Pamahalaang Brgy. Bubulong Munti

Pamahalaang Brgy. Bubulong Munti Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pamahalaang Brgy. Bubulong Munti, Digital creator, Bubulong Munti San Ildefonso Bulacan, San Ildefonso.

Hacked Account Alert !!!!!Magandang araw po sa ating lahat.Pinapabatid  po sa inyong lahat na may gumawa po ng new Accou...
10/01/2026

Hacked Account Alert !!!!!
Magandang araw po sa ating lahat.
Pinapabatid po sa inyong lahat na may gumawa po ng new Account at ginagamit ang picture at pangalan ng ating Punong Barangay Kapitan Andres Pe Chua at nagpapasend po ng Gcash. Mangyaring huwag po ninyong bibigyan upang hindi kayo ma-SCAM. Humihingi den po ako ng tulong na paki-report ang Account na ito upang hindi na makapangloko pa ng iba. Maraming Salamat po.

Maaaring maki-share na den po ng post na ito para malaman pa ng iba. Salamat po

📣 MENSAHE PARA SA MGA KABARANGAYBUBULONG MUNTI – DAPC 2025“Sama-sama Para sa Isang Komunidad na Ligtas at Malaya sa Drog...
22/11/2025

📣 MENSAHE PARA SA MGA KABARANGAY
BUBULONG MUNTI – DAPC 2025

“Sama-sama Para sa Isang Komunidad na Ligtas at Malaya sa Droga”
Magandang araw, mga kabarangay! Sa pagsulong ng Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) 2025, muli naming hinihiling ang inyong pakikiisa upang patuloy nating mapanatili ang katahimikan, kaligtasan, at kaayusan sa Barangay Bubulong Munti.
Ang laban kontra ilegal na droga ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan. Ito ay tungkulin din ng bawat pamilya, bawat kabataan, at bawat mamamayan. Sa ating pagkakaisa, mas mapa­lalakas natin ang proteksyon laban sa anumang banta ng droga sa ating komunidad.

Hinihikayat namin kayong:
✅ Maging mapagmatyag at agad magsumbong sa anumang kahina-hinalang gawain.
✅ Protektahan ang kabataan sa pamamagitan ng wastong impormasyon at gabay.
✅ Makilahok sa mga programa at aktibidad ng barangay para sa kabataang masigla, disiplinado, at may pangarap.
✅ Maging mabuting halimbawa sa pagsasabuhay ng disiplina at paggalang sa batas.
Sa ating bayanihan at sama-samang pagkilos, makakamit natin ang isang Barangay Bubulong Munti na ligtas, maunlad, at malaya sa droga.

DAPC 2025: Ligtas na Pamayanan, Matatag na Kinabukasan!
Mula po sa Pamahalaang Barangay Bubulong Munti
– Naglilingkod, nagmamalasakit, at nagkakaisa para sa ating lahat.

Address

Bubulong Munti San Ildefonso Bulacan
San Ildefonso
3010

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamahalaang Brgy. Bubulong Munti posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share