14/11/2025
Pilipinas, sa gitna ng mga kontrobersya at kaliwa’t kanang isyu ng korapsyon, minsan ang hirap mo talagang mahalin. Nakakapagod, nakakadismaya, at minsan pati ang pag-uwi na dati’y pinagpaplanuhan at pinananabikan ay parang nawalan na ng saya.
Pero kahit gano’n, hindi madaling bitawan ang bansang minahal natin. Nandiyan pa rin ang mga taong patuloy na lumalaban para sa tama, ang mga Pilipinong tapat, masisipag, at may malasakit. Sila ang nagpapaalala na may pag-asang bumangon, kahit paulit-ulit tayong nasasaktan.
Para sa Pilipinas na tila nawawala sa landas sana dumating ang panahong maramdaman ulit namin ang tuwa at pag-asa. Sana dumating ang araw na ang pag-uwi ay muli na namang magiging dahilan ng ngiti, hindi ng pangamba o pagkadismaya.
Mahal ka pa rin namin, Pilipinas. Pero sana naman, mahalin mo rin ang iyong mga anak.