01/12/2024
Bagama't bigong makuha ang unang puwesto, itinanghal pa ring finalist ang grupo ng mga mag-aaral ng SMNHS, kasama ang tatlo pang paaralan sa bansa, sa katatapos lamang na online awarding program ng 12th Diwang: Sagisag Kultura ng Filipinas National Competition - Music Video Animation Category.
Ang lahok ng paaralan ay hinango sa "Bakit Maraming Mata si Pina" mula sa Mga Kuwentong Supling ng Philippine Cultural Education Online, Disyemre 1, 2024.
Ang pangkat ng mga mag-aaral na lumahok ay binubuo nina Princess Amilyn Yumang (12 Arts and Design - Jose Joya), Ashley Ace Albienda (12 STEM - Werner Heisenberg), Brix Anthony Cruz (12 STEM - Albert Einstein), Jian Cyle Dela Mines (11 Arts and Design - Fernando Amorsolo), Patric James VillaseΓ±or (10 SPA) at Chariz Fernandez (9 SSC-A) sa pamamatnubay ni G. Mark Valmeo, g**o sa Filipino. Kaaramihan sa naturang mga mag-aaral ay estudyanteng mamamahayag din ng Ang at The Mayumo.
Lubos na nagpapasalamat ang grupo sa pagkakataon at suportang ibinigay ng paaralan upang patunayan ang kani-kanilang husay sa larangan ng modernong sining sa pambansang kompetisyon.
Marciano V. Cruz, Jr.
Punong-g**o IV
Joselito G. Milan, PhD
Katuwang na Punong-g**o II, OLS
OIC- Jhs Akademiks
Cherilyn R. Goyena, PhD
Katuwang na Punong-g**o II, SHS
Carmelita S. Culilap
Ulong-g**o VI, Kagawaran ng Filipino
(Screenshots mula sa Philippine Cultural Education Program page)