10/11/2025
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐จ๐๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐ ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐ข๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐๐๐ง
JUST IN
MAHALAGANG PABATID MULA SA AMA NG LALAWIGAN
โBatay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), para sa kaligtasan at makapaghanda ang ating mga kalalawigan laban sa anumang pinsala at panganib na maaaring idulot ng super typhoon UWAN, idinedeklara ng inyong lingkod na mula ika-10 hanggang ika-11 ng Nobyembre 2025, ipatutupad sa buong lalawigan ng Bulacan ang mga sumusunod:
1. Suspensyon ng klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan;
2. Suspensyon ng trabaho sa lahat ng pampublikong tanggapan sa Lalawigan ng Bulacan, maliban sa mga tanggapan na nagbibigay ng emergency/health/social at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga mamamayan; at
3. Suspensyon ng trabaho sa lahat ng pribadong tanggapan sa Lalawigan ng Bulacan. Para sa mga piling pribadong tanggapan, iminumungkahi sa mga tagapamahala na magkaroon ng emergency work arrangement na isasaalang-alang ang balanse sa kaligtasan ng mga manggagawa at ang pangangailangan ng publiko ng kanilang serbisyo/produkto, tulad ng mga Grocery Store, Drug Store, restaurants, food establishments, at iba pang mga katulad na serbisyo/industriya. Ang work arrangements ay maaaring isagawa ayon sa applicable rules and regulations nang may pagpapahalaga at konsiderasyon sa karapatan ng mga trabahador.
Isang mataimtim na dalangin ng pagliligtas ng Poong Lumikha at tagubilin ng ibayong pag-iingat ng lahat , minamamahal kong mga kalalawigan!โ๐
-GOBERNADOR Daniel R. Fernando