31/05/2025
Ulat ni VP Inday Sara
Summary Highlights
The Hague, The Netherlands
30 May 2025
• Masaya si fPRRD nang nakita si VP Sara at Ms. Elizabeth Zimmerman.
• Binilhan ni VP Sara ng Coke Zero ang dating Pangulo, pero hindi niya ito inom: “Dalhin daw niya sa kuwarto.”
• Ibinahagi ni VP Sara kay fPRRD ang pagpakapanalo ng mga kandidato ng PDP, kasama na ang guest candidate at allied candidates.
• Ibinalita rin ni VP Sara kay fPRRD na nasa The Hague si Sen. Imee Marcos, ngunit hindi siya pinayagan ng ICC na makabisita kay fPRRD. Dagdag ni VP, naikuwento niya sa dating Pangulo na naisumite ni Sen. Imee ang kanyang Senate Committee Report sa Ombudsman. Nagpasalamat dito si fPRRD.
• (GMA Question) Sumasang-ayon si VP Sara sa resulta ng SWS survey na nagsasabing mahalagang harapin niya ang impeachment: “I totally agree. Kasama ako riyan sa 88% na iyan. Ako ay thankful sa opportunity na malinis iyung pangalan ko at masagot iyung akusasyon sa akin.”
• (GMA Question) Iniiwan ni VP Sara sa kanyang mga abogado kung may epekto ang delay na maaaring mangyari sa Senado.
• (SMNI Question) Hindi muna magkukumento si VP Sara sa isyu ng reconciliation. Ayon kay VP Sara, hindi mahalaga ang mga personal na problema. Mas mahalaga pagtuunan ng pansin ang bayan.
• (SMNI Question) Walang role si Senator Imee sa ICC case ni fPRRD: “Nandito si Sen. Imee para kausapin si Atty. Kaufman. Kung anuman ang napag-usapan nila, wala ako doon. Mas mahalaga siguro makausap ninyo si Sen. Imee Marcos.”
• (SMNI Question) Nagpahayag ng paghanga si VP Sara kay Atty. Rowena Guanzon pero hindi pa napag-usapan sa Office of the Vice President ang Spokesperson: “Saludo kami sa talino at tapang ni Atty. Rowena Guanzon. Kung gusto niya magsalita go lang ng go, makikinig tayo sa kanya.”
• (Audience Question) Ibinahagi ni VP Sara ang mensahe ni fPRRD: “We are all ruled by destiny, and I am here because of my destiny whether rightly or wrongly.”
• Pinag-uusapan pa ng mga abogado ni fPRRD ang kanyang oathtaking bilang Davao City mayor: “Set me free and I will take an oath.”
• Kinantahan ng mga Pilippino ng Happy Birthday si VP Sara.
• Sa pag-uwi ni fPRRD, lahat ay naghihintay, ayon kay VP Sara: “Kaming mga taga Davao City, kailangan naming ng mayor naming.”
• VP Sara’s parting message: “Hindi natin gusto na pabalik-balik tayo rito sa The Hague, The Netherlands, dahil malungkot ang dahilan kung bakit nandito tayo lahat. Pero masaya rin ako dahil nakikita ko iyung bayanihan ng mga Filipinos at ang pagkakaisa natin sa kagustuhan natin na ibalik si Pangulong Duterte at ibalik ang tunay na pagbabago.”