10/05/2025
Mayo 9, 2023
Kiko, tinutulak ang pagpapatupad ng Sagip Saka Act
SAN FERNANDO CITY, La Union - Kung mabibigyan ng pagkakataon sa darating na midterm elections, tiniyak ni dating Senador Francis 'Kiko' Pangilinan na a-audit at titiyakin niya ang tamang pagpapatupad ng Sagip Saka Act na kanyang inakda habang nagsisilbing Senador noong nakaraang administrasyon.
“I am the principal author of the Bill which was signed (by the President) to become a law to help our farmers and fisherfolks. I will be checking if this law is being properly followed by the various implementing agencies," sabi ni Kiko sa mediamen Huwebes.
Si Kiko ang nag-akda ng Sagip Saka Act na nagbibigay-daan sa gobyerno na direktang bumili ng pagkain mula sa mga magsasaka at organisasyon ng mangingisda, na lumalampas sa pampublikong bidding, upang matiyak ang mas mahusay na kita para sa mga producer ng pagkain at suportahan ang mga lokal na ekonomiya.
Aniya, susuriin niya kung naglalaan ng budget ang mga kinauukulang ahensya para sa batas.
Tinalakay ng dating Senador ang usapin tungkol sa batas at ang kanyang mga adbokasiya sa food security at agricultural development habang siya ay gumawa ng huling kampanya sa hilagang Luzon noong Miyerkules hanggang Biyernes./ElyuTV