
17/07/2025
"NAKAKAPAGOD"
Nakakapagod na din noh?
Minsan naiisip ko nalang sumuko kasi sobrang hirap na.
Yung tipong akala mo tapos na yung pagsubok mo pero meron pa pala 😭
Misan naiisip kong huminto nalang kesa lumaban kasi "PARANG" wala namang nangyayari, parang hindi naman natatapos.
Stress sa work, anxiety. Yung tipong bigla ka nalang matutulala kasi hindi mo na alam kung ano pa yung susunod mong gagawin.
Pero naisip ko din na hindi naman pala masamang MAGPAHINGA, hindi masamang huminto muna saglit at HUMINGA!
Naalala ko na malayo na pala ang narating ko at marami na rin akong pagsubok na napagdaanan sa buhay tapos NGAYON PA AKO SUSUKO?
Ikaw na nagbabasa nito ngayon, pagod ka na rin ba? Lagi mong tandaan na kasama mo Si Jesus. Hindi ka Niya iiwanan at hindi ka Niya pababayaan!
KAPIT LANG, LABAN LANG!