RMN Network News

RMN Network News Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from RMN Network News, News & Media Website, Annapolis Street , Greenhills, San Juan.

18/12/2025

: Nakunan sa CCTV footage ang pananakit ni Leyte Representative Richard Gomez kay Philippine Fencing Association Presidente Rene Gacuma sa gitna ng 2025 Southeast Asian (SEA) games sa Thailand.

Ayon kay Gacuma, hindi raw nagustuhan ni Gomez nang palitan ng kanilang komite si Alexa Larrazabal ni Hanniel Abella para sa individual women’s EPEE event. | via Don Buenvenida, RMN Manila



18/12/2025

: Patay na ang isang sanggol nang matagpuan sa isang sementeryo sa Jones, Isabela. | via Shobie Gagarin, IFM Cauayan





18/12/2025

: Dismayado ang aktres na si Anne Curtis sa talamak na korapsyon sa bansa na hanggang ngayon ay wala pa ring napapanagot.

Nagbahagi kasi si Anne ng kanyang sentimyento sa social media account habang ito'y nasa Singapore. | via Alehx Furaque, RMN Manila



18/12/2025

GINTO PARA KAY EALA! 🙌

: Isinulat sa kasaysayan ni Alex Eala ang isang panalo matapos dominahin ang Women’s Singles Tennis at maiuwi ang gold medal ng Pilipinas sa 2025 SEA Games.

Sa finals, ipinamalas ni Eala ang solid baseline game, upang pabagsakin ang home bet ng Thailand sa harap ng kanilang home crowd. | via Niel Santua, RMN Manila



18/12/2025

PANOORIN: Sitwasyon sa labas ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 gabi ng Huwebes, December 18, 2025. | via Chill Emprido, RMN Manila



18/12/2025

: Nanatiling kumpiyansa ang Malacañang na mapipirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 2026 national budget bago matapos ang taon. | via Chzianelle Salazar, RMN Manila



18/12/2025

JUST IN: Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglabas na ng warrant of arrest ang Korte laban kay Sarah Discaya kaugnay ₱96.5 milyong ghost flood control project sa Davao Occidental.

Si Discaya ay boluntaryo nang nagpasailalim sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) bago pa man ilabas ang warrant.

Ayon sa Pangulo, kasama rin sa pinaaresto ang siyam na iba pang indibidwal na sangkot sa naturang ghost project.

May walo rin aniyang opisyal ng DPWH ang nagpahayag ng kahandaang sumuko kaugnay sa kaso.

Mahaharap ang mga akusado sa kasong graft at malversation at hindi maaaring piyansahan, kaya’t hindi sila basta makalalaya. | via Chzianelle Salazar, RMN Manila



18/12/2025

: Agusan del Norte, binigyang-diin ang diwa ng pagkakaisa at pagbibigayan kasabay ng Christmas Light-up ng Kapitolyo 🫂✨

Kasabay ng Christmas Light-up sa Kapitolyo ng Agusan del Norte ang pagbibigay-diin at kahalagahan ng diwa ng pagkakaisa at pagbibigayan ngayong Kapaskuhan.

Ating tunghayan ang Krismas sa Pinas Special Report ni Prince Delasmarias ng RMN Butuan.





18/12/2025

: Tumaas pa ang panukalang pondo ng PhilHealth sa 2026 matapos na aprubahan ng Bicameral Conference Committee ang dagdag na P16.5 billion na pondo ng state health insurer.

Mula sa naunang P103.2 billion ay aabot na sa P129.7 billion ang kabuuang panukalang pondo ng ahensya sa susunod na taon. | via Conde Batac, RMN Manila



18/12/2025

: Hindi pa nakababalik ng Pilipinas si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Ito ay kahit hanggang kahapon, December 17, lamang ang kaniyang paalam nang magtungo sa Estados Unidos para umano samahan ang kaniyang asawa na magpapagamot doon. | via Jairus Penaflorida, RNM Manila



 : NAGPAPAGUPIT SI BATO?Ito ang ikinuwento ng legal counsel ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na si Atty. Israelito Tor...
18/12/2025

: NAGPAPAGUPIT SI BATO?

Ito ang ikinuwento ng legal counsel ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na si Atty. Israelito Torreon sa panayam ng DZXL News RMN Manila.

Ayon sa abogado, nagkita sila ni dela Rosa sa SM Lanang [Davao City] noong May 22, 2025, para mag-usap at noong panahon na yun ay nagpapagupit umano ang senador.

Hindi na nito ibinunyag pa kung ano ang napag-usapan nilang dalawa.

Tanong ngayon ng publiko, nagpapagupit pa ba si Senator Bato kahit kalbo na ito? | via RMN Manila



18/12/2025

: Nilinaw ngayon ng kampo ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na wala pang rekomendasyon ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na kasuhan ito ng plunder o iba pang seryosong krimen kaugnay sa maanomalyang flood control projects. | via Grace Mariano, RMN Manila



Address

Annapolis Street , Greenhills
San Juan
1500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RMN Network News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share