10/08/2025
Seminaryo sa Bullying, Inorganisa sa PFNHS
โ
โMagdudulot ng sakit ang bawat maling pagkilos. Layunin ng programang LOGOUT HATE na may temang โEmpowering Teens Against Cyberbullyingโ na paigtingin ang kamalayan ng kabataan laban sa bullying. Pinangunahan ito ng PFNHS Interactive Club, katuwang ang Rotary Club of San Jose del Monte, na isinagawa sa covered court ng Paradise Farms National High School (PFNHS), ngayong Agosto 6, 2025.
โ
โInumpishan ang programa sa pamamagitan ng panimulang panalangin na sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit at School Hymn. Nagbigay ng mainit na pambungad na pananalita si G. Marlon A. Diaz, Head Teacher III ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP), na sinundan naman ng mensahe mula kay Gng. Apolonia โPollyโ Llamera-Lio, Presidente ng Rotary Club.
โ
โAyon kay Gng. Polly, lubos ang kanilang pasasalamat sa buong paaralan sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanilang organisasyon na makapaghatid ng tulong at serbisyo para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
โ
โInilahad ni G. John Ray D. Quizon ang mga negatibong epekto ng iba't ibang anyo ng bullying sa mga kabataan, lalo na sa mga mag-aaral. Idiniin niya kung ano ang dapat gawin kapag nakaranas ng bullying. Aniya, โHindi puwede na kapag nabiktima kayo ng bullying ay mananahimik lang kayo.โ Dagdag pa niya, โLahat tayo dapat magtulong-tulong para mabawasan ang pambubully.โ
โ
Gayunpaman, tinalakay ni Gng. Zaira Patricia Baniaga ang epekto ng cyberbullying sa kabataan at kung paano ito dapat harapin. Paalala niya, โLagi nโyong tandaan na hindi naman totoo na walang gustong tumulong sa inyo.โ Giit pa niya, โHabang bata pa, iwasan nโyong pag-usapan ang buhay ng ibang tao,โ bilang babala laban sa pagiging sanhi ng pambu-bully.
โ
โSamantala, ipinahayag ni Gng. Rhea Terencio, Head Adviser ng Interactive Club, ang kanyang pangwakas na pananalita bilang opisyal na pagtatapos ng programa, โSana sa pagtatapos ng programang ito, kayo ay mas naging mulat sa bullying,โ aniya. Sinundan ito ng paggawad ng mga sertipiko sa mga naging tagapagsalita at miyembro ng Rotary Club.