RMN Network News

RMN Network News Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from RMN Network News, News & Media Website, San Juan.

18/07/2025

Sitwasyon sa Sitio Marus, Brgy. Hacienda Intal, Baggao, Cagayan | July 18

Nagmistulang ilog ang kalsada sa Sitio Marus matapos rumagasa ang tubig mula sa sapa dulot ng malakas na pag-ulan na hatid ni ngayong araw.

Sa video ni Jhozl America, makikitang umapaw ang sapa dahil sa mga batong nakabara sa box culvert. Aniya, paulit-ulit na itong nangyayari tuwing may matagal at malakas na ulan sa kanilang lugar.

Inilikas na rin ang ilang residente, kabilang ang mga bata at matatanda, sa mas ligtas na lugar.

📸 Jhozl America



18/07/2025

Nakunan ng video ang pag-apaw ng Hilabangan River sa bahagi ng Camugao Bridge, Brgy. Camugao, Kabankalan City ngayong umaga ng Biyernes, July 18.

📸 DRRM Kabankalan



18/07/2025

Sitwasyon sa Brgy. New Cuyo, Sitio Buayan, Palawan | July 18, 2025

Dahil sa walang tigil na ulan na dala ni , binaha na rin ang bahagi ng Sitio Buayan sa Brgy. New Cuyo, Roxas, Palawan

📸 Lotzkie Vlogs



Matagumpay na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang hinihinalang supplier ng iligal na droga na...
18/07/2025

Matagumpay na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang hinihinalang supplier ng iligal na droga nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ayon sa BOC, kinilala ang suspek na si Chiang Yui Wai, 62 na taong gulang at isang Hong Kong national.

Naalerto ang mga awtoridad ilang oras bago dumating sa bansa dahil sa Interpol alert sa tulong ng Advanced Passenger Information System. | via Jairus Peñaflorida, RMN Manila



TINGNAN: Sitwasyon sa Sitio Canabang, Brgy. Paclolo sa Occidental Mindoro as of 3:00 PM kaninaHindi madaanan ng mga ligh...
18/07/2025

TINGNAN: Sitwasyon sa Sitio Canabang, Brgy. Paclolo sa Occidental Mindoro as of 3:00 PM kanina

Hindi madaanan ng mga light vehicle ang access road papuntang Sitio Canabang dahil sa baha.

📸 Brgy. Paclolo Secretary



Nananatiling unpassable sa mga motorista ang ilang kalsada at tulay sa dalawang rehiyon sa bansa matapos malubog sa baha...
18/07/2025

Nananatiling unpassable sa mga motorista ang ilang kalsada at tulay sa dalawang rehiyon sa bansa matapos malubog sa baha at mapinsala dahil sa hagupit ng Bagyong Crising na pinalakas pa ng habagat.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 17 kalsada at isang tulay sa Central Visayas ang hindi muna madaraanan ng mga motorista habang dalawa naman ang mula sa Western Visyas.

Isang bahay rin mula sa Sibalom, Antique ang naitalang totally damaged. | via Angel Garcia, RMN Manila



18/07/2025

Kuha ng concerned netizen na si PedroGraphy, makikita ang malawakang pagbaha sa ilang barangay ng Puerto Princesa matapos ang halos walang tigil na pag-ulan ngayong araw, Hulyo 18.



Tigil muna ang underwater search operations ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake ngayong Biyernes.Ayon sa Department o...
18/07/2025

Tigil muna ang underwater search operations ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake ngayong Biyernes.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), ito ay dahil sa masamang panahon na nararanasan at malabong tubig sa lawa kung kaya’t nahihirapan ang divers na maghanap sa mga nawawalang sabungero na sinasabing itinapon dito.

Sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, pansamantalang ititigil ang operasyon hangga’t hindi pa gumaganda ang lagay ng panahon. | via Jairus Peñaflorida, RMN Manila



Kasado na ang tatlong araw na state visit ni Pangulong Bongbong Marcos., sa Washington DC, USA bilang tugon sa imbitasyo...
18/07/2025

Kasado na ang tatlong araw na state visit ni Pangulong Bongbong Marcos., sa Washington DC, USA bilang tugon sa imbitasyon ng Amerika.

Si Pangulong Marcos ang kauna-unahang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN leader na naimbitahan sa US, sa ilalim ng Trump administration.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Raquel Solano na kaliwa’t kanang pakikipagpulong sa matataas na opisyal ng Amerika ang gagawin ng pangulo mula July 20-22. | via Chzianelle Salazar, RMN Manila



TINGNAN: Pagbaha sa Brgy. Sicsican, Puerto Princesa sa PalawanSa gitna ng walang tigil na ulan dulot ng   ay agad rumesp...
18/07/2025

TINGNAN: Pagbaha sa Brgy. Sicsican, Puerto Princesa sa Palawan

Sa gitna ng walang tigil na ulan dulot ng ay agad rumesponde ang Coast Guard District Palawan (CGDPAL) sa baha sa Purok Narra, Brgy. Sicsican ngayong umaga ng Hulyo 18.

Bandang 8:25 AM, ipinadala ng CGDPAL ang kanilang Quick Response Team, kasama ang mga mobility assets, para sagipin ang mga residenteng na-stranded sa tubig-baha. Pagsapit ng 11 AM ay ligtas na nailikas ang 88 pamilya o tinatayang 200 katao mula sa lugar.

📸: Coast Guard District Palawan



18/07/2025

Dahil sa utang na P1,500, lalaki patay matapos barilin ng kanyang kaibigan sa Talisay City, Negros Occidental | via Albert Giner, RMN DYHB Bacolod 747



Bagsak sa kulungan ang dalawang pulis na may ranggong police master sergeant at isang sibilyan matapos masangkot sa panl...
18/07/2025

Bagsak sa kulungan ang dalawang pulis na may ranggong police master sergeant at isang sibilyan matapos masangkot sa panloloob sa isang printing shop sa Brgy. Tabun, Pampanga nitong Hulyo 16.

Ayon kay PBGen. Ponce Rogelio Peñones Jr., regional director ng Central Luzon, limang armadong lalaki na pawang nakasuot ng itim na jacket, bonnet, at face mask ang sapilitang pumasok sa naturang shop. | via Angel Garcia, RMN Manila



Address

San Juan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RMN Network News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share