11/12/2023
“Mungan, kailangan ko ng mamaen! Masasaid na yata ang aking lakas.”
Paano magtatagumpay sina Agyu at kaniyang lipi sa pakikipaglaban? Ano ang naghihintay sa kanila?
Samahan natin sina Agyu sa isang kagila-gilalas na paglalakbay sa “Nelendangan”. Batay ang animasyon sa mahalagang bahagi ng epikong-bayan na Ulahingan ng mga Livunganen-Arumanen Manobo.
Nabuo ang animasyon sa pakikipag-ugnayan at konsultasyon sa mga Livunganen-Arumanen Manobo ng Carmen at Libungan, Cotabato. At bilang bahagi ng proyektong Philippine Epic Project na itinaguyod ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 2017. Isa sa mahahalagang layunin ng proyekto na muling ipakilala sa kasalukuyang gunita at imahinasyon ang mga epikong-bayan ng ating bansa.
Inihahandog ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) at Baglan Art and Culture Initiatives, Inc. (BACI) sa suporta ng Opisina ng Pangulo ng Senado Pro Tempore Loren Legarda.