
31/08/2025
PAGPUPUGAY SA INYONG TAGUMPAY! 🏆
Maalab na pagbati sa ating mga mag-aaral sa Senior High School na kalahok sa Sabayang Pagbigkas na nagwagi bilang kampeon sa ginanap na Pansangay na Patimpalak sa katatapos lamang na Kulminasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 sa Robinson's Place Antique ngayong ika-30 ng Agosto 2025.
Ang inyong galing sa pagbigkas at husay sa kilos at kumpas ay tunay na di- matatawaran. Bukod tangi ang inyong pagganap. 👏👏
Isang taos pusong pasasalamat at pagbati rin sa mga g**o ng Filipino ng Senior High School na pinangungunahan ni Gng. Anecasia S. Macavinta, g**ong tagasanay, sa kanilang dedikasyon at walang sawang paggabay sa ating mga kalahok.
Lubos ang aming pasasalamat at pagkilala sa inyong husay at dedikasyon na naging susi sa karangalang inyong naipagkaloob sa ating paaralan.
Mabuhay ang Wikang Filipino at mga katutubong wika!