DSWD Field Office 1 - Ilocos Region

DSWD Field Office 1 - Ilocos Region Official page of the Department of Social Welfare and Development Field Office 1
(10)

TINGNAN | Dumating na ang 6,800 Family Food Packs (FFPs) mula DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) para sa mg...
25/08/2026

TINGNAN | Dumating na ang 6,800 Family Food Packs (FFPs) mula DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) para sa mga pamilyang apektado ng mga nagdaang bagyo at habagat sa Mangatarem, Pangasinan ngayong araw (August 25).

Upang matiyak na kumpleto at nasa maayos na kondisyon ang mga relief items, pinangunahan ng DSWD FO 1 Strike Team at iba pang Angels in Red Vests ang masusing quality inspection sa FFPs, kasabay ng maingat na pag-unload nito katuwang ang mga kawani ng Local Government Unit (LGU) bago ito maipamahagi sa mga residente mula sa iba't-ibang barangay.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagsagawa rin ang DSWD FO 1 ng Child-Friendly Space Activities para sa mga batang kabilang sa internally displaced persons (IDPs) na nananatili sa evacuation center ng nasabing bayan.

👉 Basahin ang kaugnay na post: https://www.facebook.com/share/p/1EeY78FtTE/




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) ng Family Food Packs (FFPs) sa mga ...
25/08/2026

Tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) ng Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang mga bagyo sa Dagupan City.

Ngayong araw (August 25), kabuoang 3,300 FFPs ang naipamahagi sa Brgy. Tebeng, Salisay, Lomboy, at sa Barangay I & II upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

Sa tulong ng mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan at ng Philippine National Police (PNP), mas napabilis at naging organisado rin ang pamamahagi ng FFPs. Patunay ito sa kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa, lalo na sa panahon ng mga sakuna.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Bakas ang ngiti sa mga benepisyaryo mula barangay Polong at San Francisco nang kanilang matanggap ang 1,925 Family Food ...
25/08/2026

Bakas ang ngiti sa mga benepisyaryo mula barangay Polong at San Francisco nang kanilang matanggap ang 1,925 Family Food Packs (FFPs) na hatid ng mga Angels in Red Vests ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) sa bayan ng Bugallon, Pangasinan ngayong araw (August 25).

Dulot ng sunod-sunod na pag-ulan, marami pa ring mga kabahayan ang lubog sa baha at apektado rin maging ang mga nasirang pananim na siyang pangunahing pinagkukunan ng kanilang pangkabuhayan.

Patuloy din ang isinasagawang disaster response operations ng DSWD FO 1 sa iba pang bayan at lungsod sa Pangasinan.

Basahin ang kaugnay na post: https://www.facebook.com/share/p/14vjvmmrqcV/




Department of Social Welfare and Development - DSWD

AT THE MOMENT | Pangalawang Localized Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Parent Leaders’ (PLs) Summit sa Region 1...
25/08/2026

AT THE MOMENT | Pangalawang Localized Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Parent Leaders’ (PLs) Summit sa Region 1, ginanap sa Malasiqui, Pangasinan

Matapos ang Bayambang, Pangasinan, sumunod naman ang Lokal na Pamahalaan ng Malasiqui sa pagsasagawa ng 4Ps PLs’ Summit na naglalayong patatagin at bigyang-kakayahan ang 209 Parent Leaders upang mas mahusay nilang magampanan ang kanilang tungkulin sa Programa at pati na rin sa buong komunidad.

Tinalakay ng PhilHealth ang YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) at ang mga serbisyong maaaring mapakinabangan ng 4Ps beneficiaries. Nagkaroon din ng leadership training at workshop upang higit na mapalakas ang kakayahan ng Parent Leaders at maunawaan ang kanilang mahalagang papel sa pagpapatupad ng Programa.

Naisagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region, mga katuwang na ahensya, at Lokal na Pamahalaan ng Malasiqui na naglaan ng pondo para sa aktibidad.





Department of Social Welfare and Development - DSWD

Kabuoang 885 household mula sa Luna, La Union ang napamahagian kahapon (August 24) ng Family Food Packs (FFPs) mula sa D...
25/08/2026

Kabuoang 885 household mula sa Luna, La Union ang napamahagian kahapon (August 24) ng Family Food Packs (FFPs) mula sa DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) at mga bottled water mula naman sa Lokal na Pamahalaan.

Kaakibat ng pagkakaroon ng FFPs na kanilang makakain, mahalaga rin ang pagkakaroon ng malinis na inuming tubig para sa kanilang mga pamilya.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng DSWD FO 1 sa mga LGUs sa rehiyon ay tinitiyak na makakarating ang tulong sa mga nangangailangang mamamayan lalo na sa mga malalayong barangay.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Tinatayang 198 na pamilya mula sa Sto. Tomas, La Union ang tumanggap ng Family Food Packs (FFPs) kahapon (August 24), mu...
25/08/2026

Tinatayang 198 na pamilya mula sa Sto. Tomas, La Union ang tumanggap ng Family Food Packs (FFPs) kahapon (August 24), mula sa DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO1) para sa mga residente ng Sto. Tomas na apektado ang hanapbuhay dahil sa mga nagdaang bagyo.

Umapaw ang mga palaisdaan, at nasira ang ilang bangka; dahilan kung bakit hindi makapaghanapbuhay ang ilang mangingisda. Ang FFPs ay maaaring mapagkunan ng food supplies sa loob ng tatlong araw ng mga pamilyang naapektuhan ang pinagkakakitaan.

Patuloy na sinisiguro ng DSWD FO 1 ang maagap at tuluy-tuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong pamilya at komunidad, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking walang maiiwan sa panahon ng kalamidad at pagbangon.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

53 4Ps families na nagtapos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Salcedo, Ilocos Sur ang nabigyan ng liv...
24/08/2026

53 4Ps families na nagtapos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa Salcedo, Ilocos Sur ang nabigyan ng livelihood assistance mula sa Local Government Unit (LGU) bilang dagdag na suporta sa pagtatapos sa Programa. đź’Ľ

Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng PhP5,000 livelihood assistance, na ibinatay sa kanilang napiling pagkakakitaan. Layunin nitong makatulong sa pagsisimula o pagpapalakas ng kanilang maliit na negosyo o kabuhayan. 🤝

Nagpapasalamat ang DSWD Field Office 1 - Ilocos Region sa LGU Salcedo sa patuloy na suporta sa mga pamilyang nagtapos sa 4Ps. Sa ganitong pagtutulungan, mas nabibigyan ng pagkakataon ang mga pamilya na mapanatili ang kanilang pag-unlad at patuloy na pagsusumikap tungo sa mas matatag at sariling-kayang pamumuhay. 💙💛❤️






Department of Social Welfare and Development - DSWD

  | Naipamahagi ang 1,334 Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad sa San Fabian, Pangasinan n...
24/08/2026

| Naipamahagi ang 1,334 Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad sa San Fabian, Pangasinan ngayong araw (August 24), kasunod ng pinagsamang epekto ng Habagat at mga bagyong tumama sa Rehiyon.

Kasabay nito, isinagawa ang quality inspection sa 1,420 FFPs para sa coastal barangays ng San Fabian na kinabibilangan ng Nibaliw Narvate, Nibaliw Vidal, Sagud-Bahley at Longos.

Tinitiyak ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO1) katuwang ang mga Lokal na Pamahalaan ang sapat at maagap na food assistance para sa mga apektadong komunidad.


DSWD FO 1   | Umabot na sa 230,325 Food and Non-Food Items (FNFIs) ang naipamahagi ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Regio...
24/08/2026

DSWD FO 1 | Umabot na sa 230,325 Food and Non-Food Items (FNFIs) ang naipamahagi ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) bilang augmentation support sa mga lokal na pamahalaan na apektado ng kalamidad.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSWD FO 1 apektadong lokal na pamahalaan upang matukoy ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya at maihatid ang kaukulang tulong sa mga komunidad na nangangailangan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Ininspeksyon matapos hakutin ang mga dumating na 8,750 Family Food Packs (FFPs) sa Bugallon, Pangasinan ngayong araw, (A...
24/08/2026

Ininspeksyon matapos hakutin ang mga dumating na 8,750 Family Food Packs (FFPs) sa Bugallon, Pangasinan ngayong araw, (August 24) mula sa National Resource Logistics and Management Bureau (NRLMB) bilang tugon ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO1) sa pangangailangan ng mga lubhang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at Habagat.

Ang FFPs ay ipapamahagi sa iba’t-ibang bahagi ng Bugallon, lalo na sa mga Sitio na sampung araw nang lubog sa baha. Naglalaman ang bawat food packs ng anim na kilong bigas, sampung delata, at tig-limang sachet ng kape at chocolate powdered drink.

Patuloy ang DSWD FO 1 sa paghatid ng mga pangunahing pangangailangan para sa mga kababayang lubhang naapektuhan ng kalamidad. Subaybayan ang DSWD Field Office 1 - Ilocos Region page para sa opisyal at wastong impormasyon kaugnay sa mga disaster response sa inyong lugar.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Address

DSWD FIELD OFFICE 1, QUEZON Avenue, BARANGAY SEVILLA
San Fernando
2500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63726878000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD Field Office 1 - Ilocos Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DSWD Field Office 1 - Ilocos Region:

Shortcuts

Share