1539 DZYM Radyo Pilipino Mindoro

1539 DZYM Radyo Pilipino Mindoro This is the Official Page of DZYM Radyo Pilipino Mindoro. We believe that we are an inspiration of po

11/10/2025

With Special Guest:
MARIA ROSA N. CARRION
PRESIDENT - NATIONAL COUNCIL OF WOMEN OF THE PHILIPPINES

MGA POSISYON SA PAGTULOG NA DELIKADONG MAKALAGOT SA UGAT NG UTAK INIHAYAG NG MGA EKSPERTO.

AND TECHNOLOGY

ANONG KAKAIBANG KLASE NG ALARM CLOCK ANG PATOK NGAYON PARA SA MGA TANGHALING GUMISING AT COFFEE LOVERS? ALING HAYOP ANG HINDI MAKAMANDAG SUBALIT KAPAG NAKAKAGAT AY NAKAKAMATAY?



SAAN PINAPAKULUAN NG BUHAY ANG MGA TAO NA SANGKOT NOON SA FOOD POISONING? ANO ANG TRABAHO NA HALOS LIMANG MILYONG PISO ANG SWELDO KADA BUWAN SUBALIT PALAGING BAKANTE AT INIISNAB?

TO REMEMBER

SINO ANG MGA TAO NA SA HALIP KASUKLAMAN AY DAPAT KAAWAAN?



BAKIT INABSWELTO NG AMERIKA ANG MAY ISANG LIBO AT LIMANDAANG GERMAN SCIENTISTS KAHIT PA NASANGKOT SA PAGPATAY NG MILYON-MILYONG TAO NOONG DIGMAAN ANG KANILANG BANSA?

TITSER

SINO ANG NURSING STUDENT NA INIREREKLAMO ANG KANYANG PROFESSOR DAHILAN SA PAG-A-ANNOUNCE NG KANYAN BIRTHDAY KAHIT HINDI NAMAN TINATANONG NG KLASE?

For more lessons, quotes tips, and trivia tune in to Professor on Air every Saturday 10-11am at Radyo Pilipino! LIKE, FOLLOW, & SHARE

https://www.facebook.com/radyopilipino
and
https://www.facebook.com/ProfessorOnAir1971

SUNOD-SUNOD NA LINDOL, HINDI MAGKAKAKONEKTADOSa ekslusibong panayam ng Radyo Pilipino kay PHIVOLCS Science Research Anal...
10/10/2025

SUNOD-SUNOD NA LINDOL, HINDI MAGKAKAKONEKTADO

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Pilipino kay PHIVOLCS Science Research Analyst Jun Bonita, nilinaw nito na hindi magkakaugnay ang sunod-sunod na pagyanig na nagyari sa bansa.

Paliwanag ng Bonita, magkakaibang fault ang responsable sa magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental ngayong Biyernes, Oktubre 10, magnitude 4.4 sa La Union, at magnitude 6.9 sa Cebu kamakailan.

Giit din nito, normal lamang ang mga lindol sa Pilipinas dahil kabilang ang bansa sa Pacific Ring of Fire, at patuloy nilang minomonitor ang aktibidad ng lupa upang masig**o ang kaligtasan ng publiko.

Patuloy naman ang pagpapaalala ng PHIVOLCS sa mga residente na maging alerto at handa sa posibleng aftershocks at lumikas sa ligtas na lugar kung kinakailangan. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

10/10/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: NIYANIG NG MALAKAS NA MAGNITUDE 7.5 NA LINDOL ANG BAYAN NG MANAY SA DAVAO ORIENTAL

With Special Guest:
Mr. Dandy Camero
Science Research Analyst, PHIVOLCS

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


OVP SA MGA NAAPEKTUHAN NG LINDOLNakabantay ang Office of the Vice President - Southern Mindanao Satellite Office (OVP-SM...
10/10/2025

OVP SA MGA NAAPEKTUHAN NG LINDOL

Nakabantay ang Office of the Vice President - Southern Mindanao Satellite Office (OVP-SMSO) kasunod ng magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa Manay, Davao Oriental ngayong Biyernes, Oktubre 10.

Nakatakda itong makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa paghahatid ng relief goods at pagpapalikas ng mga residente sa mga apektadong lugar. |

Courtesy: OVP

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

10/10/2025

LINDOL SA DAVAO

PANOORIN | Niyanig ng magnitude 7.5 na lindol ang ilang bahagi ng Davao Oriental ngayong Biyernes ng umaga, Oktubre 10.

Sa video na kuha ng isang netizen, makikitang nagbagsakan ang bahagi ng kisame ng isang gusali habang patuloy ang malakas na pag-uga dulot ng pagyanig.

Patuloy namang minomonitor ng mga awtoridad ang posibleng pinsala at aftershocks sa rehiyon. |

Courtesy: Resty Polinio/Facebook

TULONG SA MGA APEKTADO NG LINDOLBASAHIN | Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng pamah...
10/10/2025

TULONG SA MGA APEKTADO NG LINDOL

BASAHIN | Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng agarang evacuation sa mga baybaying lugar at paganahin ang mga emergency lines kasunod ng magnitude 7.5 na lindol sa Davao Oriental ngayong umaga ng Biyernes, Oktubre 10.

Tiniyak ng Pangulo na nakahanda ang search, rescue, at relief operations, at nanawagan sa publiko na manatiling kalmado, maging alerto, at lumikas sa mas mataas na lugar hanggang ideklarang ligtas ng mga awtoridad. |

Courtesy: Bongbong Marcos/Facebook

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

10/10/2025

The Art of Watercolor: Kilalanin natin si Jinky Rayo, ang international watercolor artist na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat guhit ng kanyang obra.

With Special Guests:
Jinky Rayo
International Watercolour Artist

Sumabay sa bilis ng balita! Kwentong sports, showbiz, at trending topics, lahat dito!

Fastrack Friday, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo Todo!



YOUR MENTAL HEALTH MATTERS! 💚Sa paggunita ng World Mental Health Day, paalala sa lahat na ang kalusugan ng isipan ay kas...
10/10/2025

YOUR MENTAL HEALTH MATTERS! 💚

Sa paggunita ng World Mental Health Day, paalala sa lahat na ang kalusugan ng isipan ay kasinghalaga ng kalusugan ng katawan.

Mahalagang itaguyod ang kamalayan, pag-unawa, at pagkalinga sa bawat isa—mga hakbang tungo sa pagbasag ng stigma at sa mas bukas na pag-uusap tungkol sa mental health.

Huwag matakot magpahinga, magsalita, at humingi ng tulong. Ang pag-aalaga sa sarili ay hindi kahinaan, ito ay lakas. 🌏✨

09/10/2025

October 9, 2025
KAAGAPAY SA KALUSUGAN
With: Master James Alejandro and Ate Nems Turla
7:00pm-8:00pm Monday - Saturday
DZYM

09/10/2025

POV: MAY TROPA KANG MICROPHONE 🎤🤣

Trending ngayon sa Tiktok ang isang grupo ng magkakaibigan kung saan isa sa kanila ay nagmistulang MICROPHONE!

Sa in-upload na video ni Hyna, makikitang hindi sila magkamayaw sa pagtawa nang ipakita ni Jakob ang kanyang hidden talent na magsalita na may echo effect!

Ayon sa uploader, likas na talented si Jakob, ngunit nagulat sila na kaya rin pala nitong maging literal na ‘microphone’!

Ang naturang video, tumabo na ng 6.8 million views at 932K hearts. |

Video Courtesy: Raymond Tabago/Tiktok

BAGYONG QUEDAN UPDATE Ayon sa huling ulat ng DOST-PAGASA noong Oktubre 9, 5:00 ng hapon, ang Tropical Storm   ay nasa la...
09/10/2025

BAGYONG QUEDAN UPDATE

Ayon sa huling ulat ng DOST-PAGASA noong Oktubre 9, 5:00 ng hapon, ang Tropical Storm ay nasa layong 1,370 km silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.

May lakas ng hangin na 75 km/h at bugso na umaabot sa 90 km/h, kumikilos ito pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h.

Malabong direktang makaapekto ang bagyo sa lagay ng panahon sa bansa.

Ayon sa forecast, inaasahang lalabas ang bagyo ngayong gabi o sa madaling araw. |

CRYSTAL CAVE INTEGRATED SCHOOL, EARTHQUAKE READYTINGNAN | Nasubok ang kahandaan ng Crystal Cave Integrated School matapo...
09/10/2025

CRYSTAL CAVE INTEGRATED SCHOOL, EARTHQUAKE READY

TINGNAN | Nasubok ang kahandaan ng Crystal Cave Integrated School matapos maramdaman ang malakas na lindol alas-10:30 ng umaga ngayong Oktubre 9, 2025.

Ipinamalas ng mga g**o at mag-aaral ang kanilang kaalaman sa tamang earthquake response protocol sa pamamagitan ng mabilis na “duck, cover, and hold” at maayos na paglikas patungo sa itinalagang evacuation area.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, patunay ito na epektibo ang mga earthquake drills sa pagpapanatiling ligtas ng komunidad ng CCIS. |

Courtesy: Baguio City Public Information Office/Facebook

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

‘MAGTAYO NALANG NG BAGONG DPWH’ Senador Win Gatchalian, nais na buwagin ang Department of Public Works and Highways (DPW...
09/10/2025

‘MAGTAYO NALANG NG BAGONG DPWH’

Senador Win Gatchalian, nais na buwagin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at magtatag ng bagong ahensya para sa pampublikong imprastruktura.

Dahil sa malalang katiwalian na bumalot sa DPWH, personal na naniniwala si Gatchalian na mas mabuting palitan na ang ahensya ng panibago.

Ito ang kanyang sinabi nang tanungin tungkol sa usapin sa Kapihan sa Senado forum nitong Huwebes.

“If you were to ask me, let’s just establish a new DPWH. Let us hire other people because I believe, and my philosophy in management, is that you’ll come to a point where you can no longer fix something, so there’s a need to create a new one,” saad ni Gatchalian.

“If you’re going to ask me. Because I think it will take years and years for Secretary Vince to clean up. We need to do many things — digitalization, of course, file cases to everyone involved, and we also need to check the others if they are doing what is right,” dagdag pa nito. |

KINGS OF P-POP IN EUROPE  Nakatakdang mag-perform ang P-pop group na   sa Spazio Atlantico sa Rome, Italy sa darating na...
09/10/2025

KINGS OF P-POP IN EUROPE

Nakatakdang mag-perform ang P-pop group na sa Spazio Atlantico sa Rome, Italy sa darating na Oktubre 12, bilang tampok na act sa Sama sa Roma event ngayong taon.

Libre ang admission para sa unang 1,700 na magrerehistro sa event, na bahagi ng selebrasyon para sa Jubilee Year 2025 ng Simbahang Katolika.

Ang pagtatanghal sa Rome ay kasunod ng Dubai stop ng kanilang Simula at Wakas tour, na gaganapin isang araw bago ang event. |

TINGNAN: Bilang tugon sa mga nagdaang kalamidad sa Hilagang Luzon at Cebu, muling pinagtibay ng Department of Education ...
09/10/2025

TINGNAN: Bilang tugon sa mga nagdaang kalamidad sa Hilagang Luzon at Cebu, muling pinagtibay ng Department of Education (DepEd) ang kahandaan nito sa sakuna sa pamamagitan ng pagpupulong kasama ang mga education leader, regional DRRM coordinator, at mga katuwang na organisasyon sa isinagawang National DRRM x CCA Summit 2025.

Layon ng summit na isulong ang tuloy-tuloy na pagkatuto at pagbuo ng mga paaralang handa sa epekto ng pagbabago ng klima, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng isang edukasyong handa sa hinaharap at batay sa pagsusuri ng panganib.

Kabilang sa mga hakbang ng ahensya ang pagpapakilos ng rapid assessment teams, paggamit ng mga bagong digital tool, at pag-upgrade ng mga pasilidad sa pagkatuto, lahat ay bahagi ng pagsusumikap na palakasin ang katatagan ng edukasyon sa buong bansa. |

📷: Contributed

Nagpasalamat ang singer-comedian na si Ate Gay matapos magpakita ng positibong resulta ang kanyang radiation at chemothe...
09/10/2025

Nagpasalamat ang singer-comedian na si Ate Gay matapos magpakita ng positibong resulta ang kanyang radiation at chemotherapy treatment para sa stage 4 cancer na kanyang kinakaharap.

Ayon kay Ate Gay, malaking tulong sa kanyang paggaling ang mga tinatawag niyang mga “anghel” mga taong patuloy na sumusuporta at tumutulong sa kanyang pagpapagamot.

Hiling din niya na sana’y matulungan ang iba pang may sakit na cancer, lalo na ang mga walang sapat na kakayahang pinansyal para sa gamutan. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka like at follow sa Radyo Pilipino.

09/10/2025

HILING NG MAMAMAYAN: DIREKTANG ACCESS SA SALN NG MGA OPISYAL

PANOORIN | Sa programang Pulsong Pinoy, ibinahagi ni Atty. Michael Henry Yusingco, isang political analyst, constitutionalist, at senior research fellow sa Ateneo Policy Center, ang kaniyang panawagang palitan ang dating resolusyon ng Ombudsman na nagbabawal sa publiko na magkaroon ng akses sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Yusingco, ang naturang pagbabawal ay malinaw na paglabag sa Saligang Batas, sapagkat binibigyang karapatan nito ang mamamayan na magkaroon ng kaalaman sa mga pampublikong dokumento bilang bahagi ng transparency at pananagutan ng pamahalaan.

Aniya, ang pagbubukas ng SALN sa publiko ay magiging unang hakbang tungo sa mas malawak na pagtitiwala ng taumbayan sa kanilang mga pinuno at sa mas maayos na pamamalakad ng gobyerno.

Binigyang-diin din niya na ang panukalang ito ay dapat ipatupad nang pantay-pantay—mula sa pinakamababang posisyon sa pamahalaan hanggang sa pinakamataas na opisyal, kabilang ang Pangulo ng Pilipinas. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at naka-follow sa aming opisyal na accounts.

TRILLION PESO MARCH LABAN SA KORAPSIYONMagsasagawa ang Trillion Peso March movement ng lingguhang protesta tuwing Biyern...
09/10/2025

TRILLION PESO MARCH LABAN SA KORAPSIYON

Magsasagawa ang Trillion Peso March movement ng lingguhang protesta tuwing Biyernes simula Oktubre 10 bilang paghahanda sa nationwide rally sa Nobyembre 30.

Tampok ang sabayang aktibidad sa paaralan, opisina, simbahan, at community hubs kabilang ang noise barrage, candle lighting, at protesta, habang gaganapin ang misa sa Edsa Shrine at iba pang city centers.

Hinikayat ng mga organizer ang publiko na magdala ng kandila, plakard, at mga kagamitan sa paggawa ng ingay tulad ng busina habang isinusulong din ang paggamit ng puting ribbon, puting bandila, pagtunog ng kampana, at pagdarasal sa National Day of Prayer and Public Repentance bilang simbolo ng pakikiisa laban sa korupsyon.

Inaasahang dadaluhan ng higit 100 grupo ang Nobyembre 30 rally, na pangungunahan ng Church Leaders Council for National Transformation at sinuportahan ng mahigit 80 civil society groups, samantalang nagpapatuloy din ang diskusyon ng iba pang sektor sa karagdagang malakihang kilos-protesta ngayong Oktubre. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

TULFO, PINUNA ANG P879,000 KADA PIRASO NG BODY-WORN CAMERASPinasisibak sa pwesto ni Sen. Raffy Tulfo kay DOTr Acting Sec...
09/10/2025

TULFO, PINUNA ANG P879,000 KADA PIRASO NG BODY-WORN CAMERAS

Pinasisibak sa pwesto ni Sen. Raffy Tulfo kay DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez ang limang miyembro ng Philippine Ports Authority Bids and Awards Committee kaugnay ng pagbili ng 191 body-worn cameras sa halagang P879,000 bawat isa.

Nangyari ito sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa panukalang 2026 budget ng DOTr at iba pang attached agencies sa Senate Committee on Finance. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

 : Ngayon ang ika-85 na kaarawan ni John Lennon, isa sa mga pinaka-iconic at maimpluwensiyang pangalan sa kasaysayan ng ...
09/10/2025

: Ngayon ang ika-85 na kaarawan ni John Lennon, isa sa mga pinaka-iconic at maimpluwensiyang pangalan sa kasaysayan ng musika.

Ipinanganak siya noong Oktubre 9, 1940 sa Liverpool, England, at sumikat sa buong mundo bilang isa sa mga nagtatag ng The Beatles, ang bandang nagbago sa takbo ng pop music noong 1960s. Bukod sa tagumpay ng grupo, kilala rin si Lennon sa kanyang solo career, kung saan niya nilikha ang mga walang kamatayang awit gaya ng “Imagine,” “Jealous Guy,” at “Instant Karma!”

Hindi lang musikero si Lennon kung 'di aktibo rin siya sa pagsusulong ng kapayapaan, pagmamahal, at katarungang panlipunan. Ginamit niya ang kanyang boses para tutulan ang digmaan at mga isyung panlipunan, dahilan kung bakit naging makabuluhan ang kanyang impluwensiya, hindi lang sa musika kundi pati sa kultura at pulitika.

Trahedyang nawala si Lennon noong Disyembre 8, 1980, matapos siyang pagbabarilin sa harap ng kanyang tirahan sa New York sa edad na 40. |

09/10/2025

'TALAGANG 'PAG KORAPSYON, GAGAWING GHOST PROJECT... BASTA LANG MAKAKUBRA NG PERA'

PANOORIN | Kinumpirma ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin “Win” Gatchalian ang overpriced at ghost projects sa farm-to-market roads.

Ayon sa pagsusuri ng badyet ng Department of Agriculture, malaking bahagi ng pondo ay nakalaan sa mga farm-to-market road na umano’y sobra-sobra ang presyo, umaabot sa P300 milyon kada kilometro.

Giit ni Gatchalian, posibleng manipulahin ang lahat mula sa overpricing hanggang sa ghost projects para makapangulimbat ng pera. |

Courtesy: Senate of the Philippines

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

NEW YORK CITY VS SOCIAL MEDIA GIANTSNagsampa ng kaso ang New York City laban sa mga kumpanyang Facebook, Google, Snapcha...
09/10/2025

NEW YORK CITY VS SOCIAL MEDIA GIANTS

Nagsampa ng kaso ang New York City laban sa mga kumpanyang Facebook, Google, Snapchat, TikTok, at iba pang social media giants dahil sa umano’y pagpapalala ng mental health crisis sa mga kabataan sa pamamagitan ng nakakaadik na disenyo ng kanilang mga platform.

Sa 327 pages na reklamo na inihain sa Manhattan Federal Court noong Oktubre 8, hiniling ng lungsod ang danyos laban sa Meta Platforms, Alphabet, Snap, at ByteDance, na inaakusahan ng gross negligence at paglikha ng pampublikong panganib.

Ayon sa city government, sinadyang idisenyo ng mga platform ang kanilang mga sistema upang hikayatin ang labis na paggamit ng social media, na nagdudulot ng kawalan ng tulog, pagliban sa klase, at maging ng mga delikadong gawi tulad ng “subway surfing.”

Kasama ang New York City sa mahigit 2,000 katulad na kaso na isinampa laban sa mga social media companies sa Estados Unidos. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

09/10/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: Nasa system na ng Bureau of Immigration (BI) ang 33 indibidwal na nasa immigration lookout bulletin order na ibinaba ng Department of Justice (DOJ)

With Special Guest:
Ms. Dana Sandoval
Spokesperson, Bureau of Immigration

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


09/10/2025

Creativity as Healing: Alamin ang makulay na kuwento sa likod ng Likha Village! 🎨🖼️🖌️

With Special guests:
Tricia Jara
Business Development Manager - Likha Village

AND

Ran Mawo
Production Head - Likha Village

Problema mo, bibigyang pansin!
Mga isyu sa komunidad, isinasapubliko!

Huwebes Serbisyo, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo-Todo!

, ,

Address

Brgy. Pag-asa
San Jose
5100

Opening Hours

Monday 5am - 7:30pm
Tuesday 5am - 7:30pm
Wednesday 5am - 7:30pm
Thursday 5am - 7:30pm
Friday 5am - 7:30pm
Saturday 6am - 7:30pm
Sunday 6am - 7:30pm

Telephone

+639989658366

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 1539 DZYM Radyo Pilipino Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 1539 DZYM Radyo Pilipino Mindoro:

Share

Category