25/07/2026
๐๐จ๐ง. ๐๐๐ซ๐ฏ๐๐ฌ๐, ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ง๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐
๐๐๐;
๐๐ ๐๐ฎ๐ณ๐ฆ๐๐ง, ๐ฆ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ , ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐๐
nina Gianne Carla P. Dizon at Kristine Reyafe J. Aguinaldo
๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐, ๐๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐งโ ๐๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ญ๐๐จ๐ง, ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐ค๐ฅ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ฌ๐ข ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ก๐๐ฅ ๐๐ก๐๐ฅ๐ฌ๐๐ ๐๐๐ซ๐ฏ๐๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ๐ฌ-๐๐๐๐๐ก๐๐ซ๐ฌ ๐๐ฌ๐ฌ๐จ๐๐ข๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง ๐
๐๐๐ข๐๐ง ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐ง๐ ๐ข๐ฉ๐ซ๐ข๐ง๐จ๐ค๐ฅ๐๐ฆ๐ ๐ค๐๐ฌ๐๐๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐จ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ, ๐๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐๐.
Nahalal naman bilang Bise Presidente si G. Christopher Malanum; Secretary, Gng. Victoria Sibayan at Sub Secretary, Gng. Sally R. Aquino; Treasurer, Gng. Lilia Narvasa at Sub Treasurer, Gng. Merlita Gacusan.
Iniluklok naman sa posisyon ng Auditors sina G. Gerald Sambrano, Gng. Wilma Imbisan at Business Managers naman sina Gng. Cresencia Rocafor, at G. Marlon Ferreria.
Samantala, ipinahayag naman ni Dr. Roderick T. De Guzman, Principal IV, ang kaniyang pasasalamat sa mga magulang sa kanilang pagtanggap ng responsibilidad bilang bahagi ng SPTA.
"Hindi madaling maging officer sa classroom, hindi madaling maging president. Pero you found the way to master your courage and face that. Kaya ako ay nagpapasalamat sa inyong pagtanggap na maging officer sa inyong classrooms," aniya.
Kaugnay nito, inilahad niya ang mga mahalagang usapin at leksyon na may kaugnayan sa pagiging isang lider, disiplina at kinabukasan ng mga estudyante.
"Kung gusto nating may pagbabago sa susunod na panahon, ituro natin sa mga anak natin sa ngayon kung paano ang tamang paraan ng pag-iisip, tamang paraan kung paano matutunan ang mga bagay-bagay. Dahil itong mga bagay na ito ang kailanganin nila para pumili ng lider, at para magdesisyon para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya."
Aniya, mahalagang maituro din sa mga mag-aaral ang kakayahang mag-isip para sa kanilang mga sarili.
"Isang mahalagang bagay na kailangan nating ituro sa ating mga anak ay ang kakayahang mag-isip ng higit pa sa kanilang sarili," hamon ni Dr. De Guzman sa mga magulang.
Dagdag pa rito, pinaalala naman ni Dr. De Guzman na ang mga paggawa ng proyekto ng SPTA ay alinsunod dapat sa Development Plan ng paaralan upang agarang masolusyunan ang mas mabigat na mga problema.
"Bago mag-project ang PTA, kailangan niyo muna ikonsukta sa Principal kung 'yung project nila ay naka-align sa Development Plan ng paaralan," wika ni De Guzman.
Inilahad din niya ang kahalagahan ng bukas at malayang ugnayan at komunikasyon ng mga magulang at mga g**o sa pagpapa-unlad ng eskwelahan.
"Lahat ng magulang, officers man o hindi. Welcome po kayong pumunta sa opisina ko. Kapag mayroon po kayong concern at pag-uusapan, " dagdag pa niya.