11/07/2025
"Pamilya Muna, Hindi Opinyon ng Iba"📍📍📍
Sa mundong puno ng panghuhusga
at pakialam ng ibang tao, minsan nakakalimutan ng iba kung sino talaga ang mahalaga—ang sariling pamilya.
May mga pagkakataon na inuuna natin
ang sasabihin ng kapitbahay, ng kamag-anak,
ng mga tao sa social media... kaysa sa damdamin
ng mga anak natin. Mas iniintindi pa natin ang “nakakahiya” kaysa sa “nasasaktan na sila.”
Pero sa totoo lang, ang pamilya mo ang unang makakaramdam ng mga desisyong ginagawa mo.
Hindi ang ibang tao.
Hindi ‘yung mga mambabatikos na wala namang
ambag sa buhay niyo.
Kaya bago ka makinig sa bulong ng iba,
tanungin mo muna ang sarili mo:
“Masaya ba ang pamilya ko sa mga pinipili ko?” “Napoprotektahan ko ba sila?”
“Nauuna ba sila sa lahat?”
Dahil sa huli, ang mga opinyon ng iba… lilipas.
Pero ang sakit na naidulot mo sa pamilya mo dahil sa pagpapakabihag sa sasabihin ng iba—hindi basta nawawala.
Maging magulang kang may paninindigan.
Maging asawa kang may konsensya.
Maging haligi’t ilaw ng tahanan, hindi ng chismis ng paligid.
Pamilya muna. Palaging pamilya muna.🫂
📝 by: Mommy Ylah&Yleigh
Ccto