23/08/2023
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=291005903682065&id=100083179729000&mibextid=Nif5oz
PABATID | Free check-up for pets at Municipal Agriculture Office
Sa darating na Biyernes, ika-25 ng Agosto 2023, sa ganap na alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, ay magkakaroon ng libreng check-up para sa inyong mga alagang a*o’t pusa sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal. Tumatanggap din po rito ng anti-rabies vaccination, nagkakahalaga po ito ng P100 kung unang beses pa lamang po kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang a*o at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan bago at pagkatapos pabakunahan ang inyong mga fur babies:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Ang programang ito ay sa pagtutulungan ng ating Municipal Agriculture Office at ng SMR Dogs and Cats Municipal Pound. Hinihikayat natin ang mga may alagang a*o’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.