04/06/2025
"Buti pinapayagan ka ng asawa mo?"
Yan yung madalas kong marinig kapag
nakikita nilang lumalabas ako - bilang nanay, bilang asawa.
Pero sana maintindihan niyo 'to...
Bago ako naging nanay, bago ako naging asawa - tao muna ako.
May pangarap, may hilig, may pagkatao, may sarili ring mundo.
Hindi ibig sabihin na may anak ka na, may asawa ka na, wala ka nang karapatang lumigaya.
Hindi ibig sabihin na naging ilaw ka ng tahanan, ay kailangan mo nang itago ang liwanag mo.
Kaya ako pinapayagan ng asawa ko?
Dahil nagtitiwala siya. Dahil alam niyang kailangan ko rin ng pahinga, ng oras para sa sarili, ng simpleng kasiyahan - para mas maalagaan ko silang lahat.
Mga mister, ito sana ang tandaan niyo:
Hindi nabubura ang pagkatao ng babae dahil lang sa apelyido mo.
Hindi mo siya pag-aari.
Hindi mo dapat ikulong.
Kung mahal mo siya, hayaan mong maging masaya rin siya
kahit minsan, kahit saglit, kahit hindi kasama ka.
At sa mga kapwa kong nanay at asawa, ito ang paalala ko:
Hindi selfish ang alagaan ang sarili.
Hindi kasalanan ang pillin ang sarili.
At hindi mo kallangang humingi ng permiso para maging masaya.
Hindi mo kailangang mawala para mapanatili ang lahat.
Kasi deserve mong maramdaman na buhay ka hindi lang para sa kanila, kundi para rin sa sarili mo..
ctto