04/11/2025
TATAWAGING BAGYONG "UWAN" POSIBLENG MAGING MALAKAS NA BAGYOπβ οΈ
UPDATE | Base sa update na inilabas kaninang 11 am ng DOST- PAGASA, posibleng pumasok sa darating na biyernes ng gabi o umaga ng sabado ang bagyo na nasa labas ng PAR.
Ayon rin sa ahensiya, posibleng maging Super Typhoon ang tatawaging bagyong "Uwan" sa darating na weekend habang papalapit ng hilagang luzon.
Base naman sa Forecast Track ng Japan Meteorological Agency, posibleng pumasok rin ito ng PAR sa sabado at tumbukin ang hilangang luzon bilang malakas na bagyo.
Hindi rin naiiba anf Forecast Track ng JTWC kung saan posibleng tumbukin rin ang hilagang luzon.
TANDAAN: Malayo-layo pa po ito kaya posibleng magbago bumaba o tumaas ng kaunti) ang track nito ngunit dahil nasa dagat pa ito, malaki na talaga ang tyansang maging super typhoon ito.
π·: DOST-PAGASA
Japan Meteorological Agency