulang dokumento ang sasakyan, nilabag ng driver o ng may-ari ang hindi pagkakabit ng plaka sa harap ng sasakyan, na nararapat gawin sa ilalim ng Section 62, RA 4136, at pagmamaneho din nang walang balidong lisensiya na isang paglabag sa Section 22 ng parehong batas.

Ang paghuli ay naganap sa gitna ng pinaigting na pagbabantay sa mga pangunahing lansangan bilang bahagi ng Oplan Undas 2025 ng LTO sa pamumuno ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.

Ayon kay Lacanilao, ang Oplan Undas 2025 ay isang operasyon na naglalayong tiyakin ang kaligtasan sa kalsada at pagsunod sa regulasyon at batas trapiko ng mga motorista.

“Napansin namin ang nakababahalang pagbiyahe sa kalsada ng ilang luxury cars nang walang wastong dokumentasyon at hayagang lumalabag sa mga patakaran sa trapiko. Nagdudulot ito nang malaking panganib sa kaligtasan ng publiko, at gumagawa kami ng mga tiyak na hakbang upang matugunan ito,” pahayag ni Assec. Lacanilao.

Ang operasyon ng LTO ay alinsunod sa mga direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at sa patnubay mula kay DOTr Acting Secretary Giovanni Z. Lopez, na nagbibigay-diin sa kritikal na kahalagahan ng pagtataguyod ng mga batas trapiko para sa kaligtasan at seguridad ng lahat ng gumagamit ng kalsada. (𝘼𝙇𝙈𝘼𝙍 𝘿𝘼𝙉𝙂𝙐𝙄𝙇𝘼𝙉)

BUNGA nang patuloy na pagpapatupad ng Land Transportation Office (LTO) sa pinaigting na kampanyang laban sa mga hindi nagkakabit ng plaka at pagmamaneho nang walang lisensiya, isang Ferrari ang hinarang, hinuli, at inilagay sa impound sa SCTEX- Tarlac City nitong 2 Nobyembre 2025. Sa ulat ng LTO, ba...

𝘚𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘭𝘢𝘲𝘶𝘦 𝘏𝘪𝘨𝘩𝘸𝘢𝘺𝐒𝐔𝐕 𝐈𝐍𝐀𝐑𝐀𝐑𝐎 𝟔 𝐌𝐎𝐓𝐎𝐑𝐒𝐈𝐊𝐋𝐎 𝟑 𝐒𝐔𝐆𝐀𝐓𝐀𝐍 https://hatawtabloid.com/2025/11/04/sa-marilaque-highway-suv-inar...
04/11/2025

𝘚𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘭𝘢𝘲𝘶𝘦 𝘏𝘪𝘨𝘩𝘸𝘢𝘺
𝐒𝐔𝐕 𝐈𝐍𝐀𝐑𝐀𝐑𝐎 𝟔 𝐌𝐎𝐓𝐎𝐑𝐒𝐈𝐊𝐋𝐎 𝟑 𝐒𝐔𝐆𝐀𝐓𝐀𝐍
https://hatawtabloid.com/2025/11/04/sa-marilaque-highway-suv-inararo-6-motorsiklo-3-sugatan/

INARARO ng rumaragasang sport utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang call center agent ang anim na nakaparadang motorsiklo na ikinasugat ng tatlo katao habang papaliko sa kahabaan ng Marilaque Highway, Barangay Pinugay, Baras, Rizal, Linggo ng gabi.

Sa report ng Baras PNP, isang road crash incident ang naganap 2 Nobyembre 6:20 ng gabi sa Marilaque Highway.

Sinasabing tinatahak ng SUV, Geely Coolray Sports
may palakang NIJ 7625 na minamaneho ng isang alyas Lemuel, 39 anyos, call center agent, residente sa A. Burgos St., Brgy. 826, Paco, Maynila, ang kahabaan ng highway nang biglang binangga ang mga motorsiklo.

Ayon sa report, bumangga ang SUV ng suspek sa anim na nakaparadang motorsiklo na nagdulot ng multiple-vehicle crash.

Agad dinala ang tatlong biktima sa Quirino Memorial Hospital sa Quezon City, sinabing may bahagyang pinsala at kasalukuyang naka-confine sa nasabing pagamutan.

Kinilala ang mga angkas ng biktima na sina alyas Joan, 23 anyos, ng Masipag St., Pangarap Village, Caloocan City; alyas Maria, 39 anyos, residente sa Ph7-B B76 Package B, Lot 2, Bagong Silang, Caloocan City; at alyas Jeslyn, 25 anyos, residente sa Pangarap Village, Caloocan City.

Nabatid na nakaangkas ang tatlong biktima sa kani-kanilang kasama nang maganap ang insidente.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Baras PNP na sinamapahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries and Damage to Properties. (𝙑𝙄𝘾𝙆 𝘼𝙌𝙐𝙄𝙉𝙊)

INARARO ng rumaragasang sport utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang call center agent ang anim na nakaparadang motorsiklo na ikinasugat ng tatlo katao habang papaliko sa kahabaan ng Marilaque Highway, Barangay Pinugay, Baras, Rizal, Linggo ng gabi. Sa report ng Baras PNP, isang road crash inc...

𝘚𝘢 𝘊𝘢𝘷𝘪𝘵𝘦𝟒 𝐛𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐲𝐨 𝐦𝐢𝐧𝐨𝐥𝐞𝐬𝐭𝐢𝐲𝐚; 𝟐 𝐧𝐚𝐧𝐠-𝐚𝐛𝐮𝐬𝐨 𝐢𝐧𝐚𝐫𝐞𝐬𝐭𝐨https://hatawtabloid.com/2025/11/04/sa-cavite-4-binatilyo-minoles...
04/11/2025

𝘚𝘢 𝘊𝘢𝘷𝘪𝘵𝘦
𝟒 𝐛𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐲𝐨 𝐦𝐢𝐧𝐨𝐥𝐞𝐬𝐭𝐢𝐲𝐚; 𝟐 𝐧𝐚𝐧𝐠-𝐚𝐛𝐮𝐬𝐨 𝐢𝐧𝐚𝐫𝐞𝐬𝐭𝐨
https://hatawtabloid.com/2025/11/04/sa-cavite-4-binatilyo-minolestiya-2-nang-abuso-inaresto/

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos ang pangmomolestiya sa apat na binatilyo at pagkuha ng video sa kanilang pang-aabuso sa bayan ng General Mariano Alvarez, lalawigan ng Cavite.

Sa inilabas na ulat ng Philippine National Police Women and Children’s Protection Center (PNP WCPC) nitong Lunes, 3 Nobyembre, nasa edad 26 at 27 anyos ang dalawang hindi pinangalanang mga suspek, habang ang mga biktima ay nasa 15-19 anyos.

Natunton ng pulisya ang mga suspek sa kanilang bahay sa nabanggit na bayan, bitbit ang search warrant upang makompiska at masuri ang computer data kasunod ang case referral na inihain ng National Center for Missing and Exploited Children.

Ayon sa WCPC, inimbitahan ng mga suspek ang mga biktima sa bahay ng isa sa kanila kung saan naganap ang pang-aabuso habang kinukunan ng video ng isa pang suspek.

Nabatid na binayaran ng mga suspek ang mga biktima ng halagang P500 hanggang P600 kapalit ng ginagawa sa kanilang pangmomolestiya.

Isinailalim ang mga biktima sa kustodiya ng Municipal Social Welfare and Development Office para sa psychosocial interventions, habang inilagak ang mga nadakip na suspek sa kustodiya ng WCPC Luzon Field Unit.

Kinahaharap ngayon ng mga suspek ang kasong paglabag sa RA 11930 o Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act; at RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, kaugnay ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act.

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos ang pangmomolestiya sa apat na binatilyo at pagkuha ng video sa kanilang pang-aabuso sa bayan ng General Mariano Alvarez, lalawigan ng Cavite. Sa inilabas na ulat ng Philippine National Police Women and Children’s Protection Center (PNP WCPC) nitong Lunes, 3 No...

𝘚𝘢 𝘊𝘦𝘣𝘶 𝘊𝘪𝘵𝘺𝐌𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠𝐢𝐬𝐝𝐚 𝐧𝐢𝐫𝐚𝐭𝐫𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐲, 𝟐 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚 𝐬𝐮𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧https://hatawtabloid.com/2025/11/04/sa-cebu-city-mangi...
04/11/2025

𝘚𝘢 𝘊𝘦𝘣𝘶 𝘊𝘪𝘵𝘺
𝐌𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠𝐢𝐬𝐝𝐚 𝐧𝐢𝐫𝐚𝐭𝐫𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐲, 𝟐 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚 𝐬𝐮𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧
https://hatawtabloid.com/2025/11/04/sa-cebu-city-mangingisda-niratrat-patay-2-kasama-sa-bangka-sugatan/

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang mangingisda habang sugatan ang dalawang iba pa nang pagbabarilin sila habang lulan ng bangka, nitong Linggo, 2 Nobyembre, sa Brgy. Pasil, lungsod ng Cebu.

Kinilala ng pulisya ang pinaslang na biktimang si Efren Tancos, 44 anyos; mga sugatang sina Marvin Moreno, 27 anyos, at Winston Caparida, 25 anyos, pawang mga residente sa Inabanga, Bohol.

Sa ulat ng pulisya, kinontrata ni Caparida si Tancos at Moreno na ihatid ang kaniyang pamilya mula Brgy. Ermita, sa naturang lungsod, patungong Inabanga.

Plano ng pamilyang dumalaw sa kanilang mga yumaong kamag-anak para Undas.

Nang dadaong na ang bangka sa Brgy. Pasil, dumating ang mga armadong lalaki saka sila pinagbabaril.

Agad tumakas ang mga suspek matapos ang pag-atake habang isinugod ang mga biktima sa Cebu City Medical Center kung saan tuluyang pumanaw si Tancos.

Pahayag ni P/Capt. Charisma Gonzales, information officer ng Cebu City Police Office, lumalabas sa insiyal na imbestigasyon na hindi bababa sa lima katao ang sangkot sa insidente.

Aniya, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo ng pamamaril.

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang mangingisda habang sugatan ang dalawang iba pa nang pagbabarilin sila habang lulan ng bangka, nitong Linggo, 2 Nobyembre, sa Brgy. Pasil, lungsod ng Cebu. Kinilala ng pulisya ang pinaslang na biktimang si Efren Tancos, 44 anyos; mga sugatang sina Marvin Moreno...

𝘚𝘢 𝘔𝘢𝘨𝘶𝘪𝘯𝘥𝘢𝘯𝘢𝘰 𝘥𝘦𝘭 𝘕𝘰𝘳𝘵𝘦𝐃𝐚𝐲𝐮𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐬𝐮𝐫𝐞𝐫𝐨 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐥https://hatawtabloid.com/2025/11/04/sa-maguindanao-del-norte-...
04/11/2025

𝘚𝘢 𝘔𝘢𝘨𝘶𝘪𝘯𝘥𝘢𝘯𝘢𝘰 𝘥𝘦𝘭 𝘕𝘰𝘳𝘵𝘦
𝐃𝐚𝐲𝐮𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐬𝐮𝐫𝐞𝐫𝐨 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐫𝐢𝐥
https://hatawtabloid.com/2025/11/04/sa-maguindanao-del-norte-dayuhang-usurero-patay-sa-pamamaril/

TINUTUGIS ng mga awtoridad ang tatlong lalaking suspek sa pamamaslang sa isang Indian national nitong Linggo, 2 Nobyembre, sa harap ng isang sari-sari store sa bayan ng Sultan Kudarat, lalawigan ng Maguindanao del Norte.

Kinilala ang ang biktimang si Jagmeet Singh, Indian national, moneylender, at residente sa Brgy. Rosary Heights 10, Sultan Kudarat.

Ayon kay P/Lt. Col. Jopy Ventura, tagapagsalita ng PRO-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), naniningil ang biktima sa mga may utang sa kaniya dakong 3:30 ng hapon kamakalawa nang dumating ang tatlong lalaking magkakaangkas sa isang motorsiklo saka siya pinagbabaril sa harap ng isang tindahan sa gilid ng kalsada sa Brgy. Limbo, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa mga nakasaksi, agad binawian ng buhay ang biktima at kinuha ng mga suspek ang sling bag na suot niya na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga mula sa nasingil niyang pautang.

Ayon sa pulisya, posibleng pera ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang dahil tinangay nila ang bag ng biktima na naglalaman ng kaniyang nakolekta mula sa kaniyang mga pautang.

TINUTUGIS ng mga awtoridad ang tatlong lalaking suspek sa pamamaslang sa isang Indian national nitong Linggo, 2 Nobyembre, sa harap ng isang sari-sari store sa bayan ng Sultan Kudarat, lalawigan ng Maguindanao del Norte. Kinilala ang ang biktimang si Jagmeet Singh, Indian national, moneylender, at r...

𝟐 𝐭𝐮𝐥𝐚𝐤 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐭𝐢𝐤𝐥𝐨 𝐬𝐚 𝐏𝟏-𝐌 𝐬𝐡𝐚𝐛𝐮https://hatawtabloid.com/2025/11/04/2-tulak-sa-bataan-tiklo-sa-p1-m-shabu/MATAGUMPA...
04/11/2025

𝟐 𝐭𝐮𝐥𝐚𝐤 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐭𝐢𝐤𝐥𝐨 𝐬𝐚 𝐏𝟏-𝐌 𝐬𝐡𝐚𝐛𝐮
https://hatawtabloid.com/2025/11/04/2-tulak-sa-bataan-tiklo-sa-p1-m-shabu/

MATAGUMPAY na nagsagawa ng anti-illegal drugs buybust operation ang mga tauhan ng Special Drugs Enforcement Unit (SDEU) at Balanga CPS, sa pakikipagtulungan ng PDEA Bataan, sa Brgy. Ibayo, lungsod ng Balanga.

Humantong ang operasyon sa pagkakaaresto sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga: isang 44-anyos residente sa Brgy. Malaya, Mariveles; at isang 46-anyos residente sa Brgy. Panilao, Pilar, pawang sa nabanggit na lalawigan.

Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang limang sachet ng pinainiwalaang shabu na may bigat na hindi kukulangin sa 160 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P1,088,000, kasama ang iba pang drug paraphernalia.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Balanga CPS ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Binigyang-diin ni Bataan PPO Provincial Director P/Col. Marites Salvadora na ang mga nasamsam na ilegal na droga ay may potensiyal na sumira sa buhay ng daan-daang tao o higit pa.

“Sa pamamagitan ng operasyong ito,” aniya, “ay nasamsam ang mga mapanganib na sangkap sa naarestong mga suspek na responsable sa ilegal na pamamahagi nito, sa gayon ay pinoprotektahan ang ating mga kabataan at ang ating mga komunidad.” (𝙈𝙄𝘾𝙆𝘼 𝘽𝘼𝙐𝙏𝙄𝙎𝙏𝘼)

MATAGUMPAY na nagsagawa ng anti-illegal drugs buybust operation ang mga tauhan ng Special Drugs Enforcement Unit (SDEU) at Balanga CPS, sa pakikipagtulungan ng PDEA Bataan, sa Brgy. Ibayo, lungsod ng Balanga. Humantong ang operasyon sa pagkakaaresto sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga:...

𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐃𝐎𝐓𝐫, 𝐌𝐌𝐃𝐀, 𝐚𝐭 𝐀𝐧𝐠𝐤𝐚𝐬, 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟓 𝐍𝐨𝐛𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞https://hatawtabloid.com/2025/11/04/libreng-sakay-ng-dotr-mm...
04/11/2025

𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐃𝐎𝐓𝐫, 𝐌𝐌𝐃𝐀, 𝐚𝐭 𝐀𝐧𝐠𝐤𝐚𝐬, 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟓 𝐍𝐨𝐛𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞
https://hatawtabloid.com/2025/11/04/libreng-sakay-ng-dotr-mmda-at-angkas-hanggang-5-nobyembre/

NAGSANIB-PUWERSA ang Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kasama ang ride-hailing companies na Angkas at CarBEV, sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga nagtungo sa mga sementeryo sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ang programang “Libreng Sakay sa Undas” ay magpapatuloy hanggang 5 Nobyembre, na nagsimula nitong 1 Nobyembre, sa mga oras na 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

Sa ilalim ng programa, makikinabang ang publiko sa libreng sakay ng Angkas’ Angcars EV fleet sa mga pangunahing sementeryo at terminal sa Metro Manila.

Maaaring ibaba at isakay ang mga pasahero sa pick and drop-off points sa Heritage Park, Taguig patungong Market! Market! at MRT Ayala Station; Manila North Cemetery patungo sa SM Grand Central (Caloocan) at Ayala Cloverleaf (Balintawak); at Manila South Cemetery patungong LRT Buendia, Manila Circle, at Mandaluyong.

𝐒𝐞𝐧. 𝐁𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐮𝐤𝐨𝐲 𝐬𝐚 ‘𝐢𝐧𝐬𝐞𝐫𝐭𝐢𝐨𝐧’https://hatawtabloid.com/2025/11/04/sen-bong-go-lang-ang-tinukoy-sa-insertio...
04/11/2025

𝐒𝐞𝐧. 𝐁𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐮𝐤𝐨𝐲 𝐬𝐚 ‘𝐢𝐧𝐬𝐞𝐫𝐭𝐢𝐨𝐧’
https://hatawtabloid.com/2025/11/04/sen-bong-go-lang-ang-tinukoy-sa-insertion/

𝙎𝙄𝙋𝘼𝙏
𝙣𝙞 𝙈𝙖𝙩 𝙑𝙞𝙘𝙚𝙣𝙘𝙞𝙤

BAKIT sa tatlong DDS na senador, tanging si Sen. B**g Go lang ang pinangalanan ng sikat na broadcaster na si Anthony “Ka Tunying” Taberna na merong malaking ‘insertion’ sa 2025 national budget?

Kung tutuusin, sina Sen. Ronald dela Rosa at Sen. Robin Padilla na kabilang din sa bloke ng DDS sa Senado ay meron ding ‘insertion’ pero tanging si Go lamang ang tinukoy ni Ka Tunying sa kanyang programang Dos por Dos.

Matatandaang mismong si Senate President pro tempore Ping Lacson ang nagsabi at nagbunyag na halos lahat ng mga senador ng 19th Congress ay meron kani-kanilang ‘insertion’ sa 2025 budget.

Sa dokumentong ipinakita ni Ka Tunying, umaabot sa P3.647 billion ang ‘insertion’ ni Go. Galing daw sa Senate ang kanyang hawak-hawak na listahan pero kung pagmamasdang mabuti, wala naman makikitang letterhead ng Senado ang sinasabing dokumento.

At kung totoo man na hindi peke ang dokumentong ipinakikita ni Ka Tunying, dapat lang ay patunayan niya ito at sabihin kung saan niya ito nakuha at kung sino ba talaga ang nagbigay sa kanya ng listahan ng mga senador na merong ‘insertion’.

Pero bakit nga ba si Go lang ang pinangalanan ni Ka Tunying na merong ‘insertion’?

Ito ba ay dahil sa sinasabing maraming DDS ang hindi nagtitiwala kay Go, kabilang na ang magkapatid na sina Davao City Mayor Baste Duterte at Vice President Sara Duterte?

Kung matatandaan, nauna nang pinuna ni Baste si Go dahil na rin sa tinatawag na kawalan ng political stand ng senador laban sa gobyerno ni PBBM at pananahimik sa patuloy na kaganapang politikal sa Davao.

Hindi rin iilan ang nagsasabing sa kabila ng hayagang mga pahayag ni Sara na wala silang pagkakaintindihan ni Go, marami naman ang naniniwalang hindi nawawala ang iringan ng dalawang politiko.

Kaya nga, ito ba ang tunay na dahilan kung bakit inilaglag ni Ka Tunying si Go?

SIPATni Mat Vicencio BAKIT sa tatlong DDS na senador, tanging si Sen. B**g Go lang ang pinangalanan ng sikat na broadcaster na si Anthony “Ka Tunying” Taberna na merong malaking ‘insertion’ sa 2025 national budget? Kung tutuusin, sina Sen. Ronald dela Rosa at Sen. Robin Padilla na kabilang d...

𝐌𝐚𝐥𝐚𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐥𝐢𝐜𝐲 𝐧𝐠 𝐌𝐏𝐃 𝐯𝐬 𝐬𝐦𝐨𝐤𝐞𝐫𝐬https://hatawtabloid.com/2025/11/04/malabong-policy-ng-mpd-vs-smokers/𝙁𝙄𝙍𝙄𝙉𝙂 𝙇𝙄𝙉𝙀 𝙣𝙞 𝙍𝙤...
04/11/2025

𝐌𝐚𝐥𝐚𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐥𝐢𝐜𝐲 𝐧𝐠 𝐌𝐏𝐃 𝐯𝐬 𝐬𝐦𝐨𝐤𝐞𝐫𝐬
https://hatawtabloid.com/2025/11/04/malabong-policy-ng-mpd-vs-smokers/

𝙁𝙄𝙍𝙄𝙉𝙂 𝙇𝙄𝙉𝙀
𝙣𝙞 𝙍𝙤𝙗𝙚𝙧𝙩 𝘽. 𝙍𝙤𝙦𝙪𝙚, 𝙅𝙧.

GETS ko naman — bawal manigarilyo o mag-v**e sa loob ng sementeryo. Fair ‘yan, lalo na ngayong Undas season kung kailan dagsa ang tao na dumadalaw sa mga mahal nila sa buhay. Reasonable and considerate rule, walang issue doon.

Ang hindi ko lang talaga gets ay ‘yung logic sa policy ng pulis sa Manila South Cemetery. Ayon kay Sgt. Villareal, puwedeng mag-deposit ng v**e sa entrance tapos kukunin mo ulit paglabas mo. Pero ‘yung may dalang sigarilyo, either iwan sa sasakyan o kompiskado agad.

Ha? Paano nangyari ‘yun? Kung goal talaga ay bawalan ang smoking at va**ng sa loob, dapat pareho ang treatment. Ba’t may ‘deposit’ para sa isa tapos ‘confiscate’ para sa kabila? Hindi ba dapat iisa lang ang rule kung parehong bawal naman gamitin sa loob?

‘Yung ganitong klase ng policy, halatang sablay sa planning at reasoning. Dapat siguro i-review ng MPD ‘tong policy nila — hindi lang para maging fair, kundi para rin mapanatili ‘yung tiwala ng publiko kung paano nila ipinapatupad ang batas.

Paglinaw sa malabong taxes

Sa Congress naman, mukhang mas malinaw ang usapan. Si Cagayan Rep. Rufus Rodriguez, parang naliwanagan na rin kung gaano ka-problematic ‘yung mga malabong distinction pagdating sa v**es — hindi lang sa mga patakaran ng MPD sa sementeryo, kundi pati sa buwis.

Kasama si Party-list Rep. Maximo Rodriguez Jr., nag-file siya ng House Bill No. 5364. Ang gusto nila: tanggalin na ‘yung tax distinction sa mga v**e juices at magpatupad ng iisang excise tax na ₱10 per milliliter, with a 5% annual increase starting 2027.

Ang target nila dito ay ‘yung loophole na matagal nang niloloko ng ilang traders — ‘yung mga nagmi-misdeclare ng ni****ne salt juices bilang freebase para makaiwas sa mas mataas na buwis. Same logic gap din ‘yan: malabong rules = madali ang lusot.

Simple lang ang sagot ni Rodriguez: gawing klaro, pare-pareho, at fair. Kasi whether usapang enforcement man ‘yan, taxation, o profit — ang solusyon palagi ay clarity.

Sa dulo ng lahat, whether sa pagbitbit ng sigarilyo’t v**e sa gate ng “eternal gardens” o sa paghihigpit ng tax rules sa mga negosyanteng kumikita sa loopholes — ang tunay na sagot sa problema ay malinaw na patakaran.

Hindi palaging nasa mga tao ang problema. Pero kapag nakikita ng publiko na wala sa hulog ang lohika, o hindi pantay ang pagpapatupad, nawawala rin ang respeto sa awtoridad.

Kapag malinaw, patas, at matatag ang mga patakaran, madali namang sumunod ang mga tao. Kahit ‘yung mga naninigarilyo, o ‘yung kumikita sa bisyo, matutong rumespeto kapag wala nang puwang para sa kalabuan at kalitohan.

* * *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa sa X app (dating Twitter).

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GETS ko naman — bawal manigarilyo o mag-v**e sa loob ng sementeryo. Fair ‘yan, lalo na ngayong Undas season kung kailan dagsa ang tao na dumadalaw sa mga mahal nila sa buhay. Reasonable and considerate rule, walang issue doon. Ang hindi ko lang talaga…

𝐏𝐀𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐍𝐀𝐔𝐍𝐒𝐈𝐘𝐀𝐌𝐈 𝐃𝐀𝐇𝐈𝐋 𝐒𝐀 𝐁𝐈𝐒𝐀 𝐀𝐓 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐊𝐑𝐘𝐒𝐓𝐀𝐋𝐋 𝐇𝐄𝐑𝐁𝐀𝐋 𝐎𝐈𝐋https://hatawtabloid.c...
04/11/2025

𝐏𝐀𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐍𝐀𝐔𝐍𝐒𝐈𝐘𝐀𝐌𝐈 𝐃𝐀𝐇𝐈𝐋 𝐒𝐀 𝐁𝐈𝐒𝐀 𝐀𝐓 𝐇𝐔𝐒𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐊𝐑𝐘𝐒𝐓𝐀𝐋𝐋 𝐇𝐄𝐑𝐁𝐀𝐋 𝐎𝐈𝐋
https://hatawtabloid.com/2025/11/04/paggunita-sa-undas-ng-isang-pamilya-hindi-naunsiyami-dahil-sa-bisa-at-husay-ng-krystall-herbal-oil/

𝘽𝙖𝙘𝙠 𝙩𝙤 𝘽𝙖𝙨𝙞𝙘
𝙉𝘼𝙏𝙐𝙍𝙀'𝙎 𝙃𝙀𝘼𝙇𝙄𝙉𝙂
𝙣𝙞 𝙁𝙚𝙡𝙮 𝙂𝙪𝙮 𝙊𝙣𝙜

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Bienvenido Lazaro, 58 years old, isa po akong technician at naninirahan ngayon sa Marilao, Bulacan.

Matagal na po akong suki ng inyong Krystall herbal products, almost 18 years na po mula nang magkakilala kami ni misis.

Si Andrea po, ang misis ko, ang nagpakilala sa akin ng Krystall Herbal Oil. Matagal na po namin itong katuwang sa pangangalaga sa aming kalusugan. Mula ulo hanggang paa, ang Krystall Herbal Oil ay malaking tulong kapag may nararamdaman kaming hindi kainaman.

Gaya po nitong nakaraang Undas, medyo bumiyahe po kami nang malayo. Mula Bulacan hanggang Parañaque para dalawin ang mga mahal sa buhay na pumanaw na. E’ siyempre po, napakaraming tao, mabuti na lamang at maraming puno sa memorial park kaya may nalalanghap kaming oxygen kahit medyo maalinsangan.

Pero hindi rin natagalan ng anak naming dalagita ang alinsangan at medyo nahilo siya bukod sa mayroon siyang buwanang dalaw. Agad inilabas ni misis ang kanyang baon --- ang maliit na botelya ng Krystall Herbal Oil. Inumpisahan niyang ihaplos ang Herbal Oil sa likod ng balakang ng aming dalagita, tapos ay sa kanyang puson. After five minutes, sabi ng anak ko, “Ang galing! Nawala ang sakit ng ulo ko, connected pala ‘yun?” Pero hindi roon natapos ang paghaplos ng mommy niya, hanggang sa mga braso at ulo and later sa kanyang mga paa.

Akala ko noong una, after sumama ang pakiramdam ng daughter namin e uuwi na kami, hindi pala. Sabi ng anak naming dalagita, dito muna tayo, hindi pa tayo nakakapag-pray.

At ‘yun nga po, na-enjoy namin buong maghapon ang pagdalaw namin sa mga yumaong mahal sa buhay at parang nag-reunion kaming mgakakapatid at magpipinsan dahil after mahaplosan ng Krystall Herbal Oil ang aming dalagita ay halos walang bakas na makikitang sumama ang kanyang pakiramdam.

Lubos po ang aming pasasalamat dahil sa inyong mahusay na Krystall Herbal Oil at iba pang products ay hindi nasayang ang aming pagdalaw sa mga yumaong mahal sa buhay.

God bless po, Sis Fely.

BIENVENIDO LAZARO
Marilao, Bulacan

Back to BasicNATURE'S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Ako po si Bienvenido Lazaro, 58 years old, isa po akong technician at naninirahan ngayon sa Marilao, Bulacan.                 Matagal na po akong suki ng inyong Krystall herbal products,...

Address

Manila
Sampaloc

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hataw D’yaryo ng Bayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Hataw D’yaryo ng Bayan:

Share

Our Story

Hataw! D’yaryo ng Bayan started in 2004 as a weekly newspaper in tabloid size under the name of “Bulakan Star”. In 2005, it started its daily general nationwide circulation and changed the name to Hataw! D’yaryo ng Bayan. The tabloid runs through various departments of JSY Publishing: the Editorial, the Advertising, and the Production and Circulation. The Editorial Department comprises of the editors, layout artists, reporters and photographers. The news content of Hataw! is their main responsibility. The Advertising Department takes care of the print advertisements being published in the tabloid. These print ads came from commercial and legal notices. The Production and Circulation takes care of the copies printed and distribution all over the Philippines. Hataw! D’yaryo ng Bayan is currently printing and publishing on a daily basis 75,000 copies. Hataw! D’yaryo ng Bayan is also available online via http://www.hatawtabloid.com/. • Circulation: ###,### copies per day • Readership: Almost ###,### readers per day. • Language: Filipino • Places of Circulation: Luzon, Visayas, Mindanao