NewsFleet

NewsFleet NewsFleet is a blog site created by a group of Filipino journalists reporting on trending news and events and interesting facts in the present and past weeks.

An alternative source of information. NO TO FAKE NEWS!

LOLIT SOLIS PUMANAW NA SA EDAD NA 78 🖤🤍Pumanaw na ang veteran entertainment columnist at talent manager na si Lolit Soli...
03/07/2025

LOLIT SOLIS PUMANAW NA SA EDAD NA 78 🖤🤍

Pumanaw na ang veteran entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis sa edad na 78.

Kinumpirma ito ng aktor na si Niño Muhlach sa isang post sa Facebook nitong madaling araw ng Biyernes, Hulyo 4.

Samantala, sa kanyang pinakahuling post sa Instagram nitong Huwebes, Hulyo 3, nagpasalamat si Manay Lolit sa mga doctors at staffs ng FEU Hospital dahil sa pag-aasikaso sa kanya habang naka-confine siya rito.

Sinabi rin niya na ang tanging hiling niya ay gumaling agad.

“Talagang spoiled patient ang feeling ko. Hindi ako nagsisi na nagpa alaga sa FEU Hospital. I feel very special dahil sa alaga ng staffs lalo na ng mga doctors,” aniya.

“Kaya nga tiyak ako na gagaling agad ako. Para lang ako nagbakasyon, sleep over ng ilang araw.”

“I feel sad, weak, but hopeful. Wishing na sana gumaling ako agad at maging active uli. I love life. I love my works. I love my friends.I live life like everybody else,” dagdag pa niya.

Ngunit, tila hindi na nakauwi sa kanyang tahanan si Manay Lolit.

Una ng sinabi ni Manay Lolit na siya ay sumasailalim sa dialysis dalawang beses sa isang linggo dahil sa kidney problem.

Rest in peace, Manay Lolit! 🙏💐

(📷: Niño Muhlach FB)

MANILA MAYOR ISKO MORENO PAIIMBESTIGAHAN ANG ILANG OPISYAL NG LUNGSOD NA NAG-CASH ADVANCE NG MILYON AT BILYONG PISO 🧐Sin...
01/07/2025

MANILA MAYOR ISKO MORENO PAIIMBESTIGAHAN ANG ILANG OPISYAL NG LUNGSOD NA NAG-CASH ADVANCE NG MILYON AT BILYONG PISO 🧐

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na paiimbestigahan niya ang ilang opisyal ng lungsod dahil sa mga ginawang cash advances na umabot sa milyon at bilyong piso.

Sa kaniyang inaugural State of the City Address ngayong hapon, Hulyo 1, ibinunyag ng alkalde na malaking pondo ng munisipyo ang pinakinabangan ng mga opisyal na ito.

Naglabas pa si Moreno ng mga larawan ng mga empleyadong nakapag-cash advance at kung magkano ang halagang nakuha nila.

Sinabi niya na daan-daang milyong piso ang mga cash advances na ginawa bago ang midterm elections nitong Mayo 12.

Ayon sa alkalde, isang nagngangalang Atty. Marlon M. Lacson ang umano’y nakapag-cash advance ng nasa ₱1.161 billion sa loob lamang ng anim na buwan.

Sinabi ni Moreno na mahigit ₱10.2 billion ang payables o bayarin ng lokal na pamahalaan hanggang nitong Hunyo 5, kasama na rito ang ₱950 million na kailangan bayaran sa tatlong contractors ng basura, at bilyun-bilyong pisong halaga ng gamot at mga supply.

Hindi raw ito palalagpasin ng alkalde at pananagutin niya raw ang mga nasa likod ng mga kontrobersiyal na transakyon.

(📷: Screengrab from Mayor Isko Domago’s Facebook video)

GRETCHEN BARRETTO DINADAWIT NG MGA NETIZEN SA KASO NG MGA MISSING SABUNGERO 🫢Idinadawit ng mga netizen sa kaso ng mga na...
27/06/2025

GRETCHEN BARRETTO DINADAWIT NG MGA NETIZEN SA KASO NG MGA MISSING SABUNGERO 🫢

Idinadawit ng mga netizen sa kaso ng mga nawawalang sabungero ang aktres na si Gretchen Barretto.

Ayon sa report ng Bilyonaryo News Channel, kumakalat ngayon sa social media ang espekulasyon na si Gretchen ang babaeng celebrity na tinutukoy ng whistleblower na si alyas “Totoy” na kabilang sa “alpha members” na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.

Sabi ni “Totoy” aktibo umano ang partisipasyon ng celebrity na ito sa grupo.

“Isa rin siya ‘pag nagme-meeting, andu’n siya. Isa rin siya na susi kung sakali,” ani “Totoy.”

Hindi pinangalanan ni “Totoy” ang naturang babaeng showbiz personality, pero agad nginuso ng mga netizen si Gretchen.

Iniugnay ang aktres sa kaso dahil sa pagtuligsa niya noon sa pag-iimbestiga ng mga senador tungkol sa pagkawala ng hindi bababa sa 100 sabungero o mahilig sa sabong at sa relasyon niya sa gambling operator na si Atong Ang.

Ayon sa Bilyonaryo News Channel, mag-business partner sina Gretchen at Atong sa Pitmasters Live, isang online cockfighting platform.

Nauna nang isiniwalat ni “Totoy,” isa sa anim na akusado sa kaso ng mga missing sabungero, na ibinaon umano sa Taal Lake sa Batangas ang mga biktima matapos sila sakalin gamit ang kable.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang aktres sa pagdawit sa kanya sa isyung ito.

(📷: CTTO)

IRAN-ISRAEL CEASEFIRE NOW IN EFFECT 🇮🇷🇮🇱US President Donald Trump said a ceasefire between Israel and Iran is "now in ef...
24/06/2025

IRAN-ISRAEL CEASEFIRE NOW IN EFFECT 🇮🇷🇮🇱

US President Donald Trump said a ceasefire between Israel and Iran is "now in effect" and tells both countries: "Please do not violate it!"

(📷: White House)

JUST IN: Cardong Trumpo is the “Pilipinas Got Talent” Season 7 grand winner, bagging the P2 million cash prize. 🇵🇭Congra...
22/06/2025

JUST IN: Cardong Trumpo is the “Pilipinas Got Talent” Season 7 grand winner, bagging the P2 million cash prize. 🇵🇭

Congratulations, Cardong Trumpo! 👏👏

(📷: Pilipinas Got Talent/ABS-CBN)

CONGRATULATIONS, MIKEE QUINTOS! 🎓👏Kapuso star Mikee Quintos graduates from college after 10 years.The actress was among ...
22/06/2025

CONGRATULATIONS, MIKEE QUINTOS! 🎓👏

Kapuso star Mikee Quintos graduates from college after 10 years.

The actress was among the 318 students of the College of Architecture at the University of Santo Tomas (UST) who marched inside the Quadricentennial Pavilion on Saturday, June 21.

(📷:The Varsitarian)

US PRESIDENT DONALD TRUMP ANNOUNCES ‘SUCCESSFUL’ ATTACK ON IRANIAN NUCLEAR SITES 🇺🇸🇮🇷"We have completed our very success...
22/06/2025

US PRESIDENT DONALD TRUMP ANNOUNCES ‘SUCCESSFUL’ ATTACK ON IRANIAN NUCLEAR SITES 🇺🇸🇮🇷

"We have completed our very successful attack on the three Nuclear sites in Iran, including Fordow, Natanz, and Esfahan. All planes are now outside of Iran air space. A full payload of BOMBS was dropped on the primary site, Fordow. All planes are safely on their way home. Congratulations to our great American Warriors,” Trump said on Truth Social on Saturday night, June 21.

“There is not another military in the World that could have done this. NOW IS THE TIME FOR PEACE! Thank you for your attention to this matter,” he added.

(📷: White House)

NAWAWALANG ESTUDYANTE NG DLSU, NATAGPUANG PATAY SA CAVITE 🖤Natagpuang patay sa Naic, Cavite nitong Sabado, Hunyo 21, ang...
22/06/2025

NAWAWALANG ESTUDYANTE NG DLSU, NATAGPUANG PATAY SA CAVITE 🖤

Natagpuang patay sa Naic, Cavite nitong Sabado, Hunyo 21, ang isang law student ng De La Salle University sa Bonifacio Global City sa Taguig na nawawala simula pa noong Hunyo 8.

Huling nakitang sumakay ng Grab si Anthony Granada, 25, sa ibaba ng kanyang condominium unit sa kahabaan ng C-5 Road bandang alas-6:00 ng gabi noong Hunyo 8.

Ang Grab trip ay patungo sa Naic Town Plaza.

Ayon sa testimonya ng Grab driver, kalmado lang ang estudyante habang nasa biyahe,

Batay sa closed-circuit television footage, nakitang mag-isang naglalakad si Granada bandang 9:40 ng gabi noong Hunyo 8 rin sa kahabaan ng Lopez Jaena Bridge, ayon sa pulisya.

Nitong Sabado ng hapon, nakatanggap ang Naic police ng impormasyon na isang bangkay na nasa “advanced state of decomposition” ang natuklasan sa isang bakanteng lote sa Barangay Sapa.

Ayon sa report, nadiskubre ng mga imbestigador ang isang plastic bottle na may label na "Drain Clog Free" malapit sa labi ng binata.

Ang item na ito ay isang kemikal na produkto na karaniwang ginagamit upang alisin ang bara sa mga drainage.

Ang mga personal na gamit ni Granada, kabilang ang kanyang cellular phone at iba pang gamit, ay natagpuang lahat sa loob ng kanyang backpack.

Ang ama ni Granada na si Ricky, ay positibong kinilala ang bangkay ng kanyang anak.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Naic police upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng estudyante.

Sa isang Facebook post, hiniling ni Ricky sa publiko ang "privacy to grieve in the moment.”

(📷: Taguig City Police / Naic Municipal Police)

COCOY LAUREL, PUMANAW NA SA EDAD NA 72 🖤🤍Pumanaw na ang beteranong aktor sa pelikula at teatro na si Victor “Cocoy” Laur...
16/06/2025

COCOY LAUREL, PUMANAW NA SA EDAD NA 72 🖤🤍

Pumanaw na ang beteranong aktor sa pelikula at teatro na si Victor “Cocoy” Laurel sa edad na 72.

Ito ay kinumpirma ng kanyang pamilya nitong Lunes, Hunyo 16.

Ang balita ng kanyang pagpanaw ay ibinahagi ng kanyang pamangkin na si Nicole Laurel Asensio, sa isang Facebook post.

Bagama't hindi ibinunyag ang sanhi ng kanyang kamatayan, ipinahayag ng pamilya ang kanilang pasasalamat sa mga taong nagpaabot ng kanilang pakikiramay at panalangin.

Si Cocoy ay anak ng yumaong dating Bise Presidente Salvador “Doy” Laurel.

Una siyang sumikat noong 1969 nang binansagan siyang “Romeo of the Philippines” matapos manalo sa isang talent search na inspired kina “Romeo and Juliet.”

Noong unang bahagi ng 1970s, nakilala siya bilang isang teen heartthrob at bumida siya sa mga pelikulang tulad ng “Lollipops and Roses” at “Impossible Dream” kasama ng screen icon at “Superstar” na si Nora Aunor.

Sa isa sa kanyang huling public appearances, nakita si Cocoy na dumalaw sa wake ng kanyang dating ka-loveteam na si Nora na pumanaw noong Abril.

Mababasa sa larawan sa ibaba ang anunsyo ng visiting at mass schedule para kay Cocoy.

Deepest condolences to the family of Sir Cocoy. 🙏🏻🙏🏻💐

(📷: Celia Diaz Laurel FB page)

LOOK: Listahan ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte para sa impeachment trial natanggap na ng Senate Impeachmen...
16/06/2025

LOOK: Listahan ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte para sa impeachment trial natanggap na ng Senate Impeachment Court. ‼️‼️

Aabot sa 16 ang kanyang mga defense lawyers na mula sa Fortun Narvasa & Salazar law firm.

LOOK: Iloilo City Mayor Jerry Treñas led the 127th Independence Day celebration at Plaza Libertad today, June 12. 🇵🇭(📷: ...
12/06/2025

LOOK: Iloilo City Mayor Jerry Treñas led the 127th Independence Day celebration at Plaza Libertad today, June 12. 🇵🇭

(📷: Iloilo City Mayor's Office)

CARLOS YULO WINS GOLD IN FLOOR EXERCISE EVENT AT THE 2025 ASIAN GYMNASTICS CHAMPIONSHIP 🥇Carlos Yulo continues to reign ...
07/06/2025

CARLOS YULO WINS GOLD IN FLOOR EXERCISE EVENT AT THE 2025 ASIAN GYMNASTICS CHAMPIONSHIP 🥇

Carlos Yulo continues to reign supreme in the floor exercise, having once again claimed gold in this year's Asian Gymnastics Championships held in South Korea.

The two-time Olympic gold medalist emerged victorious among the eight finalists, achieving a score of 14.600 to dominate the finals.

Milad Karimi from Kazakhstan secured the second position with a score of 14.400, while Moon Geonyoung of South Korea took third place with a score of 14.033.

This marks Yulo's fourth consecutive year of winning gold in the floor exercise, having previously triumphed in the 2022, 2023, and 2024 competitions.

He already bagged two medals in this year's event as he won bronze in the individual all-around last Thursday, June 5.

Congratulations again, Caloy! 👏👏

(📷: Philippine Sports Commission)

Address

Mapuntod

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NewsFleet posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to NewsFleet:

Share