01/05/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐ | Liham ng Luha
Sa iba, ang tatlong daan ay baon at pamasahe lamang nila sa isang araw, pero sa nakararami, ito na lang ang natitirang badyet bago ang susunod na sahuran.
Bilang panganay, saksi siya sa lahat ng hirap na dinaranas ng kaniyang mga magulang na halos pagkakanda-kuba dahil sa pakikibaka sa pang araw-araw na buhay โ ang kanyang ina na maagang umaalis para magbukas ng kanilang pwesto, at ang ama na inuumaga naman sa trabaho.
Isang kahig, isang tuka ang takbo ng kanilang tadhana. Parehong hindi nakatapos ng pag-aaral ang ama't ina kaya naman doble kayod sila upang hindi danasin ng mga anak ang kanilang kapalaran. Mababa man ang tingin sa kanila ng iba, alam ng panganay na ito ang bumubuhay sa kanila; ito ang haliging hindi kailanman bumigay.
Minsan siyaโy nagrereklamo, nalulungkot, at naiinggit โ pero napapawi lahat ng ganoong pag-iisip sa tuwing nakikita niyang nagtatawanan at silaโy masaya. Sapagkat sa kabila ng hirap ng buhay, kailanman ay hindi nila isinumbat sa kanilang mga anak ang hirap at sakripisyo nila para itaguyod ang kanilang pag-aaral.
Kung minsa'y may mga namumuong luha sa kaniyang mata tuwing naaalala niya ang mga panahon na ilang tanghalian din ang tiniis ng kaniyang mga magulang nang hindi kumain, at ang ilang pakiusap rin ang ginawa ng kaniyang ina sa mga nahiraman niya ng pera, para lamang may pambayad sa matrikula sa eskwela.
Sa tuwing nasasaksihan niyang sumasakit ang likod ng kaniyang ina at kumikirot ang tuhod ng kaniyang ama, tila bang tinutusok ang kaniyang puso dahil kung minsan wala siyang magawa, dahil na rin sa pagod at sariling bigat na dala.
Ngunit sa bawat butil ng pawis ng kaniyang magulang ay ipinagmamalaki niyang itoโy tanda ng kanilang dignidad at sakripisyo na pinapasan para makaraos sa araw-araw. Bawat pagod ay sagisag ng wagas na pagpapahalaga at pagmamahalโbagay na hindi matutumbasan ng kahit anumang halaga.
Kayaโt gabi-gabi, ipinagdarasal niya: sana, kapag kaya na niya, naroon pa rin ang kaniyang mga magulang. Sana, maibigay niya ang mga mithiin ng mga itoโang mga pangarap na ipinagkait sa kanila ng tadhana. Sana, hindi na nila kailangang hintayin pa ang kinsenas at katapusan para lamang makaahon sa araw-araw.
โMa, Pa,โ wika ng kanyang puso sa katahimikan ng gabi.
โPag kaya ko na... ako naman.โ
Words by: Cielo Kamila
Photo by: Kael
***
๐ฆ