14/10/2025
Noong nalaman kong nagsinungaling ka sa akin, doon ako nagsimulang hindi na mapanatag.
Hindi na ako mapakali, hindi na ako matahimik.
Bigla akong napuno ng tanong ano pa kaya yung hindi ko alam?
Ano pa kaya yung tinatago mo? Alin kaya sa lahat ng sinabi mo ang totoo at alin lang sa kanila ang ginawa mo para hindi kita tanungin?
Para hindi ako magduda?
Ang hirap pala pag yung tiwala na buong-buo kong binigay, bigla na lang guguho sa isang kasinungalingan.