24/10/2025
GOOD NEWS: ISANG RESTO SA ISANG MALL SA SJDM, BULACAN, INASIKASO AT PINAKAIN NG LIBRE ANG ISANG SENIOR CITIZEN
Viral at pinag-uusapan ngayon ang isang Facebook post ng San Joseñong si Vin Glimmer tungkol sa kaniyang naipost online na larawan ng isang senior citizen.
Kwento ni Glimmer sa kaniyang post, Nakita daw niya ang isang senior na pumasok mag-isa sa kainan at kapansin-pansing hirap itong maglakad.
Agad naman daw itong sinalubong ng isang service crew at may sinabi si senior citizen sa service crew, saka siya pumunta sa counter at inilabas ang kanyang Senior ID saka nag-abot ng ₱100.
Pero ang ginawa ng nasabing restaurant sa isang mall sa San Jose Del Monte, sa halip na kunin ang order senior citizen, pinaupo muna ito ng staff at binigyan ng tubig. Ilang sandali lang, may dumating na rice meal na may Roasted Chicken.
Tinanong ng isang netizen ang service crew," Kuya Free Meal po yan kay tatay?"Ngumiti ang service crew at sumagot, “Yes po, sir.”
Kwento pa ni Glimmer na hindi pa doon nagtapos ang kabutihan ng nasabing restaurant, maya-maya ay lumapit pa ang cashier, nakangiti at may dalang whole Roasted Chicken para kay Tatay at bago umalis, binigyan pa siya ng take-out na isang box ng muffins.
Kaya sa nasaksihan ni Glimmer ay natuwa ito at naipost online ang larawan ng senior citizen habagng kumakain upang bigyan ng papuri ang ginawang kabutihan ng nasabing restaurant sa matanda.
Nagpasalamat din si Glimmer sa pagmamalasakit ng restaurant sa senior citizen at hiniling na pagpalain pa ito ng Panginoon.
📸 Vin Glimmer
Source:
https://www.facebook.com/share/p/17STEVdpPh/