24/11/2025
Proud ako sa’yo, oo ikaw na to. Hindi mo man napapansin, pero ang dami mo nang nilalabanan araw-araw — pagod, stress, expectations, bills, pressure, mga taong hindi nakaka-appreciate, at mga pangarap na parang ang hirap abutin.
Pero tingnan mo, nandito ka pa rin. Bumabangon. Lumalaban. Kahit minsan gusto mo na lang umiyak o sumuko, pinipili mo pa ring kumilos, dahil alam mong walang ibang gagawa nito para sa’yo. That’s strength. Hindi palagi loud, pero real at hirap i-fake.
Minsan napapagod ka na pero hindi ka puwedeng huminto. Hindi dahil ayaw mo, kundi dahil wala kang choice. At ang sakit isipin na minsan, wala naman talagang nakakita sa effort mo — walang nakaka-appreciate, walang nagsasabi ng “ang galing mo.” Pero alam mo kung ano ang totoo? Kahit walang pumuri, may resulta. At iyon ang patunay na hindi mo kailangan ng audience para maging masipag — trabaho mo ang resibo.
Alam ko pagod ka, pero listen — you don’t need to impress anyone. Just keep doing your thing. Yung tahimik mong pagsisikap ngayon, someday magiging rason yan para sabihin mo sa sarili mo, “buti hindi ako sumuko.”
Slow progress is still progress. Hindi mo kailangang maging mabilis, basta consistent ka.
So breathe, rest when needed, then continue. Your future self is cheering for you. 🙌✨😊