
17/09/2025
๐๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฒ๐ต๐ถ๐๐๐ป๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฆ๐๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐ผ๐ฟ ๐ก๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ 2025
Sa ginanap na selebrasyon ng Buwan ng Wika sa Antique National School (ANS), Setyembre 3, 2025, muling bumalik bilang panauhing tagapagsalita si G. Celestino S. Dalumpines IV, dating Rehiyunal na Superbisor ng Filipino ng DepEd Region VI at kasalukuyang OIC ng Provincial Tourism Office. Nagbahagi siya ng makabuluhang mensahe ukol sa kahalagahan ng mga katutubong wika, kabilang na ang Kinaray-a, at ng wikang pambansa.
Si G. Dalumpines ay nagsilbing g**o sa ANS nang mahigit 19 na taon, naglingkod bilang superbisor sa Division of Antique sa loob ng apat na taon, at bilang rehiyunal na superbisor ng DepEd Region VI sa loob ng limang taon.
Sa kanyang talumpati, pinahalagahan niya ang wikang Kinaray-a, na kinikilala ng Komisyon ng Wika (KWF) bilang isa sa 19 na katutubong wika sa Pilipinas, at hindi lamang isang diyalekto. Aniya, โKun maghambal ako Kinaray-a, hindi ibig sabihin nga bukot ako maka-Filipino.โ Binigyang-diin niya na walang masama sa paggamit ng katutubong wika, bastaโt nauunawaan ng mga tagapakinig ang ipinahahayag ng nagsasalita.
Ibinahagi rin niya ang isang flash fiction mula sa kanyang karanasan na pinamagatang โSi Tino ang Makulit na Anghel ng Panginoon.โ Sa akdang ito, kanyang tinalakay ang dalawang mahahalagang aral: una, ang lahat ng bagay ay dumaraan sa proseso, at pangalawa, sa bawat proseso ay kaakibat ang sakripisyo.
Kaugnay ng tema ng Buwan ng Wika 2025, ipinaliwanag ni G. Dalumpines kung paano nakatulong ang wikang Tagalog sa pagbubuklod ng mga Pilipino sa kabila ng mga pagsubok at pananakop ng mga dayuhan. โAng wika ay dumaan sa proseso at pasakit, ngunit dahil sa sakripisyo ng ating mga ninuno, nakamtan natin ang kasarinlan ng bayan at ng bansa natin,โ aniya.
Hinimok din niya ang lahat na hindi lamang gamitin at mahalin ang sariling wika, kundi ipaglaban at sariwain itoโlalo na sa kasalukuyang henerasyon kung saan unti-unting naimpluwensyahan ang mga kabataan ng banyagang wika at minsan ay ikinahihiya ang sariling atin.
Bilang bahagi ng kanyang hamon, isinalaysay niya ang mga pagsubok na naranasan niya noong kabataanโtulad ng pagbebenta ng plastik sa palengke, paglalakad papasok sa paaralan, at pagtitiis na saging lamang ang ulamโna nagsilbing simbolo ng proseso at sakripisyo. Ayon sa kanya, ang mga karanasang ito ay maihahambing din sa paglalakbay ng wikang Filipino at ng iba pang katutubong wika.
Inalala rin ni G. Dalumpines ang probisyon ng 1987 Konstitusyon, Artikulo XIV, Seksyon 6โ9, na nagtatakda ng pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang pambansa at sa mga katutubong wika. โMahalin ang wikang Filipino, mahalin ang wikang Kinaray-a. Kapag minamahal ninyo ang wika ninyo, minamahal ninyo ang inyong mga sarili, ang pagka-Pilipino, at ang pagka-Antiqueรฑo,โ pagtatapos niya.
Ang kanyang mensahe ay nagsilbing makabuluhang paalala sa kahalagahan ng wika bilang kaluluwa ng ating pagkatao at identidad bilang Pilipino. Isa itong panawagan upang muling ipagmalaki, ipaglaban, at mahalin ang ating katutubong wika at ang wikang pambansa bilang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan.
โ๏ธ: Loquinario, Yver Joy
๐ธ: Cordero, Kenny