
13/08/2025
Isang programa ang isinagawa para sa pasasalamat sa ating butihing Vice Mayor Anthony Marasigan at Konsehal Angelo Marasigan ng Don Leon Mercado Sr. Memorial National High School para sa ibinibigay na suporta at tulong para sa eskwelahan at estudyante.
Ngayon ngang araw na ito ay pumunta ang ating Vice Mayor at Konsehal Angelo Marasigan kasama ang isa sa mga Konsehal ng Bayan Hon. Miljun Magadia at Sk Federation President Hon. Jeryk Dwight Bait para makasama at maibigay ang Transformer na pangangailangan ng paaralan .
Salamat po sa handog na kanta bilang pasasalamat sa Tatak Marasigan 👍
Maraming maraming salamat po sa masaya at mainit na pagtanggap sa Tatak Marasigan sa pangunguna ng pamunuan ng Don Leon sa ating masipag na Principal ,Ginoong Dr. Antonino S. Palaganas at SPTA President Val Cariaga.
Tunay ngang isa sa mga prioridad ng Tatak Marasigan ay ang edukasyon para sa ating mga kabataan.
Mabuhay ang Bayan ng San Juan !