05/10/2025
Lagi kong dinadasal sa Panginoon, โKung hindi siya, ewan ko na lang.โ
Alam ko mahal ko siya, sobra. Pero minsan, kahit mahal mo, mapapagod ka rin. Six years na kami. Almost seven.
Ang dami naming napagdaanan.
Mula nag-aaral pa kami, to working student siya, to ngayon na siya na ang breadwinner ng pamilya nila. Ako โyung una niyang sinabihan na may sweldo na siya.
Ako rin โyung una niyang pinagkwentuhan kung ilang utang ang kailangang bayaran bago pa siya makabili ng sarili niyang sapatos.
Kung anong mga pagkain ang gusto niyang tikman pero nanghihinayang siya kasi mahal. Ang dami niyang kapatid at halos kargo niya lahat.
Hindi siya yung panganay pero siya ang sumalo lahat. Ramdam ko yung bigat niya araw-araw. Puro siya OT kaya wala na siyang oras para sa amin.
Kahit anniversary palagi na lang short sa oras, basta mai-celebrate na lang. Pero kahit pagod, ngumingiti pa rin siya.
Pinipilit pa rin niyang mag-update sa akin. Pinipilit pa rin niyang maging masaya kahit ramdam naming hindi na okay ang relasyon namin.
Habang binibigay niya lahat sa pamilya niya, unti-unti naman siyang nauubos. Nakikita ko naman yun pero bilang lalaki gusto ko ng babaeng kaya rin akong piliin. May isang gabi, galing siya sa trabaho, tapos nadaanan niya ako sa may sakayan ng tricycle.
Para kaming hindi magkakilala. Nakatitig lang siya halatang pagod na naman. Maya-maya nilapitan niya ako, sabay yakap nang mahigpit.
Sa yakap na โyon, napagtanto kong hindi ko pala siya kailangan sukuan. Maraming beses na gusto ko na siyang bitawan kasi nasa isip ko hindi ko naman deserve ng babaeng ganito. Hindi na kami pabata.
Mga ka-batch namin nakapagpa-graduate na ng kinder.
Gusto ko na rin mag-settle. Gusto ko na maging tatay. Naramdaman siguro niya na may gusto akong sabihin kaya sinabi niyang date kami kinabukasan. Na-guilty ako kasi parang naka istorbo ako sa kanya.
Pero mas nangingibabaw sa aking ayusin kung ano mang meron kami. โHon, sa totoo lang.
Gusto na kitang pakasalan. Napapagod na akong mag-antayโฆTayo naman Alam kong mahirap pero pwede bang itigil mo na ang pagsustento mo sa pamilya mo Nakaasa na kasi sila lahat saโyo kaya ayaw na nilang kumilosโฆโ โSorryโฆ Gusto ko na rin talaga magpamilya pero naiintindihan mo naman โdi baโ โPwede bang 50% na lang ang ibigay mo sa kanila tapos ang sobra para sa sarili mo, para sa mga bagay na makapagpasaya sayo.
May sapat na ipon na ako, kaya na kitang buhayinโฆโ Tahimik lang siya pagkatapos kong sabihin โyon. Hindi ko alam kung galit ba siya, nasaktan, o nag-iisip lang. Pero kitang-kita ko na pinipigilan niya โyung luha niya.
โSinasabi mo bang sarili kong pamilya ang pabigatโmahina niyang tanong. โHindi,โ sagot ko.
โSinasabi ko lang, minsanโฆ sarili mo rin sana ang piliin mo. Kasi kung ikaw, hindi mo kayang piliin ang sarili mo, paano pa akoโ
โAlam mo ba, araw-araw akong natatakotโ umiiyak na siya kaya hindi ko mapigilan yakapin siya.
โHindi sa trabaho, hindi sa gastos, kundi sa takot na baka sukuan mo ako. Alam kong hindi ako madali mahalin ngayon. Hindi ko rin naman ginusto lahat โto. Pero pinilit kong maging matatag, kasi akala koโฆ maiintindihan mo.โ
Hinawakan ko kamay niya. Sa dami ng beses kong gustong sumuko noon, doon ko lang napagtantong siya rin pala, ilang beses nang gustong bumitaw, pero hindi niya ginawa.
โKung ako lang ang tatanunginโฆโ bulong ko, โGusto kong ikaw ang nanay ng mga anak ko. Tagal na natin oh Magsisimula pa ba tayo ulit Gusto ko ng tahanan na ikaw ang kasama ko.
Kaya kung kaya mo na ring piliin โyung sarili mo kahit kaunti lang, pwedeng magsimula na tayo Sa gastos ako na bahala doon.โ Humagulgol na siya sa yakap ko. Alam kong hindi niya choice na mapunta sa ganitong sitwasyon. Pero ngayon kailangan na niyang pumili.
Narinig na sa wakas ng Panginoon ang matagal ko ng hinihiling. Yun ay ang piliin naman niya ang relasyon namin at sana matuloy-tuloy na. -Joel