
03/08/2024
𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐉𝐮𝐚𝐧𝐬𝐜𝐢𝐚𝐧! 🤝🏻
Mula sa inisyatiba ng Helping Hands sa pangunguna ni Gng. Iry C. Familiara katuwang ang Tindahan ni JuanScian Matapat/Honesty Store sa pamamahala ng mag-aaral na si Alia Parma at mga kasamahan, kabilang ang kanilang gurong tagapayo na si G. Melchor M. Odi na nagbigay donasyon mula sa kanilang nalikom na kita sa tindahan o IGP. Nagpamahagi ng school supplies at food packs noong Agosto 2,2024 sa mga mag-aaral na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Carina.
Inaasahan ang pagkakaroon muli ng pamamahagi sa susunod na linggo.
Halina’t Magtulungan kahit sa Maliit na Paraan!