Balitang SJDM

Balitang SJDM Mula sa tao, Para sa tao.

Balitang SJDM (Balitang Mula sa tao, Para sa tao)

Established on the 20th day of September 2018, Balitang SJDM is the first and the biggest digital & news platform in San Jose Del Monte, Bulacan.

19/06/2025
05/05/2025

Mukhang gusto ko to

11/04/2025

Isipin mo ‘to: Isang kandidato ang naglalabas ng tatlong TV ads sa isang araw. P1 milyon agad ang gastos. Isang buwan pa lang ng kampanya, mahigit P30 milyon na ‘yan. ‘Di pa kasama ang billboard, social media ads, paid influencers, at political rallies na may free food at artista.

Ngayon, itanong natin: Saang bulsa nanggagaling ang perang ‘yan? At paano ‘yan babawiin?

Sabi nga ni Vico Sotto, “Ang malaki gumastos sa kampanya ay mas malaki pa ang babawiin.” Simple lang ‘yan—kung milyon-milyon ang puhunan, dapat milyon-milyon din ang balik. Pero paano babawiin? Malamang, hindi sa sariling ipon. Hindi rin galing sa bulsa ng politiko kasi karamihan sa kanila, ‘di naman tunay na negosyante. So, saan?

Sa budget ng gobyerno. Sa taxes. Sa kickbacks sa projects. Sa overpriced contracts. Sa “commission” na padulas ng malalaking negosyante. At sino ang nagbabayad sa lahat ng ‘yan? Tayo.

Ang mas malala? Ang parehong politiko na wagas kung mag-ads ng kanilang pagmamahal sa bayan ay siya ring unang tumatahimik pag may anomalya. Sila rin ang nagbibingi-bingihan sa taas ng presyo ng bilihin, habang ikaw, namamahalan na kahit sa sardinas.

Kaya isipin natin:

1. Kung isang kandidato ay gumagastos ng milyon kada araw, hindi ba dapat nating itanong saan siya kumukuha at paano niya babawiin?
2. Kung tunay silang nagmamalasakit sa mahihirap, bakit ang daming nagugutom pero ang daming perang pang-TV ads?
3. Kung may matinong gobyerno, bakit ang kailangan nating piliin ay kung pagkain sa mesa o pamasahe sa trabaho?
Totoo, “The truth hurts.” Pero mas masakit ang realidad—na paulit-ulit tayong niloloko, at ang puhunan nila para sa kapangyarihan ay mula sa pawis at dugo ng bayan.

Hindi mahirap Ang pumili ng Tama .

May pera man Ang kandidato o Wala ..

03/04/2025
03/04/2025
03/04/2025
Please Help.Magandang araw po, hihingi po sana kami ng tulong makita yung pamangkin ko. Justin Santos po ang pangalan ny...
21/02/2025

Please Help.

Magandang araw po, hihingi po sana kami ng tulong makita yung pamangkin ko. Justin Santos po ang pangalan nya, 9yrs Old. Naglayas po kasi sya at ilang araw na po naming hinahanap pero di po talaga namin makita. Iniisip po namin baka nag sakay-sakay ng jeep, napalayo at hindi na alam pano umuwi. Kung mapansin or makita nyo man po paki-text or tawagan nyo po ang number na'to: 09810338697

Salamat po.

Address

San Jose Del Monte
3023

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang SJDM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share