13/12/2025
STO. NIÑO 3RD NATIONAL HIGH SCHOOL | DECEMBER 11, 2025
Sa Sto. Niño 3rd National High School, mas pinaigting natin ang kampanya para sa isang kabataang handa, disiplinado, at may tamang kaalaman sa kaligtasan sa kalsada at komunidad. Ang “Think Safe, Act Safe” seminar ay nagsilbing paalala na ang pagiging responsable ay nagsisimula sa tamang impormasyon.
Katuwang natin ang Franchising and Regulatory Office, Public Order and Safety Office, Traffic Management Office at Philippine National Police sa pagbibigay ng praktikal at makabuluhang kaalaman para sa pang-araw-araw na sitwasyon ng mga estudyante.
Patuloy po kaming nagpapatuloy sa pag-ikot sa mga paaralan upang maihatid ang mga programang nagbibigay-gabay sa kabataang San Joseño. 🚦🫰