
29/09/2025
WORTH IT BA ANG EPSON L3210 and INKRITE PIGMENT?
Hi Ka-Makers!
Hindi na ako gumawa ng video kasi sa totoo lang sobrang matagal ako magtake at edit ng video ๐
Ayaw na ayaw ko rin mag VO hahaha Kung tinatamad kang magbasa, scroll up ka na lang. This post is not for you.
Ito na yung output using Epson L3210. No color adjustment. Yung sa first photo I tried using different print setting. For me nakuha naman yung kulay ng photo using yung printer settings from Epson Ultra Glossy hanggang Photo Paper Glossy. All in standard setting. Nagkaroon lang ng roller marks yung first photo kasi 8 times na sinalang sa printer para sa 8 printer settings ehehe
May visible roller marks sa 120, 230 at 250 gsm. Sa Cuyi RC Satin 260 g lang wala.
Nahirapan bang i-feed ng Epson L3210 yung 230gsm at 250gsm?
Answer: NO. Hindi ko rin tinulak basta hinayaan ko lang yung printer na i-feed yung photopapers.
Anong mas worth it, Epson L121 or Epson L3210?
Answer: Syempre, Epson L3210. Sa Epson L121 ko hindi ako nakakapagfeed ng mga makakapal na photopaper. Since di ko rin tinanggalan ng rollers and roller guide, sobrang visible ng roller marks. Madalas nasisira rin yung print kasi tumatama sa roller guide. Ayoko rin tanggalan ng rollers noon kasi kapag ginawa ko yun mahihirapan ng magfeed ng ibang size yung printer ko.
Kung balak ninyong bumili ng Epson L3210 please lang wag ninyong ifefeed palagi ng makakapal. Nakakasira kasi ng feeder. For me, stick pa rin kayo sa 180-200gsm na regular photopaper and calling card. Pwede rin gumamit ng RC Satin kasi manipis lang naman yun parang halos kasing nipis lang ng mga 180-200gsm na regular photopaper.
Ayun lang. If you have any questions, comment lang kayo.
PLEASE DO NOT REPOST/REUPLOAD/SCREENSHOT. Share nyo na lang itong post ko if gusto ninyong matulungan yung iba na gustong magstart ng printing business. ๐