Chadzon Dauntless Disciple

Sa dila nagsisimula ang sugat na hindi nakikita. Sabi nga sa Santiago 3:6, ang dila ay parang apoy. So, ibig sabihin, ma...
19/09/2026

Sa dila nagsisimula ang sugat na hindi nakikita. Sabi nga sa Santiago 3:6, ang dila ay parang apoy. So, ibig sabihin, maliit lang siyang bahagi ng katawan natin, Pero ang lakas makasira ng buhay ng ibang tao.

Bago ka magalit o mag-tsismis ngayon, isipin mo to, Kasi 'di ba, 'pag nahiwa ka ng kutsilyo, mga ilang araw lang o buwan naghihilom agad ang sugat. Pero 'pag salita na ang sumugat Naku, kahit taon pa ang lumipas, nando'n pa rin 'yung sakit. Nakatatak parin yan sa taong sinaktan mo.

Kaya be careful na sa mga binibitawan mong salita.

kapag namatay ka, para ka lang talaga natulog. Pumikit ka lang, walang sakit, at walang pag-aalala.Juan 11:11, sinabi ni...
19/09/2026

kapag namatay ka, para ka lang talaga natulog. Pumikit ka lang, walang sakit, at walang pag-aalala.

Juan 11:11, sinabi ni Hesus tungkol sa kaibigan niyang si Lazaro, "Ang ating kaibigang si Lazaro ay natutulog, ngunit pupuntahan ko siya upang gisingin."

Kaya Para sa Diyos, ang kamatayan ay isang mahimbing na tulog lang na may pag-asang paggising.

Kaya nga napakaikli lang ng buhay natin dito sa mundo. Parang isang iglap lang, gabi na agad. Kaya habang may hininga ka pa, magtiwala ka na sa Diyos. Ibigay mo sa Kanya ang mga takot at pag-aalala mo.

Huwag mong hintayin ang bukas, dahil ngayon ang pinakamagandang oras. Hindi pa huli ang lahat.

19/09/2026

Iba talaga ang Kapangyarihan ng Diyos kapag kumilos, mabebelieve ka talaga eh

7 Bagay na sumisira sa Peace of Mind ng isang tao.1. Ang pag-adjust ng sarili para sa lahat. Binababa mo ang sarili mong...
12/06/2026

7 Bagay na sumisira sa Peace of Mind ng isang tao.

1. Ang pag-adjust ng sarili para sa lahat. Binababa mo ang sarili mong pamantayan para lang maging katanggap-tanggap sa mga taong hindi naman marunong magpahalaga sa oras mo.

2. Ang 'Advance Thinking'.
Inuubos mo ang lakas mo sa pag-aalala sa mga sitwasyong hindi pa naman nangyayari at posibleng hindi naman magaganap.

3. Silent Expectations'.
Umaasa ka na maiintindihan ng iba ang gusto mo nang hindi mo naman sinasabi nang malinaw. Tandaan, hindi nila nababasa ang isip mo.

4. Ang 'Borrowed Urgency'.
Ginagawa mong sarili mong emergency ang abala ng ibang tao. Nadadala ka sa bilis ng takbo ng iba kahit pwedeng dahan-dahanin.

5. Ang pag-ipon ng 'Micro-Disappointments'.
Yung pagwawalang-bahala mo sa maliliit na bagay na hindi okay sa'yo para lang maiwasan ang diskusyon. Ang ending, bigat ng loob ang naiipon mo.

6. Ang 'Over-Analyzing'.
Sa sobrang kakahanap mo ng malalim na rason kung bakit hindi naging maayos ang isang sitwasyon o ugnayan, nakakalimutan mong tanggapin na hindi lang talaga kayo tugma.

7. Ang pagiging 'Hyper-Available'.
Yung pakiramdam mo kailangan mong sumagot sa bawat notification o mensahe sa loob ng isang minuto. Hindi mo kailangang i-sacrifice ang oras mo para sa lahat.

Sino ba naman ang hindi mapapaisip kapag sabay-sabay na dumating ang mga bayarin? Yung tipong kulang na kulang ang budge...
12/06/2026

Sino ba naman ang hindi mapapaisip kapag sabay-sabay na dumating ang mga bayarin? Yung tipong kulang na kulang ang budget, tapos sa bigat ng sitwasyon, tila may mga boses pa sa isip mo na nagdididikta na sumuko ka na, na wala nang pag-asa, o gumawa ka ng maling desisyon.

Ang mga negatibong bulong na yan? Hindi galing sa itaas yan. Yan ang paninira ng kaaway para mawalan ka ng pananampalataya. Sa gitna ng gipit na sitwasyon, may mas malakas na tinig ang nagpapadala ng mensahe sayo ngayon.

Sabi ng Diyos, huwag kang magpapatinag. Huwag kang makikinig sa takot. Ang kakulangan ngayon ay pansamantala lang, pero ang tapat na paggabay Niya ay walang katapusan. Kumapit ka bg maige sa Kanya. Itawid mo ang araw na ito nang may tiwala.

Dahil kung gaano kalaki ang mga bayarin mo ngayon... mas higit na mas malaki ang kakayahan ng Panginoon na magbigay ng solusyon at kapayapaan sa buhay mo. Manalig ka. Hindi ka Niya pababayaan.

Kapag ang partner mo sa buhay hindi ka sinusukuan tuwing mabigat ang mundo, at mas pinipili kang intindihin kaysa taliku...
11/06/2026

Kapag ang partner mo sa buhay hindi ka sinusukuan tuwing mabigat ang mundo, at mas pinipili kang intindihin kaysa talikuran... huwag na huwag mong papakawalan. Dahil bihira na lang ang ganyang tao ngayon.

Hindi lang basta 'kasintahan' o 'asawa' ang tawag sa kanila, sila ang mga kasama mo sa iyak, sa tawa, at sa bawat pangarap. Sila 'yung patunay na hindi ka pinababayaan ng Diyos.

Kaya kung may ganyan kang partner ngayon, ituring mo silang premyo. Alagaan mo, dahil hindi lahat pinagpapala ng ganyang klase ng pag-ibig.

Kawikaan 18:22
'Ang nakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng lingap ng Panginoon.'

Ano ang pinakamalaking desisyon na gagawin mo sa buhay mo? Ang kurso mo? Ang trabaho mo? O kung sino ang papakasalan mo?...
11/06/2026

Ano ang pinakamalaking desisyon na gagawin mo sa buhay mo? Ang kurso mo? Ang trabaho mo? O kung sino ang papakasalan mo? Akala natin iyon na... pero nagkakamali tayo.

Lahat ng hawak natin ngayon, maiiwan natin bukas. Ang totoong pinakamahalagang desisyon ay ang tanggapin si Jesus Christ bilang Panginoon nating Tagapagligtas, bago pa dumating ang iyong huling araw dito sa mundo.

Huwag mong hintayin ang bukas na hindi naman natin hawak. Dahil ang desisyong ito... hindi lang para sa buhay na ito, kundi para sa walang hanggan.

Kapag toxic ang isang grupo, asahan mong ang negatibong energy ang naghahari sa paligid.Diyan papasok ’yung mga taong wa...
10/06/2026

Kapag toxic ang isang grupo, asahan mong ang negatibong energy ang naghahari sa paligid.

Diyan papasok ’yung mga taong walang preno kung magsalita, mahilig manghila pababa ng kapwa, at laging naghahanap ng mapagtatawanan. Idinadaan sa pagyayabang at pagmamataas ang sarili. Pero ang totoo, hindi nila alam nagiging instrumento na sila ng demonyo.

Paalala sa atin sa Santiago 3:16.
"Sapagkat kung saan may inggit at makasariling ambisyon, naroon din ang kaguluhan at bawat masamang gawa."

Kung ganyan ang paligid mo, protektahan mo ang sarili mo at lumayo ka. Huwag mong hayaang nakawin ng toxic na kapaligiran ang kapayapaan ng isip mo. Piliin mo ang samahang may respeto at tunay na nag-aangat sa ’yo.

Ito ang 10 Dahilan Kung Bakit lagi kang pino-protektahan ng Diyos.1. May pananampalataya ka sa Kanya bilang Panginoon na...
10/06/2026

Ito ang 10 Dahilan Kung Bakit lagi kang pino-protektahan ng Diyos.

1. May pananampalataya ka sa Kanya bilang Panginoon na tagapagligtas.

2. Sumusunod ka ng Tapat sa Kanya.

3. Tumatawag ka sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin araw-araw.

4. Nagpapakita ka ng pagmamahal at pagpapatawad sa iyong kapwa.

5. Inilalagak mo sa Kanyang kamay ang lahat ng iyong alalahanin.

6. Nagpapakumbaba ka at kumikilala na kailangan mo Siya.

7. Naninindigan ka sa katotohanan at katuwiran sa lahat ng oras.

8. Nagpapasalamat ka sa Kanya sa gitna ng biyaya o pagsubok.

9. Naglilingkod ka nang may tapat na layunin para sa Kanyang kaharian.

10. Nananalig ka nang buo sa Kanyang pangako na hinding-hindi ka Niya iiwan.

09/06/2026

Kung saan nagiging matatag ka na doon ka talaga sinusubok eh

Address

Pinag Buklod Street
San Jose Del Monte
3023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Chadzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share