
05/07/2025
Sa sesyon ngayong araw, Hulyo 1, 2025, naglabas ang Korte Suprema ng writ of kalikasan kaugnay sa petisyon na naglalayong pigilan ang pagpapatayo ng Samal Island-Davao City Connector Bridge Project na diumano’y labis na makapipinsala sa mga coral reef o bahura sa Paradise Reef, Samal Island, and Hizon Marine Protected Area sa Davao City.
Inatasan ng Korte ang mga respondent―Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources, Samal Island Protected Landscape and Seascape Protected Area Management Board, at China Road and Bridge Corporation―na maghain ng verified return sa petisyon sa loob ng 10 araw pagkatapos matanggap ang writ.
Isinangguni din ng Korte Suprema sa Court of Appeals–Cagayan de Oro ang panalangin para sa temporary environmental protection order (TEPO) para maaksyunan ito.
Nauna nang hiniling ng mga petitioner na sina Carmela Marie Santos, Mark Peñalver, at Sustainable Davao Movement sa Korte Suprema na pigilan ang pagpapatayo ng Samal Island-Davao City Connector Bridge Project dahil diumano sa pinsalang idudulot nito sa mga bahura.
Basahin ang press briefer sa https://sc.judiciary.gov.ph/press-briefer-july-1-2025/
Basahin ang Petition sahttps://sc.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2025/07/Petition-for-Writ-of-Kalikasan.pdf