04/02/2026
Celebrate the Noise: Ang Mga Bata sa Loob ng Simbahan
Minsan sa church, may umiiyak na baby. May batang tumatakbo. May sumisigaw sa gitna ng sermon. Nakaka-distract—oo. Nakakapagod—totoo.
Pero baka mali ang tinitingnan natin.
Ang ingay ng mga bata sa simbahan ay hindi abala; patunay ito na may buhay ang iglesia.
Kapag may bata sa church, may next in line na mananampalataya. Hindi lang sila bisita—sila ang hinaharap.
Baka ang batang iyak ngayon, bukas ay tinig na mangangaral. Baka ang malikot ngayon, siya ang susunod na missionary, pastor, o leader na gagamitin ng Diyos.
Hindi kailanman ininis ni Jesus ang mga bata.
Sa halip, sinabi Niya:
“Let the children come to me; do not hinder them, for to such belongs the kingdom of God.” (Mark 10:14, ESV)
At higit pa roon:
“Whoever receives one such child in my name receives me.” (Matthew 18:5, ESV)
Kaya sa halip na mainis, magdiwang tayo. Ang ingay ng bata sa church ay tunog ng pag-asa.
Ang simbahan na walang bata ay tahimik—pero ang simbahan na may bata ay may kinabukasan.