
19/07/2025
Serbisyo or Perwisyo?
Tila isang malaking hampas sa dignidad ang pagkakait ng maayos na seremonya na siya sanang tanda ng mga pawis, luha, at paghihirap hindi lamang ng mga estudyante kundi pati ng kanilang mga magulang sa ilang taong ginugol sa kolehiyo. Kung pangangatwiranan, hindi kasing kinang ng diploma ang alaala na maaari sanang maiwan ng mga nagsipagtapos na siyang nagsakripisyoโt nagpursigi sa pag-aaral. Ngayon, para bang kapalit lang nito ay isang tinik na nagdulot ng sama ng loob at paghihinayang dahil hindi magawa ng mga estudyante na maparangalan ang mga mahal nila sa buhay ng malapitan at gayun din ay hindi sila masamahan ng mga magulang na kahit anong hinaing ay pilit na ginilid sa seremonyang dapat sila ang pinaka saksi.
Kamakailan lamang, ilang magulang at estudyante ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya dahil sa hindi maayos na pagkakataong makakuha ng litrato habang nakasuot ng togaโisang alaala na sanaโy magiging panghabang-buhay sa pagtatapos ng pag-aaral ng kanilang mga mag-aaral. Agad umanong inalis ang mga estudyante ng kanilang toga matapos ang seremonya, at ang mga magulang ay pinaalis sa venue nang walang sapat na oras upang maipagdiwang ang sandali kasama ang kanilang mga anak. Bukod pa dito, ilang mga magulang din ang nababad sa ilalim ng malakas na ulan sa labas ng seremonya.
Kahit sinong magulang ang tanungin, gugustuhin at gugustuhin nilang makapiling sa loob ang kanilang mga anak. Ngunit mukhang mas dehado pa ang institusyon kayaโt ang naging solusyon ay ang pagbura ng mga komentaryo sa opisyal na post na sinasalamin ang uhaw ng mga magulang mapagbigyan lamang ng kahit kaunting oras upang makunan ang espesyal na araw ng kanilang mga anak. Hindi lang ito usapin ng simpleng aberya, ito ay usapin ng dignidad. Mas pinili pa na "iligtas" ang imahe ng institusyon sa pamamagitan ng pagkubli sa hinaing kaysa harapin ang reyalidad na maraming magulang ang nasaktan, mga estudyante na nabigo, at maraming alaala ang nawalaโt pinagkait.
Hindi rin kababawan ang reklamo tungkol sa litrato o oras. Ito ay usapin ng malasakitโang tunay na pag-unawa sa bigat at halaga ng araw na iyon para sa bawat pamilya. Hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga magulang, na sila mismong dahilan kung bakit may mga anak na nakatuntong sa entablado, nakasuot ng toga, at humahakbang patungo sa kanilang pangarap.
Dagdag pa rito, nabanggit din ang kontrobersyal na usapin ng pagkakaloob ng Latin honors sa ilang programa, na nagdulot ng pagdududa at panghihina ng tiwala sa sistema ng paaralan. Kung totoo man ang mga paratang, ito ay seryosong usapin ng integridadโhindi lamang ng dokumento o grado, kundi ng pangalan ng institusyon na binuo sa tiwala ng mga mag-aaral at magulang.
Ang pagtapak sa entablado at pagkamit ng mga karangalan o simpleng pagtanda ng pagtatapos ay kailanman ay hindi isang mababaw na okasyon. Ang mga nagsipagtapos ay ang mga tao ring naniwala sa dedikasyon ng institusyon upang mapakinggan ang pangagailangan ng komunidad nito. Ang malayang boses ay kailaman ay hindi kaakibat sa pagwawalang respeto sa mga nag organisa, nagplano, at nagpulong upang seremonya ay maisagawa.
Ngunit isang tinik ang pinabaon ng institusyon sa pagkawalang kibo at pag tetengang kawali nito sa mga sitwasyon na dapat maapula at paggawa ng mga aksyon na nagdulot lamang ng mas malaking sugat sa respeto ng mga estudyante, alumni at magulang.
Ang panawagan na ito ay hindi para manira, kundi para magmulat at magtulak ng pagbabago. Nais ng lahat ng magulang at estudyante na sa susunod na mga taon, mas maging makatao at makabuluhan ang bawat seremonya ng pagtataposโisang okasyong tunay na magbibigay pugay sa sakripisyo at tagumpay ng bawat pamilya.
Hiindi ito usapin ng litrato lang, ito ay usapin ng pagkilala, paggalang at pagiging makatao โ siyang ang institusyon na rin ang nagsabi, na sanaโy makita ang diwa ng LEAPS (Leadership, Excellence, Accountability, Professionalism, at Service) sa mga estudyante, ngunit baka kailangan din itong punan ng institusyon mismo hindi lang sa mga dokumento o talumpati na panlabas lamang kundi sa makataong desisyon at pamumuno nito.