Happy Life

Happy Life happySingleMom...

08/07/2025
Miyerkules, Enero 1May inilalabas na lalaking patay, ang kaisa-isang anak ng isang babae. At biyuda na ang babae.​—Luc. ...
01/01/2025

Miyerkules, Enero 1
May inilalabas na lalaking patay, ang kaisa-isang anak ng isang babae. At biyuda na ang babae.​—Luc. 7:12.

Pansinin na “nang makita” ni Jesus ang nagdadalamhating nanay, “naawa siya rito.” (Luc. 7:13) Pero hindi lang basta naawa si Jesus; nagpakita rin siya ng malasakit. Kinausap niya ang babae sa mabait na paraan at sinabi: “Huwag ka nang umiyak.” Pagkatapos, may ginawa si Jesus para sa kaniya—binuhay niyang muli ang anak at “ibinigay siya ni Jesus sa kaniyang ina.” (Luc. 7:​14, 15) Ano ang matututuhan natin sa himala ni Jesus? Dapat tayong magpakita ng malasakit sa mga namatayan. Matutularan natin ang malasakit ni Jesus sa mga namatayan kung aalamin natin ang sitwasyon nila. Madarama nilang nagmamalasakit tayo kung papatibayin natin sila at tutulong tayo sa abot ng makakaya natin. (Kaw. 17:17; 2 Cor. 1:​3, 4; 1 Ped. 3:8) Malaki ang maitutulong kahit ng mga simpleng salita at kabaitan sa kanila.

Ang taunang teksto para sa 2025 ay “Ibigay ninyo kay Jehova ang kaluwalhatiang nararapat sa pangalan niya.”—Awit 96:8.Sa...
01/01/2025

Ang taunang teksto para sa 2025 ay “Ibigay ninyo kay Jehova ang kaluwalhatiang nararapat sa pangalan niya.”—Awit 96:8.

Sa Bibliya, tumutukoy ang salitang “kaluwalhatian” sa anumang bagay na nagiging dahilan para purihin at maging kahanga-hanga ang isa. Ipinakita ni Jehova ang kaluwalhatian niya pagkatapos na pagkatapos mapalaya ang mga Israelita mula sa Ehipto. Isipin ito: Milyon-milyong Israelita ang nasa paanan ng Bundok Sinai para pakinggan ang sasabihin ng Diyos sa kanila. Pagkatapos, natakpan ng makapal na ulap ang bundok. Biglang lumindol at nagkaroon ng usok sa paligid. Kumulog din at kumidlat, at narinig nila ang napakalakas na tunog ng tambuli. (Ex. 19:16-18; 24:17; Awit 68:8) Nang ipakita ni Jehova ang kaluwalhatian niya, siguradong hangang-hanga ang mga Israelita.

jw.org
29/02/2024

jw.org

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Happy Life posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Happy Life:

Share

Category