24/08/2025
ANO ASAL MO?
Kung sa paggawa natin ng kabutihan sa kapwa ay susuklian lang nila ng katrayduran...gaano pa kaya ang sukli nila sayo kapag kasamaan ang ginawa mo!
Wisdom: Anoman ang sukli sayo ng mga taong natulungan mo, piliin mo pa ring gumawa ng tama at mabuti dahil sa Dios Naman Tayo magsusulit hindi sa kanila.Ang mahalaga totoo ang pinakita mo at darating din ang panahon makatatagpo ka rin ng mga taong tunay na magmamahal at magpapahalaga sayo.At isipin mo na lang na sila ay ginamit ng Dios upang may pagkakataon kang gumawa ng mabuti at maipadama ang puro at walang kondisyon na pagibig ng Dios. Mahalagang maging totoo sa LAHAT Ng ginagawa dahil ang tao gumawa ka ng mabuti o masama parehas lang na may masasabi,kayat doon na lang Tayo sa di Tayo malulugi...ang
patuloy na paggawa ng matuwid at mabuti.
Maniwala na lang Tayo na bagamat di Tayo naghihintay ng kapalit sa mga pagtulong at paggawa natin NG mabuti...Marami pa ring mga taong marunong magpasalamat at mapagpahalaga, na kapag di Tayo magsawang gumawa ng kabutihan,darating ang panahon makikita at makikilala rin natin sila.Laging tandaan walang lugi sa paggawa ng mabuti subalit ang mga mapanlinlang, sinungaling, mukhang salapi,taksil, walang utang na loob, manggagamit at mapagpaimbabaw ay may tiyak na kauuwian batay sa Salita ng Dios.
📖Proverbs 17:13 (EN-TL) Whoso rewardeth evil for good, evil shall not depart from his house. Sinomang gumaganti ng kasamaan sa mabuti, kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay.
Kayat sa mga asal-aso na pagkatapos alagaan ay kakagatin ka pa, magsisi ng todo habang may pagkakataon pa!