13/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฌ๐จ๐ค ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐๐๐ฒ๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง
Nakababahala ang patuloy na pagtitinda ng sigarilyo at v**e sa mga tindahang malapit sa mga paaralan. Sa kabila ng umiiral na patakarang nagbabawal sa pagbebenta ng mga ito sa loob ng 100 metrong saklaw mula sa paaralan, tila nananatiling bulag at tahimik ang ilang mga tindahan sa batas na ito. Hindi lamang ito simpleng paglabag, kundi isang panganib na unti-unting lumalason sa kinabukasan ng kabataan.
Alinsunod sa Ordinance No. 17-034 ng Lungsod ng San Jose, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit, pagmamay-ari, at pagbebenta ng v**e o e-cigarette sa mga menor de edad. Nakasaad dito na ang mga mahuhuling menor de edad ay maaaring pagmultahin ng โฑ500 hanggang โฑ1,500, habang ang mga tindahang lalabag ay maaaring pagmultahin ng โฑ1,000 hanggang โฑ3,000 o makulong ng hanggang tatlong buwan, at kanselasyon ng business permit sa ikatlong paglabag. Dagdag pa rito, ang Republic Act No. 11900 o V**e Law ay nagbabawal sa pagbebenta, advertisement, at paggamit ng v**e at e-cigarette sa loob ng 100 metrong layo mula sa mga paaralan at pampublikong pasilidad na madalas puntahan ng mga menor de edad.
Gayundin, batay sa Republic Act No. 9211 o To***co Regulation Act of 2003, ipinagbabawal ang pagbebenta at paggamit ng sigarilyo sa parehong distansiya. Sa kabila ng mga ito, nitong Oktubre 8, 2025, naiulat na may mga mag-aaral umano ang naninigarilyo sa loob mismo ng isang tindahan malapit sa paaralan ng San Jose City National High School-Senior High School, isang malinaw na paglabag hindi lamang sa batas, kundi sa moral na tungkulin ng mga negosyante at tagapangalaga ng kabataan.
Nakasaad sa Department of Health (2023), 12% ng mga kabataang Pilipino na may edad 13โ15 taong gulang ay naninigarilyo na, at 70% sa kanila ay unang nakasubok sa loob o paligid ng kanilang komunidad at paaralan. Ang mga bilang na ito ay nagpapakita ng malawak na epekto ng kakulangan sa pagpapatupad ng batas at ng kawalang-disiplina ng ilan sa komunidad.
Ang ugat ng suliranin ay hindi lamang kakulangan ng pangangasiwa kundi ang patuloy na normalisasyon ng bisyo sa harap mismo ng mga kabataan. Kapag ang mga tindahan sa paligid ng paaralan ay nagiging bukas sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na produkto, nabubura ang hangganan sa pagitan ng tama at mali. Ang bunga nito ay hindi lamang pagkasira ng baga o kalusugan, kundi pati ng moralidad at reputasyon ng institusyon ng edukasyon.
Kailangang kumilos ang pamunuan ng paaralan, lokal na pamahalaan, at mga tindahang nakapaligid sa lalong madaling panahon. Mainam kung paiigtingin ang pagpapatupad ng batas, magsagawa ng regular na inspeksiyon, at maglunsad ng mga programang pangkamalayan tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo. Maging katuwang ang mga tindahan sa pagtuturo ng disiplina at hindi maging dahilan ng paglabag dito. Nararapat lamang na magsagawa ng masinsinang kampanya upang maipaalam sa mga mamamayan, lalo na sa mga negosyante, ang bigat ng kanilang pananagutan.
Sa huli, ang paninigarilyo at paggamit ng v**e sa paligid ng paaralan ay hindi simpleng bisyo, ito ay usok ng kapabayaan na patuloy na bumabalot sa mga kabataan. Panahon na upang lipulin ang usok na ito bago pa tuluyang lamunin ang hangin ng pag-asa. Kung mananatiling bulag ang pamahalaan, paaralan, at mamamayan, sino pa ang sasagip sa kinabukasan? Nawaโy sa pagtutulungan, tuluyang maglaho ang usok ng kapabayaan, at sa halip, usok ng pagbabago at disiplina ang mamutawi sa harap ng ating paaralan.
๐ฆ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐ฎ๐ป:
โDepartment of Health. (2023). Global Youth To***co Survey: Philippines Fact Sheet. World Health Organization. Retrieved from https://www.who.int
โRepublic Act No. 9211. (2003). To***co Regulation Act of 2003. Official Gazette of the Republic of the Philippines. Retrieved from https://www.officialgazette.gov.ph
โRepublic Act No. 11900. (2022). Vaporized Ni****ne and Non-Ni****ne Products Regulation Act. Official Gazette of the Republic of the Philippines. Retrieved from https://www.officialgazette.gov.ph
โCity Government of San Jose. (2017). Ordinance No. 17-034: An Ordinance Prohibiting the Sale, Use, and Possession of V**e/E-cigarette among Minors. San Jose City Public Order and Safety Office.