31/08/2025
๐๐๐๐๐๐ || ๐ฉ๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ7&8 ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, 17-14; ๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ9&10 ๐ญ๐๐๐๐๐ 21-18
Kasabay ng paghiyaw ng mga manonood ay siya ring pagtangay ng ginto sa himpapawid ng mga Blue Eagles kontra sa Green Tamaraws, 17-14, matapos magpasiklab sa Basketball Grade 7&8 Championship na ginanap sa Prado Siongco Highschool, noong Agosto 29 ng hapon.
Nagpakitang gilas ang mga Blue Eagles sa kanilang mga nag-aapoy na shots na nagresulta sa pagdagsa ng mga estudyante sa covered court para matunghayan ang naturang sagupaan.
Bumida ang "Kalye Irving" ng Prado Siongco na si Regan Ramos matapos maghalimaw nang makabuo sya ng 10 puntos, siyam na rebounds, tatlong steal, at tatlong assist sapat para masilat ang titulong "MVP."
Kumamada rin ang mga kasapi nito na sina Xylie Tolentino, at RJ Yanga ng pinagsamang walong puntos, 18 rebounds, dalawang blocks, at dalawang steal dahilan para hindi makaporma ang naghihingalong mga Tamaraws.
Sinikap namn na iangat ni Junjun "Big Man" Bansil ng Tamaraws ang kanilang team sa pagbomba niya ng pitong iskor, 11 rebounds, at apat na blocks ngunit kinapos pa rin para maabot ang mga mautak na agila.
Sa mainit na gitgitang Grade 9&10 naman, tagumpay na napasakamay ng mga Dilaw na Tigre ang ginto matapos nilang lapain ang mga Green Tamaraws, 21-18 na nagsanhi ng paghihiyawan ng mga tagasuporta.
Pumatok ang pangalan ni James Reyes nang magmala-"Lebron James" sya sa mga binibitawan nyang layups at jump shots sapat para makapaglatag sya ng 10 puntos, 8 rebounds, dalawang steal, at isang block sa naturang palaro.
Nakipagsabayan din ang dalawang mabangis na kakoponan nito na sina Mark Mel John Prado at Jared Jay Galang nang magbuslo sila ng 11 puntos, 19 rebounds, dalawang blocks, limang steals, at dalawang assists dahilan para mabitag nila ang Tamaraws.
Sinubukang itaboy ng Green Tamaraws ang Yellow Tiger gamit ang kanilang matitibay na sungay, ngunit hindi pa rin matibag ang determinasyon ng mga Tigre na warakin sila para sa kampeonato.
Bagamat nadehado ang mga Tamaraws, naipamalas pa rin nina Ace Flores at Kiefer Lalic o ang "Kiefer-Toto combination" at nakapagsalansan ng 13 puntos,15 rebounds, apat na blocks, limang assists dahilan para mahirapan ang dilaw na tigre at mapatunayan nilang hindi sila bibigay ng walang laban.
Paparangalan ang mga nagharing koponan sa nasabing patimpalak sa Lunes, unang araw ng Setyembre.
Ni Nigel Manliclic