21/07/2026
Sharing my Devotion🙌🦅😭
Still There Is Room
"Kaya sinabi ng amo niya, ‘Pumunta ka sa mga kalsada at mga daan sa labas ng bayan at pilitin mong pumarito ang mga tao upang mapuno ang aking bahay.’ Lucas 14:23 (ASD)
May lugar pa. Patuloy pa ring nag-aanyaya ang Diyos upang mapuno ang Kanyang tahanan.
The character in this passages
1. Ang Alipin (Servant)
Ang alipin ay larawan ng mga lingkod ng Diyos na patuloy na gumagawa para sa pagpapalawak ng Kanyang kaharian. Sila ang nagdadala ng Mabuting Balita at nag-aanyaya sa mga tao na lumapit sa Panginoon.
Masunurin sa bawat utos ng kanyang Amo.
Tapat na naghahatid ng paanyaya sa handaan.
Ipinapahayag na handa na ang lahat.
Patuloy na nagbibigay ng ulat sa Amo tungkol sa nangyayari.
Hindi tumitigil sa pag-anyaya hangga't may mga taong maaaring maligtas.
2. Ang Amo (Ang Diyos)
Ang Amo ay sumasagisag sa Diyos Ama.
Siya ang naghanda ng dakilang handaan.
Nag-imbita ng maraming tao upang makibahagi sa Kanyang kagalakan.
Nalulungkot at nagagalit kapag ang mga inimbitahan ay tumatanggi dahil sa iba't ibang dahilan.
Hindi Siya tumitigil sa pag-anyaya sapagkat nais Niyang mapuno ang Kanyang bahay ng mga kaluluwa.
Lucas 14:23 (ASD)
"Pumunta ka sa mga kalsada at mga daan sa labas ng bayan at pilitin mong pumarito ang mga tao upang mapuno ang aking bahay."
Makikita rito ang puso ng Diyos. Hangga't may lugar pa, patuloy Siyang naghahanap ng mga taong tutugon sa Kanyang paanyaya.
3. Ang mga Inimbitahan (Mga Tao)
Ang mga inimbitahan ay larawan ng lahat ng taong tinatawag ng Diyos upang lumapit sa Kanya.
May tatlong uri ng pagtugon sa paanyaya ng Diyos:
1. Ang mga tumugon
Sila ang mga tumanggap sa paanyaya, lumapit sa Panginoon, at nanatiling kasama Niya. Pinili nilang unahin ang Diyos higit sa anumang bagay.
2. Ang mga maraming dahilan
Ito ang mga taong nakarinig ng paanyaya ngunit hindi tumugon dahil sa kanilang mga dahilan.
Lucas 14:18–20 (ASD)
May nagsabing kailangan muna niyang tingnan ang lupang nabili niya.
May nagsabing kailangan muna niyang subukan ang kanyang mga baka.
May nagsabing hindi siya makakadalo dahil bagong kasal siya.
Marami silang dahilan:
"May iba pa akong aasikasuhin."
"Hindi ko pa kayang iwan ang ibang bagay."
"Kailangan ko munang humingi ng permiso."
"Tatapusin ko muna ang sarili kong mga plano."
Dahil dito, sinabi ng Panginoon:
Lucas 14:21 (ASD)
"Nagalit ang amo at inutusan niyang muli ang alipin niya, 'Pumunta ka sa mga kalsada at mga eskinita ng bayan at dalhin mo rito ang mga mahihirap, mga lumpo, mga bulag at mga pilay.'"
3. Ang mga bagong inimbitahan
Nang tumanggi ang mga unang inimbitahan, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang Kanyang paanyaya.
Hindi tumigil ang Diyos sa pagliligtas. Sa halip, ipinag-utos Niya na hanapin pa ang iba upang mapuno ang Kanyang bahay.
Lucas 14:23 (ASD)
"Pumunta ka sa mga kalsada at mga daan sa labas ng bayan at pilitin mong pumarito ang mga tao upang mapuno ang aking bahay."
Hanggang ngayon, marami pa ring taong maaaring maabot ng Ebanghelyo. Habang may panahon, patuloy pa ring bukas ang paanyaya ng Diyos.
Ang Pinakamasakit na part🫣🥹😭😭😭
Nakakalungkot isipin na dahil lamang sa mga dahilan, ibang prayoridad, at pansamantalang bagay, maraming tao ang mawawalan ng pagkakataong makibahagi sa handaan ng Diyos.
Lucas 14:24 (ASD)
"Tinitiyak ko sa inyo, wala ni isa sa mga una kong inimbitahan ang makakatikim ng handa ko."
Napakaseryoso ng babalang ito. Ang pagtanggi sa paanyaya ng Diyos ay may walang hanggang bunga.
Maikling Aplikasyon
Ang paanyaya ng Diyos ay bukas pa rin hanggang ngayon. May lugar pa. Ang tanong ay: Tutugon ba tayo habang may pagkakataon pa?
Bilang mga lingkod ng Diyos, huwag tayong tumigil sa pag-anyaya ng mga kaluluwa kay Cristo, sapagkat nais ng Ama na mapuno ang Kanyang bahay.
Mga Talata para sa Aplikasyon:
2 Pedro 3:9 Hindi nais ng Panginoon na ang sinuman ay mapahamak kundi ang lahat ay magsisi."
Mateo 22:14 Sapagkat marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang pinili."
Juan 6:37 "Ang lumalapit sa Akin ay hindi Ko kailanman itataboy."
Isaias 55:6 "Hanapin ninyo ang Panginoon habang Siya ay masusumpungan; tumawag kayo sa Kanya habang Siya ay malapit."
Hamon: Huwag maging katulad ng mga taong maraming dahilan. Sa halip, tanggapin ang paanyaya ng Diyos at maging tapat ding tagapag-anyaya upang mas marami pang kaluluwa ang makarating sa Kanyang kaharian, sapagkat "Still There Is Room."