14/04/2024
’s Search for the Best Halohalo
Nagpudot! Ampetang! Ang iniiiiit! 🔥☀️
and Halohalo will definitely save our day!
Kaya naman we tried some of the halohalo(s) here in the City of San Fernando, Elyu. We rated them base sa aming trip at taste buds. Dapat pak sa sarap at swak sa budget (below 150.00/cup). Here’s our verdict sa aming mga nasubukan:
1.Ben’s Halohalo (Robinsons LU) - Php139.00
⭐️⭐️⭐️⭐️
-napa-order kami kasi nainggit ako sa dumaang Ante na may hawak nito. Ayun na nga hindi naman kami nagsisi, worth it ang pagka-inggitera ko. Ito yung nakaka-happy na halohalo! Fusion ng icecream and halohalo. Soft and creamy yung yelo. Panalo rin yung lecheflan beh! Nagimas! They have other varieties, like yung Spicy Winter na may siling labuyo, na babalikan namin!
2.Jaypee’s Yema Halohalo -Php 130.00
⭐️⭐️⭐️
-the newest cafe shop in town also offers halohalo, with two varities to choose from- yema and ube. Ambilis ng serving beh, pag order ayan na agad. Ito yung habang kinakain mo, mapapa-hum ka pa kasi masarap and istetik yung vibe sa shop nila. Ang laki at dami ng servings. Pro at Con ito, pro- tipid kami dahil isa lang inorder namin, share na kami. Con ito sa walang jowa, ang dami mo uubusin beh, matamis pa naman.
3.Creamy Cups Halohalo -Php95.00
⭐️⭐️⭐️
-this is the typical Pinoy halohalo, bursting with colors and sahog. At less than 100.00 you get to enjoy a cup filled with ingredients na hindi tinipid. Pero pansin lang namin ambilis matunaw ng ice… naging palamig/salad tuloy yung halohalo namin hindi pa kami nangangalahati. Mejo matagal din nila gawin at iserve eh dun na nga kami sa shop nila kumain.
4.Shan’s Ube Tornado Halohalo - (Diversion Rd.) Php119.00
⭐️⭐️
-dinayo namin ito kasi trending sa FB. Epektib talagang pang market ang FB Reels and stories. Nakakatakam ang itsura niya ses! Naexcite rin ako na pearls na pang milktea yung sago. Pero another expectation vs reality ito beh, nothing special. The lecheflan is not that creamy. Pero infainess, tornado talaga sa dami iyong ube. Super dami ring sahog ngunit datapwat subalit, ang lalaki ng slices ng camote at banana, mejo matigas pa yung saba, hindi nakaka-happy. Mabilis din matunaw ice.
Disclaimer: ang lahat ng ito ay pawang base sa aming personal na opinyon at pang-lasa. Hindi pa tapos ang laban beh, hahanap at kakain pa kami ng halohalo. We will update this list from time to time.
Any recommendations, where to next?
-Mommy Joyce
PS. Ben’s and Jaypee’s halohalo photos are grabbed from their FB pages.