DSWD Field Office 1

DSWD Field Office 1 Official page of the Department of Social Welfare and Development Field Office 1
(10)

31/12/2025

Nawaโ€™y maghatid ang 2026 ng kasaganaan, kalusugan, at ligaya sa bawat pamilya at komunidad sa ating bansa.

Sama-sama tayong magpatuloy sa pagtulong at pagbibigay-serbisyo para sa mas maunlad at mas mapagmalasakit na lipunan.

Nais naming ipabatid na ang aming opisina ay sarado sa Miyerkules, December 31, 2025, at Huwebes, January 1, 2026, bilan...
30/12/2025

Nais naming ipabatid na ang aming opisina ay sarado sa Miyerkules, December 31, 2025, at Huwebes, January 1, 2026, bilang paggunita sa Bagong Taon.

Muling magbabalik ang normal na operasyon ng aming opisina sa Lunes, January 5, 2026. Nagpapasalamat kami sa inyong patuloy na suporta at binabati namin kayo ng isang masaganang Bagong Taon!


Sa ika-129 na taon ng pag-alala sa kabayanihan ni Dr. Jose Rizal, muli nating sariwain ang alab ng pag-ibig sa bayan na ...
30/12/2025

Sa ika-129 na taon ng pag-alala sa kabayanihan ni Dr. Jose Rizal, muli nating sariwain ang alab ng pag-ibig sa bayan na kanyang ipinamalas. Ang kanyang pagpapakasakit ay hindi lamang pagtatapos ng isang buhay, kundi pagsilang ng isang dakilang kamalayan na nagbubuklod sa mga Pilipino upang lumaban para sa kalayaan.

Huwag sana nating hayaang mapunta sa wala ang kanyang mga sakripisyo, sa halip, gawin nating inspirasyon ang kanyang talino at tapang upang umusbong ang mga bagong Rizal sa makabagong panahonโ€”nagmamalasakit, naninindigan, at tapat sa ating Inang Bayan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ





Sa ika-129 na taon ng pag-alala sa kabayanihan ni Dr. Jose Rizal, muli nating sariwain ang alab ng pag-ibig sa bayan na kanyang ipinamalas. Ang kanyang pagpapakasakit ay hindi lamang pagtatapos ng isang buhay, kundi pagsilang ng isang dakilang kamalayan na nagbubuklod sa mga Pilipino upang lumaban para sa kalayaan.

Huwag sana nating hayaang mapunta sa wala ang kanyang mga sakripisyo, sa halip, gawin nating inspirasyon ang kanyang talino at tapang upang umusbong ang mga bagong Rizal sa makabagong panahonโ€”nagmamalasakit, naninindigan, at tapat sa ating Inang Bayan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ




Isang taon na puno ng bagong kaalaman at masaganang ani para sa mga partner-beneficiaries ng Risk Resiliency Program(RRP...
29/12/2025

Isang taon na puno ng bagong kaalaman at masaganang ani para sa mga partner-beneficiaries ng Risk Resiliency Program(RRP) Project LAWA at BINHI sa Rehiyon Uno.

Patuloy ang pangangalaga at pagpapanatili ng mga partner-beneficiaries sa mga proyektong kanilang naisagawa. Masinop nilang inaalagaan ang kanilang mga pananim na patuloy na nagbibigay ng masaganang ani at karagdagang kita para sa kanilang mga pamilya.

Samantala, ang ilan ay sinisimulan na ring ihanda ang kanilang mga project sites bilang paghahanda sa susunod na panahon ng pagtatanim at sa mas pinalakas na implementasyon ng mga proyekto sa darating na taon.

Sa pagpasok ng bagong taon, patuloy na isinusulong ng Project LAWA at BINHI ang pagpapalakas ng food security, kabuhayan, at katatagan ng mga komunidad tungo sa mas handa at resilient na Rehiyon Uno.





Department of Social Welfare and Development - DSWD

Bago matapos ang taon, nagsagawa ng inspection at inventory ang DSWD Field Office 1 โ€“ Ilocos Region (DSWD FO 1) sa mga R...
29/12/2025

Bago matapos ang taon, nagsagawa ng inspection at inventory ang DSWD Field Office 1 โ€“ Ilocos Region (DSWD FO 1) sa mga Regional at Satellite Warehouses, gayundin sa mga relief prepositioning areas sa buong Rehiyon Uno.

Masusing sinuri ang mga imbakan ng Food and Non-Food Items (FNFI) upang matiyak na nasa maayos na kalagayan ang mga ito at handang maipamahagi sa oras ng kalamidad.

Kasabay nito, pormal ding nilagdaan ang Relief Prepositioning Agreement (RPA) kasama ang LGU Adams, Ilocos Norte bilang pagpapatibay ng ugnayan at koordinasyon sa disaster preparedness at response para sa maagap na paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad ng mga kalamidad.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Alinsunod sa Proclamation No. 727, ipinagdiriwang ang Rizal Day bilang regular holiday sa 30 December 2025. Ito ay paggu...
28/12/2025

Alinsunod sa Proclamation No. 727, ipinagdiriwang ang Rizal Day bilang regular holiday sa 30 December 2025. Ito ay paggunita sa kabayanihan ni Dr. Josรฉ Rizal at bigyang-diin ang kanyang ambag sa kasaysayan at kalayaan ng Pilipinas.

Muling magbabalik ang operasyon ng opisina sa Lunes, 5 January 2026 matapos ang holiday break.


Pabatid sa ating mga Social Welfare and Development Agencies (SWDAs)May mga bagong template at form para sa Registration...
28/12/2025

Pabatid sa ating mga Social Welfare and Development Agencies (SWDAs)

May mga bagong template at form para sa Registration, Licensing, and Accreditation (RLA) ng mga SWDAs. Naka-upload na ang mga ito at maaaring ma-access sa Standards Bureau Microsite: www.standards.dswd.gov.ph/issuances. Obligadong gamitin ang mga bagong RLA forms simula Enero 6, 2026.

Para sa mga SWDA na may pending o ongoing applications para sa Certificate of Registration and License-to-Operate or Accreditation sa Standards Bureau of DSWD (DSWD HELPS), maaari pa ring gumamit ng lumang forms hanggang Disyembre 2025.





https://www.facebook.com/reel/1388216913025154

  | Alinsunod sa Memorandum Circular No. 111, suspendido ang trabaho sa Lunes, 29 December 2025, at Biyernes, 2 January ...
27/12/2025

| Alinsunod sa Memorandum Circular No. 111, suspendido ang trabaho sa Lunes, 29 December 2025, at Biyernes, 2 January 2026, upang mabigyang-daan ang mga kawani na gunitain ang holiday break.

Muling magbabalik ang operasyon ng opisina sa Lunes, 5 January 2026.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

 : Gusto mo bang malaman kung ano ang requirements sa AICS medical assistance? ๐Ÿค”Sagot na ni Angel! Sama-sama nating alam...
26/12/2025

: Gusto mo bang malaman kung ano ang requirements sa AICS medical assistance? ๐Ÿค”

Sagot na ni Angel! Sama-sama nating alamin ang mga dokumentong kailangang ihanda para makakuha ng tulong-medikal sa ilalim ng AICS.

Huwag kalimutang tutukan ang Ask Angel para sa karagdagang gabay at impormasyon tungkol sa ibaโ€™t ibang uri ng medical assistance.

Dahil mahalaga ang tamang kaalaman sa oras ng pangangailangan.

โค๏ธ

https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1294098482741770&id=100064248926814&rdid=5uJcGzJ15GzDlSR1

๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ฅ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ | ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐Ÿฑ๐Ÿฌ๐—ž ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ, ๐—ก๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—–๐—ง ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—จ๐—ป๐—ผMay kabuoang 50,263 pamilya sa Rehiyon Uno an...
26/12/2025

๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ฅ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ | ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐Ÿฑ๐Ÿฌ๐—ž ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ, ๐—ก๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—–๐—ง ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—จ๐—ป๐—ผ

May kabuoang 50,263 pamilya sa Rehiyon Uno ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer (ECT) Program ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 โ€“ Ilocos Region (DSWD FO k1) bilang tugon sa pinsalang dulot ng mga bagyong nanalasa sa rehiyon ngayong taon.

Ang mga benepisyaryo ng ECT ay mga pamilyang lubhang naapektuhan ng mga Bagyong Emong at Uwan, kabilang ang mga naitalang nasiraan ng bahay, gayundin ang mga pamilyang matagal naantala ang kabuhayan at hanapbuhay dahil sa mga nasabing kalamidad.

Read full story: https://fo1.dswd.gov.ph/2025/12/higit-50k-pamilya-natulungan-ng-ect-program-sa-rehiyon-uno/




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Kumusta ka ngayong Holiday Season? ๐ŸŽ„Sa gitna ng kasiyahan at sunod-sunod na okasyon, mahalagang kumustahin lagi ang sari...
25/12/2025

Kumusta ka ngayong Holiday Season? ๐ŸŽ„

Sa gitna ng kasiyahan at sunod-sunod na okasyon, mahalagang kumustahin lagi ang sarili. Sa gitna ng masayang selebrasyon, hindi maiiwasan na makaramdam ng pagod at mental stress dala ng ingay, pressure sa paghahanda, reunion ng kamag-anak at iba pa.

Narito ang ilan sa mga tips para ang Holiday Season ay hindi lang maging masaya kundi maging fruitful at stress-free. Gawin itong checklist para makatulong sa inyong mental health.

Kung pakiramdam mo ay nahihirapan ka, huwag mag-atubiling makipag-usap at humingi ng tulong.

Sa DSWD WiSupport, handa kaming makinig, umunawa, at umalalay saโ€™yo. I-message lamang ang official page ng WiSupport ngayong araw. Bukas ang aming serbisyo ngayong December 26 mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
Samantala, magbabalik naman ang aming regular operations simula January 5, 2026 mula 8:00AM to 5:00PM para sa very fruitful and healthy mental health sa 2026!

We listen. We care. We support.

โค๏ธ


https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1294838279334457&id=100064248926814&rdid=vDQYtNBtBzjRHOLQ

The DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO1) Home for Girls joyfully marked the Christmas season with a meaningful...
25/12/2025

The DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO1) Home for Girls joyfully marked the Christmas season with a meaningful celebration.

The day featured heartwarming performances, engaging games with exciting prizes, and a lively gift exchange that filled the hall with smiles and laughter. The occasion was made even more special by the presence of the resident beneficiariesโ€™ families, who joined in sharing a sumptuous lunch and moments of togetherness at the DSWD Field Office I Home for Girls Multi Purpose Hall on December 22, 2025.

More than a festive gathering, the celebration reflected the true spirit of Christmas through love, hope, and gratitude. Bonds were strengthened, joy was shared, and lasting memories were created to cherish. ๐ŸŽ„โœจ




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Address

DSWD FIELD OFFICE 1, QUEZON Avenue, BARANGAY SEVILLA
San Fernando
2500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63726878000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD Field Office 1 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DSWD Field Office 1:

Share