22/09/2025
BAKIT ANG PILIPINAS, MAHIRAP NA BANSA
l
Ang Diyos ang may utos, na ''HUWAG MONG PIGILIN"
Mga Anak na Lalake at Babae, utos Niya na ito'y dalhin
Mula sa Malayong Silangan, patungo sa Kanluran
Salita ng Diyos ay natupad, nahayag ang katotohanan
ll
Kung ang Pilipinas, isang Bansang mayaman
Mayroon pa kayang lalabas, hanap buhay ang kailangan?
Saan mang sulok ng Daigdig, Pilipino ay kailangan
Paraan ito ng Diyos, nang lumaganap ang Katotohan
lll
Masikap sa paghahanap buhay, biyaya'y laging nakakamtam
Pangangailangan sa Iglesia, Kaniyang natutugunan
Paghahandog at iba pa, "PAGLINGAP SA MAMAMAYAN"
Ito ngayon ang nakikita, ng Buong Sanlibutan
lV
Huwag Tayong mag taka, ang Pilipinas, isa sa nangunguna
Sa kahirapan, maging sa kaguluhan
Mabagal na pag unlad at di pagkakaunawaan
Nagsisiraan, nagbabangayan, patungo sa, matinding kahirapan
V
Mahirap man na Bansa, Pilipinas na naturingan
Dito tayo nakilala at Kanilang kinaawaan
Sila'y NAMAMANGHA at atin pang NAGAGAWA
Ang mga "PAGLINGAP" sa MALALAKI at Kilalang Bansa
Vl
Ang Kahirapan at ang kawalan, ang naging paraan
Upang ang Iglesia Ni Cristo, lumaganap sa buong Sanlibutan
Nang dahil sa kahirapan, Nagsilabas ng Bayan
Lumaganap sa Buong Mundo, ang katotohanan
Vll
Ang Iglesia Ni Cristo, ngayo'y laganap na
Lahat ng pangyayari, pangako ng Ating Ama
Hamak man ito sa una, ngayo'y kinikilala na
Tinitingala ang Iglesia at hinahangaan pa
Vlll
Ang ating hanap buhay, na ating tinataglay
Dito sa ibayong Dagat, ang Diyos ang nagbigay
Dapat nating malaman, ang Diyos ay may DAHILAN
Upang ang Iglesia'y lumaganap, sa Buong Sanlibutan
lX
Kaya't huwag maging dahilan, ang ating hanap buhay
Sa mga Pagsamba, dapat Tayong magtalaga
Sa Pagtupad ng Tungkulin, lagi Tayong makita
At laging Kaisa, ng Pamamahala sa Iglesia.
Abel O. Aquino
Lokal ng Al Ain
Distrito ng UAE South