Arasaas of the North

Arasaas of the North News Channel

10/09/2026

"LUXXEGLOW Aesthetic & Wellness Clinic"

Glow with Confidence.
Radiate with Luxury.

LUXXEGLOW Aesthetic & Wellness Clinic is a premier aesthetic and wellness center located at Gov. Luna Street, Barangay IV, San Fernando, La Union.

We are committed to providing high-quality, safe, and results-driven beauty and wellness treatments.

Our clinic combines luxurious care with expert service to help every client achieve healthy, glowing, and confident skin.

Our mission is to make luxury skincare accessible to everyone — because everyone deserves to glow.

LUXXEGLOW Aesthetic & Wellness Clinic
Gov. Luna Street, Barangay IV, San Fernando, La Union

Contact: +639 5239 49169
Open Daily | By Appointment & Walk-in

Halina Ka-ka


City Government of San Fernando, La Union
LGU Bangar
LuxxeGlow Aesthetic & Wellness Clinic


Normandy Lukas Casuga

🎺WEATHER ADVISORY | HABAGAT UPDATE“MALAKAS NA PAG-ULAN, INAASAHAN SA LA UNION AT ILANG LUGAR SA LUZON”Ka-ka, inaasahan a...
10/09/2026

🎺WEATHER ADVISORY | HABAGAT UPDATE
“MALAKAS NA PAG-ULAN, INAASAHAN SA LA UNION AT ILANG LUGAR SA LUZON”

Ka-ka, inaasahan ang malakas hanggang sa napakalakas na pag-ulan ngayong araw, Setyembre 11, 2026, bunsod ng pinalakas na Habagat o Southwest Monsoon.

Ayon sa PAGASA, makakaranas ng 50-100mm na pag-ulan ang mga sumusunod na lugar:
📍 LA UNION – Malakas hanggang napakalakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin
📍 PANGASINAN – Posibleng localized na pagbaha
📍 BENGUET – Panganib ng pagguho ng lupa sa bulubunduking bahagi
📍 ZAMBALES – Malakas na ulan at malakas na hanging habagat
📍 BATAAN – Pagbaha sa mabababang lugar at coastal areas

EPEKTO AT PANGANIB:
• Pagbaha sa mabababang lugar at malapit sa ilog
• Pagguho ng lupa sa matatarik at bulubunduking bahagi
• Posibleng pagkaantala ng byahe sa mga pangunahing daan

PAALALA / SAFETY REMINDERS:
• Mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa. Iwasan ang pagtawid sa binahang lugar.
• Maghanda ng emergency go-bag: tubig, pagkain, flashlight, gamot, power bank, at mahahalagang dokumento.
• Makipag-ugnayan sa inyong lokal na MDRRMO para sa updates, evacuation routes, at safe shelters.
• Patuloy na subaybayan ang opisyal na anunsyo mula sa PAGASA at lokal na pamahalaan.

ISSUED: 11 Setyembre 2026 • 06:00 AM

VALID UNTIL: 11 Setyembre 2026 • 5:00 PM

SOURCE: PAGASA

Maging Alerto. Maging Ligtas.



City Government of San Fernando, La Union
Provincial Government of La Union
DOST-PAGASA
LGU Bangar
Information On Dagupan

10/09/2026

Brgy. Dalipaoen, Naguilian, La Union
via Modesto Rigor Gines Jr.


City Government of San Fernando, La Union
Provincial Government of La Union
DOST-PAGASA

10/09/2026

Cabaroan, CSF
via Krystel Anne Martyn Casuga


City Government of San Fernando, La Union
Provincial Government of La Union
DOST-PAGASA

゚viralシ

10/09/2026

“BAHA EVERYWHERE DAHIL SA HABAGAT”

Ka-ka, kulang isang oras na matinding ulan ang naranasan ng mga taga La Union kanina!

4:30 ng magsimulang bumuhos ang malakas na ulan na siyang nagpabagal sa daloy ng trapiko sa kakalsadahan at nagdala ng flash floods sa halos lahat ng parte ng Lalawigan.


City Government of San Fernando, La Union
Provincial Government of La Union

“LPA SA LABAS NG PAR, BINABANTAYAN; MAY MEDIUM CHANCE MAGING BAGYO”Ka-ka, binabantayan ngayon ng DOST-PAGASA ang isang L...
10/09/2026

“LPA SA LABAS NG PAR, BINABANTAYAN; MAY MEDIUM CHANCE MAGING BAGYO”

Ka-ka, binabantayan ngayon ng DOST-PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA 09b) na namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) as of 2:00 PM ngayong araw, Setyembre 10, 2026.

Ayon sa ahensya, ang naturang sama ng panahon ay may MEDIUM na tiyansang maging isang ganap na tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Sa ngayon, wala pa itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa at wala pang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal. Gayunpaman, patuloy itong mino-monitor dahil posible pa rin itong pumasok ng PAR sa mga susunod na araw.

Dahil dito, pinapayuhan ang publiko, lalo na ang mga mangingisda at may biyahe sa karagatan, na maging alerto at manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso at update na ilalabas ng DOST-PAGASA.

Pinapayuhan ang lahat na mag-antabay lamang sa lehitimong sources at iwasan ang pagpapakalat ng fake news.

Samanatala kasalukuyan namang binabayo ng malakas na pag-ulan ang Lalawigan ng La Union.
Ito’y dahil sa Thunderstorm na bunsod ng Habagat.


City Government of San Fernando, La Union
Provincial Government of La Union
DOST-PAGASA
LGU Bangar

“FINALLY! NAKA-FOLDABLE NA RIN ANG IPHONE!”Ka-ka, matapos ang 7 taong paghihintay mula nang ilabas ng Samsung ang kauna-...
10/09/2026

“FINALLY! NAKA-FOLDABLE NA RIN ANG IPHONE!”

Ka-ka, matapos ang 7 taong paghihintay mula nang ilabas ng Samsung ang kauna-unahang foldable phone noong 2019, naglabas na rin ang Apple ng sarili nilang pambato — ang iPhone Duo! 

Ano ang bago?
📏 5.4" outer screen, 7.6" inner screen — pinakamalaking iPhone display ever!

📓 Passport-shaped design, pinakamanipis na iPhone pag naka-unfold

⚡️ A20 Pro chip + C2 modem
💰 Starts at $1,999 
Darating ngayong Oktubre.
Worth it ba ang 7 years na paghihintay?

Apple
iPhone-Droid.net
iPhonedo

“SM City La Union, Makikibahagi sa International Coastal Cleanup 2026”Ka-ka, naghahanap ng makabuluhang paraan para maka...
10/09/2026

“SM City La Union, Makikibahagi sa International Coastal Cleanup 2026”

Ka-ka, naghahanap ng makabuluhang paraan para makatulong sa kalikasan?
Sumali na!

Inaanyayahan ng SM City La Union ang lahat ng volunteers, environmental advocates, at miyembro ng komunidad na makiisa sa International Coastal Cleanup 2026 sa Setyembre 19, 2026 (Sabado) sa baybayin ng Brgy. Carlatan, City of San Fernando, La Union.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pinakamalaking sabayang coastal cleanup na pangungunahan ng SM Supermalls sa 32 kalahok na lokasyon sa buong bansa, kabilang ang main event sa SM By the Bay.

Layunin nitong pag-isahin ang komunidad sa diwa ng bayanihan para sa mas malinis na baybayin at mas malusog na karagatan. 

Sa bawat basurang makokolekta, mas lumalapit tayo sa mas malinis na dalampasigan at mas ligtas na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

Assembly time ay alas-6:00 ng umaga.

Maaaring magparehistro ang mga nais sumali sa pamamagitan ng SM Malls Online App - hanapin lamang ang International Coastal Cleanup 2026 event at mag-sign up. 

Tara na at patunayang ang maliliit na aksyon, kapag pinagsama-sama, ay may malaking impact para kay Inang Kalikasan!


Provincial Government of La Union
City Government of San Fernando, La Union
LGU Bangar
SM City La Union

゚viralシfypシ゚

09/09/2026

🔥 APAT NA PAMBANSANG PROMO NG PETRON GASUL & FIESTA GAS, ARANGKADA NA! 🔥

Ka-ka, ito na ang hinihintay ninyong tipid-sulit promo!

Hindi lang isa, hindi dalawa, kundi APAT NA MALALAKING PROMO ang handog ng Petron Gasul at Fiesta Gas para sa inyo:
1. NEGOSYO PACKAGE
Para sa mga may karinderya, food business, at mga nagsisimulang negosyante!
Mas magaan sa puhunan, mas malaki ang kita!
-CANISTER STARTER SET
(1 STOVE + 3 CANISTERS)
ORIGINAL PRICE: P860.00
SPECIAL OFFER: P399.00
-WHOLESALER: 10 CANS
ORIGINAL PRICE: P1,000.00
SPECIAL OFFER: P300.00
-RETAILER: 5 CANS
ORIGINAL PRICE: P500.00
SPECIAL OFFER: P200.00

2. FREE UPGRADE TO GASUL ELITE!
May luma ka bang STEEL tank ng ibang brand?
Ipa-upgrade mo na sa GASUL ELITE nang LIBRE! Makakatipid ka ng hanggang P4,500!
May LIBRENG REGULATOR pa kaya SAFE na, TIPID pa!

3. FRIDAY & SATURDAY SULIT BAGSak PRESYO!
Tuwing Biyernes at Sabado lang!
👉 FIESTA GAS 11KG - P899 NA LANG!
👉 PETRON GASUL 11KG - P999 NA LANG!

4. SWAP AND SAVE!
Lumipat na sa sigurado! LIBRE ang pagpapalit ng tangke mo to Gasul or Fiesta Gas at may P300 DISCOUNT ka pa sa refill!
Ligtas, Sigurado, at Abot-Kaya - Tatak Petron Gasul!

Tawag na o mag-text para sa mabilis na delivery:
📞 HOTLINE: (072) 700-2222 | 0912-503-4222



Provincial Government of La Union
City Government of San Fernando, La Union
Petron Corporation
Petron Gasul
゚viralシ

“SENADO, INAPRUBAHAN SA SECOND READING ANG 5-TAONG TERMINO NG BARANGAY AT SK”Ka-ka, pasado na sa ikalawang pagbasa sa Se...
09/09/2026

“SENADO, INAPRUBAHAN SA SECOND READING ANG 5-TAONG TERMINO NG BARANGAY AT SK”

Ka-ka, pasado na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 2387 na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 12232 at gawing limang taon ang termino ng mga barangay officials at miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK).

Sa ilalim ng panukala, papalawigin ang termino mula sa kasalukuyang apat na taon tungo sa limang taon.
Layunin ng panukala na mas patatagin ang serbisyo sa barangay at maiwasan ang palagiang pagpapaliban ng eleksyon.

Kasama rin sa epekto ng panukala ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sana sa Nobyembre 2 ngayong taon, patungo sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028 at tuwing limang taon matapos noon. 

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, sponsor ng panukala, maiiwasan ng 5-year term na magkasabay ang BSKE at national elections.

Sa proposal na ito, isang beses lang magtatagpo ang dalawang halalan sa loob ng 15 taon, at hindi na muling magsasabay sa susunod na 2 hanggang 3 dekada. 

Hindi naman nakalusot nang walang pagtutol ang panukala. Mariing tumutol sina Sen. Tito Sotto, Joel Villanueva, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan at Bam Aquino.

Iginiit ni Sotto na pang-walong beses nang ipagpapaliban ang BSKE kung matutuloy ito, na aniya'y paglabag sa karapatan ng taong pumili ng lider. 

Giit din ni Villanueva, hindi na kailangang kanselahin pa ang eleksyon ngayong taon — maaaring ituloy ang BSKE at i-apply na lang ang 5-year term sa mga bagong mananalong opisyal.

Inihayag din na handa na ang COMELEC para sa halalan at nakagastos na ng P8 bilyon mula sa P19.57 bilyon na pondo, at posibleng P200 milyon dito ang hindi na mababawi sakaling maurong ang botohan. 

Inaasahang isasalang sa third at final reading ang panukala sa susunod na linggo.


City Government of San Fernando, La Union
Provincial Government of La Union
LGU Bangar


゚viralシ

Address

San Fernando

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Arasaas of the North posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Arasaas of the North:

Shortcuts

Share