
10/04/2025
π£π£π£ Eyes here! MUST READ!
Summer nanaman at isa sa nakagawiang gawin ng pamilya ay ang magswimming.
πBilang safety reminder, ICONSIDER PO na pumili ng matingkad na swimsuit para sa ating mga anak. SA GANITONG PARAAN, madali natin matatanaw ang ating mga binabantayan habang sila ay nagsswimming. At madaling mahanap sa ilalim ng tubig just incase magkaron ng aksidente... (huwag naman sana)
πmake sure na laging may bantay amg mga bagets habang sila ay nasa pool or dagat or even sa gilid lang nito.
π isama sa planning stage ang pagcheck kung may malapit na hospital from the resort na pupuntahan niyo. Use google map to locate nearest hospitals para alam niyo kung saan pupunta if in case magkaron ng emergency.
π isama din sa planning stage ang pinaka malapit na police station from your resort just incase kailanganin niyo. (We never can tell, kaya mas mabuti na ang prepared)
π Kung sa dagat kayo magswimming, tandaan na may mga dagat na infested ng mga jelly fish na magdudulot ng kati sa ating katawan at worst ay mapoison ang nakapitan. Isama pa ang mga sea urchins
π magdala po kayo ng white vinegar which you can use to wash off the jellyfish sting. Or apply whatever you know is effective...
π ginagamit din ang plain white vinegar pang wash off ng tinik ng sea urchins. Buhusan ng s**a ang mga may tinik na area. Or apply whatever you know is effective... Huwag pilitin kunin ang tinik kung malalim na ito.
-ito ang ginagawa namin every time may outing kami if needed.
π maghanda sa isang bag ng first aid kit lalo na kung may mga bagets na kasama. Lagyan na din ng mga OTC meds ang kit para handa kayo just incase kailanganin
π suotan ng floaters or salbabida ang ating mga anak tulad ng vest or arm floaters for their safety kahit pa marunong itong lumangoy.
π Huwag po iannounce publicly sa facebook na may family outing kayo dahil baka masagap yan ng mga akyat-bahay gang at salisihan kayo.
π MAKE SURE na walang maiiwang nakasaksak sa mga appliances, make sure na nakapatay ng maayos ang mga kalan at stove, isara at ilock ang mga bintana at pintuan. If longer than a day ang pag-alis niyo consider turning off your main power box.
π kung walang maiiwan sa bahay, makisuyo sa tropang kapitbahay na tignan tignan ang inyong bahay dahil walang tao. Dalhan na lang ito ng pasalubong bilang pasasalamat. π
π kung may maiiwanang pets sa bahay, make sure na may sapat silang tubig at pagkain. If more than a day, better na sa palangana maglagay ng tubig at damihan na ang dogfood na kibble which is not prone sa panis. If you'll be gone longer, makisuyo sa kakilala na puntahan ang inyong pets to give them water and food - PLS LANG PO, PETS ARE ALSO FAMILY MEMBERS. wag isawalang bahala ang needs nila.
π£ feel free to add safety reminder sa comment section to share it to this post readers.
π¨π¨If incase magkaron ng medical emergency during the outing, itakbo sa pinaka malapit na clinic or hospital ang pasyente if needed. Huwag isawalang bahala lalo na kung nakikitaan na ng struggle sa paghinga ang pasyente or other symptoms.
Safety reminder by Ligaya!
Maria Ligaya Creates
π· credits to owner of photo.