31/08/2026
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ฒ๐๐ฉ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐ข๐ก๐ข๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ฅ๐ข๐ญ. Subalit, hindi rin ito isang bagay na mabibili lang ng salapi. Hindi kailanman masusukat ang halaga nito sa baryang kayang ilabas ng bulsa, kundi sa mga buhay na ipinambayad at inialay nang kusa.
Bago natin makamtan ang kalayaang tila karaniwan na lang sa ngayon, may mga Pilipinong humarap sa dahas ng digmaan noon. Hindi na nila nasilayan ang umagang malaya. Hindi na rin nila nalaman kung kailan pa matatapos ang pakikibaka. Subalit, sa kabila nitong lahat, pinili pa rin nilang lumabanโhindi para sa mundong kanilang matitirhan, kundi para sa kinabukasang tayo ang makikinabang.
๐๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข, ating alalahanin ang mga taong nagbayad ng napakalaking halaga upang tayo ay mamuhay nang malaya. Kung wala sila, maaaring ang kasaysayang alam natin ngayon ay kasaysayang isinulat ng iba, para sa kani-kanila, at hindi kailanman para sa atin.
Mamuhay tayo nang karapat-dapat sa kalayaang kanilang ipinaglabanโisang buhay na hindi sasayangin ang sakripisyong kanilang iniwan at isang buhay na, balang araw, maipagmamalaki rin sa kasaysayan.
๐ต๐ญ
โ๏ธ : Jasmine Damullan
๐ป : Nathan Hipona