
18/03/2025
MGA OFFICIAL NG BARANGAY POBLACION LA TRINIDAD BENGUET PROUD SA PAGBISITA NI SENATORIABLE OLIVAR
Ipinagmamalaki ng mga opisyal ng Barangay Poblacion Bayan ng La Trinidad Benguet ang personal na pagpunta ni Senatoriable Jose Jessie Olivar sa kanilang lugar
Ito ang sinabi ni Punong Barangay Manuel Amoy, Jr ng personal niyang naka-usap si Olivar na sinaksihan mismo ng kanyang kasamahang opisyal at kawani ng Barangay
Ayon kay Amoy, si Olivar ang pinaka-unang Senatoriable na nakapunta sa kanilang lugar kung saan personal nilang napaabot nito ang kanilang mga suliranin kabilang na dito ang kanilang problema sa pag-dispose ng kanilang harvest na gulay at ibang produktong agrikultura
Sinagot naman ni Olivar na kayang solusyonan ang kanilang problema sakaling papalarin siya sa darating na halalan sa Mayo 12, 2025 at maka-upo sa Senado
Hinggil dito, ikinasa ni PB Amoy at mga kasamahan na tutulongan nila si Olivar dahil sa magagandang adhikain nito