23/11/2025
ISA NA NAMANG NAKAKALUNGKOT NA BALITA ITO. 🤔
At muntik nang matabunan ito ng flood control issue, kahit konektado ito dito. 🤔
Bukod sa matinding kakulangan ng classrooms at g**o sa bansang ito, may isang pang naging biktima ang pagnanakaw nila sa pondo ng gobyerno. 🤔
Dahil sa kakadivert nila ng ating pondo papunta sa mga walang kuwentang flood control na proyekto, nawalan tuloy ng pondo ang mga irrigation systems ng bansang ito. 🫣
At para maintindihan ng mga hindi nagfafarming ang epekto nito, ang sistema ng irigasyon ng gobyerno ang lifeblood ng karamihang magsasaka sa bansang ito. 🙏
Dahil ito ang nagbibigay ng mga libreng patubig sa mga palayan at maisan mula Batanes hanggang Jolo. 🙏
At kung walang libreng patubig ang gobyerno, dahil sira ang karamihan ng mga irrigation pumps nito, walang magagawa ang mga magsasaka, kundi magrenta sila ng sariling bomba at bumili ng sariling krudo. 🙄
Otherwise, matutuyo at masasayang ang mga pananim ng mga ito. 🙄
At napakalaking dagdag gastusin nito, lalo na sa mga ordinaryong magsasaka natin, dahil karaniwang nabubuhay lang sa utang ang mga ito. 🙄
At sa kinalaunan, ang dagdag na gastusing ito, ay ipapasa lang sa mga mamimili ng kanilang produkto. 🤔
Sa madaling salita, tayo. 🫣
Tayo na naman ang tunay na magsasakripisyo, hangga't hindi gumagana ang mga irrigation systems na ito. 🙄
At nakakalungkot ito, dahil kulang na kulang na nga sa irrigation system ang bansang ito, hindi pa pala gumagana ang karamihan sa mga ito. 🙄
Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit halos imposible nang masunod ang pangako ng Pangulo, na bigas na beinte pesos lang kada kilo. 🙄
Kasama sa pagkukulang ng classrooms at g**o, at pagkawala ng pondo sa Philhealth at PDIC mismo, ito ang mga dahilan kung bakit ko tinututukan ang nakawan sa flood control na mga proyekto. 🤔
Dahil hindi lang mga buwis ng Pilipino ang ninakaw ng mga pulitikong ito. 🤔
Ninakawan rin nila ang edukasyon, kalusugan, at ngayon ay pagkain, ng sambayanang Pilipino. 🤔
Sa madaling salita, ninakaw rin nila ang malaking bahagi ng kinabukasan ng bansang ito. 🫡