
28/07/2025
284 pages na kailangan ipa-print na learning materials... kanya-kanyang print???
Windang! Sobrang dami nito parang isang libro na. Learning materials po ay ipino-probide o nanggagaling kay teacher na printed na ibibigay sa mga bata hindi pinagpi-print ng kanya-kanya na ganyan karami. Kung isa hanggang 5 pages lang yan di aalma ang parents. Kaya lang ang dami talaga at di naman lahat ay may kanya-anyang printer sa bahay. Mahal magpa-print sa printing shops kahit pa sabihing madami ang ipapaprint. Bilang ang bayad per pages. Kawawa naman ang walang kakayahang makapagpa-print ng ganyang kadami.
Isa pa, may printer sa school or photocopier. May printer na rin halos lahat yung iba nga donated ng parents. May bond papers at ink kaya yun ang dapat gamitin, may supply from MOOE at may mga magulang na nagdo-donate din nito.
Di ko alam bakit ganito karami ang kailangan i-print ng bawat mag-aaral. Pwede naman itong kaunti lang dahil sasagutan ng bata at ibinigay ito nung nakaraang linngo na suspendido ang klase na dapat ay hindi naman magsi-shift sa ADM kaya dapat ay walang ipagagawa. Sobrang unfair at walang consideration ang ganito.
Dito sa amin, kaming teachers ang nagpi-print ng learning activities or resources na gagawin ng mga bata, magsasagot na lang sila hindi pinoproblema ng parents ang pagpi-print nyan trabaho naming mga g**o yan. May printers, bond papers, at ink kami galing sa MOOE at yung iba nga ay donated ng parents.